••• Dennis Hindi mapalagay ang isip ko sa mga nangyayari, kung kaylan nakapagdesisyon na ako sa buhay ko na magmahal nalang ng isa. Sunod sunod naman ang pagpapakita ng mga kalat ko sa nakaraan. Iyak lang ang tanging nagagawa ko, wala akong maisip na plano o solusyon. Natatakot ako sa kahihinatnan ng pangyayaring ito sa buhay ko. Nagsearch ako sa Google tungkol sa mga taong nakakaranas ng ng ganitong pangbablackmail. Nagbasa ako ng mga commnet sa Thread na post ng may Username na Paula Eneri. yourbabyfirexx1994 Ipakulong niyo ang mga ganyang tao, wag matakot magsumbong sa pulis. JaneMallari Wag solohin ang problema. Maghanap ng makakausap, o kaya naman kausapin mo ng maayos yung nagbablackmail sayo. HexaGone Ginusto mo rin yan, siguro mahal kalang talaga nung tao. Subukan mo

