••• Dennis Hindi ko alam kung anong meron sa tinapay na ginawa ko kanina at parang manghang mangha siya. Pero bawat pagsubo niya 'ron ay nakangiti siyang sumusulyap sa akin. "Hindi ka naman Freshman, no need pumunta sa ceremony" sabi niya sa akin, napansin niya sigurong palinga linga ako sa paligid ng school canteen. "Mas lamang parin yung pabaon mo sa kanya" nakangusong siya sa akin na tapos ng lantakan ang sandwich. "Boyfriend ko yun eh" sagot ko naman, alam kong magagalit siya. "May usapan tayo" yung mga mata niya, tila pinapasok ang utak ko at paulit ulit nitong pinapaalala sa akin ang usapang hiwalayan ko si Lucario. Gusto ko nanaman maiyak habang iniisip ang bagay na pwede niyang gawin pag di ko siya sinunod. Di ko nalang nagawamg umimik, napapapikit nalang akong nakaupo dit

