••• Ganny Maaga akong dumating sa DMA. 6:30 am ah, and what the fudge na 7:30 am niya akong pinapupunta sa United. Balik Senior High ako, hindi ko natapos ang Fourth Year sa ibang bansa kaya dito ko na itutuloy sa DMA, wala ng nagawa ang family ko. Kagustuhan ko'ng manatili sa Pilipinas, dahil nandito ang aligi na pupuno sa puso ng isang alimango. Dhanny is also studying with me here in DMA, primary campus. May maghahatid naman sa kanya, hindi ko na kailangan isabay. Nakapark lang ako dito sa labas ng eskwelahan, dahil didiretso ako mamaya para sunduin siya. Napatingin ako sa sarili ko sa rearview mirror, napapangiting naiisip ko ang reaction niya sa Scandal naming dalawa. Wala siyang ibang pagpipilian kun'di ang manatili sa akin. Mahal kita Dennis, nagagawa ko ang lahat ng ito da

