••• Leeford Gabi na ng makarating ako sa bahay. Masyadong maraming school activity. Experiment. Recitation. Quiz. Kakaiba itong program na kinuha ko. Unang araw palang hindi ko kailangan maging petiks. Babagsak ka kung pababayaan mong di mahabol ang mga gawain. Lalo na sa major subjects. Arriving in front of my house, may nakatayo sa gilid ng gate. Hininto ko ang motor ko, at pilit kong inaninag kung sino ang naghihitay sa akin. Bilang lang ang may alam kung saan ang address ng sarili kong bahay. Kumaway siya. What the hell she's doing here?! Inis akong bumaba sa motor na dinadrive ko, Pinark ko muna ng ayos bago ko siya hinarap. Binigyan ko siya ng nagtatakang titig. Lumapit siya sa akin, yayakapin niya ako ng umatras ako. Damn. Tila napahiya naman siya. May dala siyang W

