••• Dennis Dumaan ang mga araw, medyo naging matunog ang pangalan namin ni Ganny sa Mendez, lalo na sa mga Freshman. Balita ko nga ay gumawa na ng Club ang mga loko CRABLETS ARMY. Haluh sila. Isang lingo na ang lumipas pero hindi ko parin chinecheck ang laman nitong USB. Natatakot ako. Naging mapayapa narin ang buhay ko, hindi na siya nangugulo sakin. Mukhang tinotoo na niya ang sinabi niya 'nong nakaraan. Pero dumating sa buhay namin 'tong mga studyanteng nagpapakilalang mga anak daw namin. Crablets Army ika nga nila. Tuwing nakikita nila kamemg medyo magkalapit ay di mapigil ang tilian. Hindi ko kayang magalit sa mga inosenteng paniniwala nila na may pagasa pa kameng magbalikan. Pinanghahawakan nila ang sipit na bumitaw na sa isat isa. "Tss.. may mga anak na pala kayo e" haba

