••• Dennis Hindi lang ako napahiya, hiyang hiya ako sa sinabi niya kanina. E ano naman. Tama nga naman siya, hindi niya ako Jowa. At ikinagagalak ko 'yon. Bat akala niya ba makikipagtalo pa ako sa sinabi niyang iyon? Hindi na uy. Lahat ng kaklase ko nandito sa library, kasama ang bawat pares nila naguusap para sa kanilang ChemSics Project. Habang kameng dalawa andito sa isang lamesa, magkaharap at di naguusap. Nakita ko ang pagtayo niya, tila tinitignan niya ang oras sa relo niya. Ibinalik niya ang hawak na libro kanina, aba san siya pupunta. Iiwan niya ako dito? Nakapaka unprofessional naman ng taong 'to. Ano naiilang siya sa akin? Grade ko maapektuhan kung mananatila siyang ganyan. Inis din akong tumayo na, dahil nakita kong nagmamadali siyang naglalakad palabas ng library. Ki

