CHAPTER 13

2902 Words
Subdivision Scandal V Written By: TheSecretGreenWriter ✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️ ••• Ganny Kanina ko pa pinagmamasdan tong bote ng beer sa harap ng mesa. Hindi ko narin mabilang kung naka ilang order na ako ng alak simula ng umalis ako sa harapan nila. Gusto kong isipin na hindi totoo ang lahat, pero kahit anong pilit kong palakasin ang loob ko naglalaho bigla tuwing naalala ko ang larawan sa aking isipin, larawan ng aking mahal kasama ang taong 'yon. Puno ng tawag  ang cellphone ko, kita ko rin ang tadtad na mensahe mula sa iisang tao. Mula kay Maurene, ang babaeng pinaghihinalaan kong may gawa ng lahat. Bat kaylangan ko pang paghinalaan kung sigurado na ako na siya talaga ang may kinalaman ng mga mensaheng 'yon. Ngayon napagtatagpitagpi ko na ang mga bagay. Kung bakit sa walong buwan na pananahimik ko ay, nanatili lamang talagang tahimik ang sarili ko sa buong kwarto sa hospital. Tanging sila lang ang nakakalam ng kalagayan ko, na walang nagpaalam ng naging sitwasyon ko kay Dennis. Nagdulot ng sakit sa kanya, dahil sa pagkakaalam niya ay pinagpalit ko na siya. Nasaktan ko siya sa pagkakataon na 'yon. Hindi ko siya masisi, dahil napakapulido ng ginawa ni Maurene. Na hindi man lang inisip ang mangyayari sa pagkakataong mamulat ako at maghanap ang puso ko, sa nagmamay ari nitong tunay. Pareho kameng naging biktima, pareho kameng naloko. Pero ang masakit 'don. Siya ay nalagpasan na ang sakit, pero ako magsisimula palang. Na kahit anong pilit ko tanggapin ang nangyari ay hindi ko maatim na isaksak sa puso ko na wala na kame, na hiwalay nakame. Mas lalong hindi ko maatim na, bakit ang taong yun pa. Paano sila nagkakilala? Paano humantong na si White at Dennis ay ngayon ang magkasama na. GUSTO KO MALAMAN KUNG PAANO, GUSTO KO MABAWE SI KRIB, ALAM KONG PAREHO LANG KAMENG NALILITO. UMAASA AKO NA MAHAL NIYA PARIN AKO, TULAD NG PAGMAMAHAL KO SA KANYA. ••• Silver Madaling araw ng tumawag sakin si Wax. "Boss" paguna nito ng sagutin ko amg tawag. "Ano may pinasok nanaman kayong gulo?" agad na bungad ko naman. Sa tono ng boses niya ay alam kong may kakaiba at ang nariringig ko sa background ay parang nasa gulo sila. "Boss si Mendez nandito sa Bar malapit sa may SM bicutan" napabangon ako sa higaan, kung saan himbing na natutulog si Cazi. "Anong ginagawa niya diyan?" tanong ko naman. "Pauwe na kame ni Harlon galing diyan mg madaanan namin, binubugbog ng mga tao dito sa Bar" hindi ko alam ang sasabihin, pero medyo nagkaroon ng masayang plano sa aking isipan. "Tulungan niyo si Mendez! Susunod ako diyan." "Sige boss itetext ko nalang tong eksaktong address" agad kong binaba ang cellphone at kinuha ang susi ng sasakyan. Mapapasakin din ang tiwala mo Mendez. Sigurado ako dito. Pagdating ko sa Bar na tinext sakin ni Wax ay naabutan ko na lamang ang duguan at bugbug na si Ganny. Nakakaawang nilalang. "Nasan ang mga gumawa nito?" tanong ko sa dalawang nakabantay sa lalaking nakaupo sa labas nitong Bar. Lasing at parang batang umiiyak, nakatulala sa hangin. Mahinang binabanggit ang pangalang Krib. Pumasok muna ako sa loob ng Bar at pinagmasdan ang may gawa sa pagmumukha ni Mendez. Medyo dim ang ilaw sa loob, pero may isang grupo ang kumuha ng atensyon ko. "Hahahaha grabe ka Boi kinuha mo pa pati wallet" ringig kong sabi ng isang mukhang chinese. "Binastos niya Girlfriend ko, pambayad lang niya to.. Mukhang mayaman! Hahaha" tawang tawang sabi ng isang malaking tao na hawakhawak ang isang wallet. "Grabe yang mga yan Sir, kawawa yung lalaki kanina" habang nakasulyap ako ay nagsalita ang waiter na tumabi pa sa akin. "Anong ginawa nila?" paguusisa ko. "Yung syota po kase niyang si Alexo" tinuro niya ang malaking lalaki. "Lumapit dun sa lakaki kaninang pogi, kita ko na kinukuha yung wallet ng lalaki" Tinignan ko siya ng matalim, gusto ko lang ituloy niya ang pagkekwento niya. "Tapos ayon nga, nung di nagtagumpay .. nagsisigaw binbastos daw siya. Sumugod na yang mga yan" "Wala kang ginawa, tungkulin niyo rin dapat na mapanatili ang safety ng costumer niyo" paalala ko dito. Sabay inalisan ko at pumunta ako sa grupong tinutukoy niya na gumawa kay Mendez. Gulat sila ng maupo ako sa bakanteng, upuan sa table nila. Napatingin ang lahat sa akin, Siyam lahat sila kasama ang isang babae. Nagsalin ako ng alak sa isang nasong bakante at mabilis na nilagok 'yon. Pabagsak kong inilapag yung baso dahilan para magtaka sila lalo sa aking presensiya. "Sino ka, at ang ginagawa mo dito sa lamesa namin" matapang na tanong sakin ng malaking lalaki. Pero hindi ko na pinatagal pa ang ipinunta ko, mabilis kong inagaw ang wallet ni Mendez. Agad akong tumayo ng maagaw ko yun. "Hoy!" sigaw ng maingay na tsinoy. Lumingon ako, "Binawe ko lang" pagtukoy ko sa pitaka. "Kinuha niyo sa kaibigan ko" tila nagulat sila sa sinabi ko. "Loko ka ah" banta nung nagngangalang Alexto. "Sige, kung hahayaan  ka naming--" Hindi ko na siya pitapos pa magsalita, buong pwersa ko siyang sinipa. Natumba sa lamesang kinasasadlakan ng grupo niya na pasugod narin sa akin. Pero mabilis kong nailagan ang mga patamang suntok nila sa akin. Isa isa silang bumagsak ng gumanti ako sa bawat sugod nila, ang iba sa kanila ay di na nagtuloy na gumanti sa akin. Si Alexto, mukhang nakatulog sa pagsipa ko sa kanya. Isang mahinang nilalang. Nakuha ang atensyon ng mga tao sa Bar ang gulong nasimulan ko. "Ibahin niyo ako sa kaibigan ko, dahil kayo ko kayong patumbahin lahat.. Kahit nakapikit pa ako" pagmamayabang ko sa kanila. Nagsanay ako ng mabuti, at pinaghahandaan ko amg muling paghaharap namin ni Lucas. Kita ko ang mga galit sa mga mata ng mga taong nasa harap ko. "Wala sanang problema kung hindi niyo ginalaw ang kaibigan ko" mabilis akong sumugod ulit. Sa pagkakataong ito dinaklot ko sa kwelyo ng suot niyang damit ang kaninang maingay na Tsinoy. "Alam niyo ba ang ginawa niyo sa kanya?" tanong ko sa lalakkng hawak ko. "Siya yung nauna" biglang sabi nito. "Sa susunod na makita ko kayo, kasama ko na siya" hinagis ko siya patapon. Tumama siya sa kanto ng Mesa. "At magkasama naming dudurugin ang pagmumukha niyo" ibinulsa ko na ang wallet na hawak ko kanina. Nakita kong dumadami na ang tao sa paligid, Si Wax din ay nakita kong narito na sa loob. "Hindi para sa inyo ang lakas ng kamao ko, hindi para sa inyong mahihina" tumalikod na ako at iniwan sila. "Gaganti kame sayo! Humanda ka!" banta ng isa sa kanila sa akin. "Mayabang!" sigaw nmaan ng babaeng nakaalalay sa syota niyang hinimatay sa pagsipa ko. Bago ako lumabas ay nakita ko nakapameywang ang tila boss dito sa munting Bar na walang bantay. Kinuha ko ang wallet ni Mendez sa bulsa ko at tinignan ko ang laman nito. Maraming pera, kumuha ako ng dalawang libo at inabot ko yon sa babaeng nakaharang. "Bayad ko sa abala" sabi ko sabay alis na ng tuluyan. PAGKALABAS ko ay naabutan ko si Mendez na nagkakalat ng suka, kadiri. Inis kong tinignan si Harlon at Wax. "Hinihintay niyo?!" napapatakip pa ako ng mata dahil sa nakikitang pagkakalat ng lasing na nilalang. "Ayusin niyo yan bago niyo isakay sa sasakyan" utos ko sa kanila. "Boss?" nagtatakang sabi ni Harlon. "Mga bingi" sigaw ko. "Sabi ko isakay niyo sa likod ng sasakyan" sabi ko ulit. "Sumama narin kayo, dun na kayo matulog sa mansyon" Naintindihan na nila ang sinabi ko. Kawawang Mendez yung itsura niya ngayon parang nakakadiring nilalang, puno ng sariling suka ang damit. Ang asim na ng amoy nakakarindi. Kung hindi kalang mahalaga sa plano, hahayaan lang kitang ganyan. Ang yaman mo ring tao, pero sa gantong kamumurahing Bar ka pa dumadayo. NASA likod si Mendez at inaalalayan siya ni Wax, katabi ko naman sa unahan ng sasakyan si Harlon. Pinaiwan ko nalang muna ang motor nila sa Bar. Pati ang kotse nitong si Mendez daanan nalang mamaya pag magisimg na siya. Sa ngayon, papatuluyin ko na muna siya sa mansyon. Pagkatadating sa mansyon ay agad kong inutusan si Wax at Harlon na linisan si Mendez at dun nila patulugin sa Guest Room. Bumalik na ako sa kwarto at naabutan kong gising si CaZi. "Mukhang may bisita ako?" nakangiting tanong nito. Tinitigan ko lang siya, "Gusto ko siyang puntahan.." sabi pa nito. Hindi ko na siya pinigilan dahil antok na antok na rin ako. ••• Ganny 5 pm... Ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Pero dama ko rin ang ginhawa sa pwesto kung saan ako nakahiga Pero dama ko ang pasulpot sulpot na kirot na namamayagpag sa aking labi at pisnge. Muli kong naalala ang nangyari kagabi, yung mga taong pinagkaisahan ako bugbugin... Malamig ang paligid at ang lambot ng pwesto kung saan nakahiga ang aking katawan. Dahan dahan kong iminulat ang sariling mga mata na medyo namamaga rin, bumumgad sakin ang ang kulay kremang kwarto. Pagtingin ko sa gilid ay nakita ko ang isang malaking painting, replika ito ng 'Starry Night'  ng pintor na si Van Gogh.  Nasaan ako? Pilit kong minulat ng tuluyan ang sarili ko, at inalis ang kumot na nakatalukbong sa akin. Hindi ko inaasahang makit ang sarili kong walang saplot. Nasampal ko pa ang sarili ko dahil sa akala ko'y nanaginip lamang ako. Fvck. Natamaan ko ang sugat sa aking mga labi. Inilinga ko ang aking sarili sa paligid  Nakita ko sa sahig ang mga kasuotan ko! Kasama na 'don ang aking boxer at brief. Halos natumba ako sa higaan para kunin ang mga gamit ko. Shet, wala talaga akong suot! Parang nawala ang hilo na naramdaman ko dahil sa nakikita ko ngayon sa aking sarili. Agad kong hinablot ang mga nakakalat na gamit at... Bigla akong napatigil ng maamoy ang, tila nangangasim na mga damit. Shettt.. BIGLANG bumukas ang pinto, agad kong kong hinila ang kumot sa higaan at itinapis 'yon sa hubad kong katawan. Bumungad ang isang .. ba.. babae? Nakamaskara ito habang bakasuot ng isang kulay mint green na gown. Yung buhok niya ang kulay Ginto at ang amoy niya ang kumalakat ang bango sa buong kwarto. Dahan dahan siyang lumalapit sa akin, bawat hakbang niya ay may pagsabay sa kembot ng kanyang bewang. Bigla akong kinabahan, nasaan ako at bakit may mga nilalang na hindi ko kilala. Nang tuluyang makalapit ay marahan niyang idinikit sa katawan ko ang dala niyang tuwalya. Isang kulay kahel na tuwalya. Walang salitang lumalabas sa kanya, "Sino ka? Nasaan ako? Tsaka.. ba.. bat ako bakahubad?" tanong ko sa kanya. "Wala ka bang natatandaan" isang panibagong boses ang naringig ko. Isang Pamilyar na boses, bigla akong kinabahan. Dahandahan naglakad yung nakamaskarang babae papunta sa bagong nilalang na pumasok dito sa silid. Parang nanakit bigla ang mga pasa ko sa mukha dahil sa boses na nariringig ko ngayon, hindi ako nagkakamali... HINDI ko inaasahan ng tignan ko na ang taong nasa harap ko ngayon. Si Rusty. Napausog ako sa kinatatayuan ko at halos, maidikit ko ang sarili ko sa pader kung saan nakakbit ang painting. Naalala ko ang huling pagkikita namin, yung oras na gusto niya akong parushan. Anong nangyayari sa mundo?! Bat nagbabalikan ang mga taong to sa paningin ko! At bakit ngayon pa, kung kaylan hindi ako handa. Kung kaylan hindi ayos ang puso ko. "Hey kalma!" biglang may inihagis siya sa akin, isang damit. Muli akong tumingin sa kanya. "Hindi na to tulad ng dati" sunod na inihagis niya sa akin ay isang short! "Kaya wag kang kabahan" huling tapon niya ay isang underwear na may design na Doraemon.  Bigla siyang tumawa. "Hahahahaha pasensiya na wala akong ibang nakita"  sabi nito sa akin. Gulat na gulat ako sa inaakto niya ngayon. May mali, may pagbabago. Pero alam kong.... patibong to! Alam kong ang loyalty niya ay hindi mawawala kay Leeford! "Anong kalokohan to" matapang na pagsagot ko sa kanya. Tinignan niya ang nakamaskarang nasa tabi niya, tumango ito na tila alam ang salitang itinapon ng mga titig ni Rusty. Dahan dahan itong lumabas at isinara ang pinto, pagkatapos 'non ay nakangisi namang lumalapit sakin si Rusty. Hindi ko alam ang gagawin, alam kong may kakaiba. Alam kong may binabalak siya, at hindi ko maintindihan bat kasama ko ngayon ang taong to! "Kagabi, nakita kita sa Bar sa Bicutan.. pauwe kame galing sa pinagtatrabahuan ng gilfriend ko" bigla siyang nagseryoso. "First di ako nakapaniwala na ang isang Mendez na matagal kong di na nakikita ay makikita ko nalang biglang.. nakakalat sa tabi tabi at bugbog sarado.. at puno ng sariling suka ang katawan" Napatitig ako sa mga gamit na hawak ko at binitawan ko 'yon. "Paano ko malalaman na wala kang kinalaman sa nangyari sakin kagabi..na hindi mo ginawa yun para igante ang kaibigan mo" malakas siyang humalakhak sa kinauupuan at hawak ang tiyan pang tinuturo ako. "Patawa ka"  sabi nito. "Alam mo Mendez, maraming bagay ang nagbabago habang tumatakbo ang panahon" sabi nito. "Narito ako sa harapan mo, hindi para saktan ka" Lumapit siya sa'kin at tinitigan ang mukha ko. "Nagpapakalasing ka dahil sa isang babae?" tanong niya tila nagpapahiwatig na may alam siya.  "Dun sa nagngangalang krib?" bigla akong nagulat sa sinabi niya! "Please Rusty.. wag mo siyang idamay dito kung gusto mo.. gantihan mo na ako, gawin mo na ang naudlot na balak mo sakin 'non" Ayokong madamay si Krib, ayoko. Dahil hindi ko kayang makita siyang saktan ng taong to "Napakajudgmental mo naman" biglang sagot niya. "Hindi mo man lang ba ako papasalamatan sa pagligtas ko sayo? Sa pagpapatuloy ko sayo dito sa mansyon? Sa paglinis sayo sa sarili mong dugyot, sa sarili mong kalat?" Bigla akong napaisip sa sinabi niya. At napagtanto ang ayos ko ngayon. "Kung may balak man akong masama sayo, edi sana pinabayaan na kitang katayin ng mga tao sa Bar? Sana di na kita inuwe dito sa bahay para makapagpahinga sa sobrang kalasingan mo?" Kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Tama siya, hindi siya magaabalang pahigaain ako sa ganitong kagandang kwarto kung ang balak niya ay saktan lang rin ako, dahil pwedeng pwede niyang gawin sakin 'yon. Nang lagok ang sarili ko sa kalasingan. "Nandito ako sa harap mo ngayon Mendez, para maging kakampi mo.." BIGLA AKONG KINABAHAN SA SINABI NIYA. "Baliktad na ngayon ang mundo Mendez, pareho na tayo ngayon ng kalaban" sabi niya pa. "Aaa.. anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko. "Malalaman mo rin" sabi niya. "Maligo ka muna, may pupuntahan tayo pagkatapos mo" utos niya sakin. Tumayo siya at binuksan yung maliit na Ref na nakapwesto sa kwarto. "Maraming inumin dito pag nauhaw ka, padadalhan din kita ng pagkain" Hindi ako makapaniwala, ibang iba na ang Rusty na nakikita ko ngayon. "Saan tayo pupunta?" tanong ko. May kinuha siyang sofdtinks sa loob ng Ref at binuksan ito. Lumagok siya, pagkatapos pinunasan ang mga labi gamit ang kamay. Muli siyang tumingin sa akin. "Sa lugar kung saan ipapaliwanag ko ang simula ng kanilang kasalanan.." seryksong sabi niya. "Kasalanan nila?" "Ou" nakangising sagot niya. "Kasalanan ni Leeford at ng taong mahal mo" ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng maringig ang sabi niya. "Rusty.." "Gusto mo malaman ang katotohanan diba? Wag na maraming tanong ikekwento ko sayo ng buo. " pagkatapos niyang sabihin yon ay lumabas na siya ng kwarto. ••• Silver Sa tulong ni Wax at Harlon ay pina asikaso ko sa kanila si Mendez, pinagamot ko ang sugat niya at pinahatiran ng pagkain. "Hanggang kaylan siya rito" malanding pagtatanong sakin ni CaZi, na itinatago ang mukha niya sa maskara. "Aalis din siya ngayon" inis ko siyang tinignan. "Mukhang nageenjoy ka sa presensiya ni Mendez" galit na sabi ko rito. "Eto naman, nagtatampo naman agad" minasahe niya ang likuran ko. "Nag enjoy lang ako pagmasdan at kalikutin ang katawan niya magdamag" Kaya wala siya sa kwarto, simula ng dumating si Mendez sa Guest room. "Lasingin mo siya ahh.. lage sweetie" sabi nito. "Tumigil ka, huwag na huwag mong gagawin sa kanya yan na may malay siya" banta ko dito. "Masisira ang plano natin" Hindi na ito nagsalita pa at umalis nalang pabalik sa kwarto. Ganyan nga CaZi, wag ka munang makialam dahil masisira ang plano ko sa kalibugan mong taglay. TAHIMIK lang sa loob ng kotse si Ganny. Bago may naalala siya ay biglang itong nagsalita. "Yung kotse ko" sabi nito. "Binigay ba sayo nung dalawa ang susi?" tanong ko sa kanya. Tumango siya, "Sige balikan na muna natin" sabi ko sa kanya. Sa mga nakikita ko sa mata niya ay alam kong namamangha siya sa nakikitang yaman sa akin. Pero alam kung nagdududa parin siya sa  pinapakita kong pakikipagayos. Pero, alam kong mapapalitan ko ng galit ang buo niyang pagkatao. PAGKATAPOS makarating sa Bar ay agad niyang kinuha ang sasakyan, hiwalay na kameng nagdrive ngayon papunta sa lugar kung saan lalasunin ko ang kanyang utak. ••• Ganny Inihinto ni Rusty ang kotse niya sa harapan ng DMA, nagaalangan akong sundin nag gusto niyang mangyari. Merong parte ng isip ko na, iwan nalang siya. Pero may parte naman mg pagkatao ko lalo na ang puso ko na malaman amg katotohanan. Kaya naman bumaba narin ako sa kotse at tinungo ang harapan ng pagmamayari naming paaralan. Nakangiti niya akong sinalubong, anlaki na ng pagbabago niya. Yung mga suot niyang damit ay mamahalin, pati ang kotse niya na kulay Silver ay talaga namang nakakamangha. Lalo ang mansyon na pinangalingan namin, na matatagpuan sa isang exclusive na lugar, napakalaki at napakaganda. "Gusto mo na ba malaman ang simula ng aking kwento?" tanong nkya sakin. Tumango ako. "Gusto ko simulan ang kwento sa pamamagitan ng, tarpaulin na 'yan" bigla niyang tinuro ang isang Tarpaulin. BIGLA akong nasaktan ng makita ang ang larawan na nakaimprenta sa tarpaulin. Pitong tao na nakasakay sa isang balsa sa ibabaw ng isang asul na anyo ng tubig. Kitang kita ko ang ngiti ni Krib sa larawan. Habang katabi niya si Leeford. Naibagsak ko ang sariling balikat... Ibig sabihin. Magkasama sila sa Dinagat Island? Hindi ko rin gets bakit pito lang sila na nasa larawan na nasa harapan ko. "Actually kahapon kakauwe palang nila galing sa Germany..." biglang may binulilik sa cellphone niya si Rusty. "Update nung f*******: Page nung nag conduct ng International Camping Contest" Mga larawan magkasama si Krib at Leeford ay karamihan sa mga picture na pinapakita sakin ni Rusty. "Isa lang ang ibig sabihin nito.. matagal ka na nilang niloloko Ganny" bulong sakin ni Rusty. °°° COMMENT✍️ at VOTE⭐ "Ang update ko nakasalalay sa inyong komento" •TheSecretGreenWriter•
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD