EXTRA SERVICE (SERIES1) PROLOGUE
"Friend, kailan mo balak sabihin sa boyfriend mo ang sekreto mo?" bungad sa akin ng kaibigan kong si Kate. Kahit madaldal, siya lang ang 'di nang-iwan sa akin at tinuring akong pamilya. Handa akong damayan sa kahit na anumang laban.
Bumuntonghininga ako nang marinig na naman ang paulit-ulit niyang tanong sa akin. "Sa tamang panahon besty." Wala ng nagawa pa si Kate kung 'di ang tumahimik na lang. Parehas kaming nurse ni Kate.
Panggabi kami kaya halos nangangayat na dahil kulang palagi sa tulog. Minsan ay hindi pa masyadong makatulog sa araw, dahil kailangan makahanap ng ibang pagkakakitaan upang may maibigay na baon sa dalawa kong kapatid na nag-aaral pa lang, at para sa sugarol kong ama.
Sa papa ko pa lang hindi na sasapat ang sahod ko sa ospital. Tama lang at halos hindi ko na mabibili ang personal kong pangangailangan, dahil mas inuuna ko pa ang luho ng dalawa kung ate at sugarol kong ama. Minsan bigla na lang pumatak ang luha ko kapag naaalala ko ang lahat ng sakripisyo ko para sa kanila. Pero ni minsan hindi nila ako nakikita. Bulag sila pagdating sa akin.
Gusto ko ng sumuko ngunit hindi ko rin magawa dahil, sa akin nakasalalay ang kinabukasan ng dalawa ko pang kapatid. Namatay ang nanay namin dahil sa stressed. Napapagod siyang mag-isip kung paano magbabago ang tatay ko. Pero kahit namatay ang mama ay hindi pa rin nagbabago. Mas lumala pa nga. Gano'n pa man, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na sana, balang araw ay magbago na siya.
Mapakla akong tumawa. At nag-ayos na papuntang trabaho, nang mag-ring ang cellphone ko. Si John! "Hello..."
"Babe, susunduin kita r'yan malapit na ako."
May ngiti sa labi nang ibaba ko ang hawak na cellphone. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang kaba at takot na baka malaman ng boyfriend ko ang matagal ko ng inilihim sa kanya.