••• Leeford Itinigil ko muna sa coffee shop ang motor. "Lucario, bat ka huminto?" tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot, bumaba ako sa motor pinanatili ko siyang nandoon. "Lucario, Agoy baka matumba ako Hoy!" I sighed, pinagmasdan ko siya habang nakakabayo pa sa motor, nakaalalay naman ako. "Anong nangyari ba talaga sa'yo?" I tilted my head, hindi ko kinukurap ang mata ko sa pagtitig sa kanya. Hanggang sa siya ang matalo. "Lucario, tinulungan niya lang talaga ako" sagot niya. Biglang siyang ngumiti. "Haist nagseselos" ngumuso siya sa akin. "Gusto mo bitawan kita diyan" bahagya kong inalis ang kamay ko sa kanya, hindi siya marumong magbalanse sa pagupo. "Lucario masakit paa ko" kita ko sa mukha niya ang pagsusumbong. "Baba ka titignan ko sa loob" turo ko sa Starbucks. Parang di

