CHAPTER 5

1464 Words
CELINE "Celine, kanina ka pa umiinom baka mamaya niyan malasing ka na." Tinabig ko ang kamay ni Kate at kumuha pa ng beer sa ref. Naiinis ako dahil sa nangyari kanina. Hindi maari! Hindi puwedeng makasal ako sa lalaking bago ko pa lang nakilala. "Hindi maari 'to, Kate. Pinagkaisahan nila ako," sagot ko sa kaibigan ko. Tipsy na ako kaya siguro kung anu-ano na 'yong lumalabas sa bibig ko. Nagsalin pa ako sa baso ngunit hindi natuloy iyon dahil may pumigil sa kamay ko. Pag-angat ko ay saktong tumama sa mukha niya ang labi ko. Nanatiling gano'n ang posisyon namin hanggang sa hilain ako ni Kate na tatawa-tawa. "May tama ka na nga." "Stop it!" aniya sabay hila sa akin. Dinala ako sa kuwarto ko at ni-lock ang pinto. Nanghina ako bigla dahil na rin siguro sa alak na nainom ko. Hindi ako sanay uminom kaya madali akong natamaan. "Huwag mo 'kong pakialaman. Umalis ka kung ayaw mong masaktan." Hindi siya nakinig bagkus nilapitan ako at pinilit na ihiga sa kama. Dahil hilong-hilo na ay wala na rin akong nagawa pa. Kinumutan niya ako at umupo sa tabi ko. " Para sa 'yo ang ginawa namin ng papa mo," sabi niya at hinalikan ako sa noo. Unti-unting pumikit ang mga mata ko. *** Nagising akong masakit ang ulo ko. Dahan-dahan akong bumangon at tumayo. Kailangan ko ng magtrabaho. Paubos na rin ang kaunting ipon ko. Sana lang tanggapin pa ako sa ospital. Bumuntong hininga ako. Nagmadali akong pumasok sa banyo para maglinis ng katawan. Nang matapos ay binilisan ko ang pagbihis. Ilang minuto ang lumipas ay tumunog ang cellphone ko. "Hello." Dinig kong humugot muna ng lakas ang nasa kabilang linya. "Celine, I'm sorry pero magmula ngayon may kapalit ka na," ani sa kabilang linya. Napaupo ako sa kama. Hindi ito ang inaasahan ko. Magmula nang dumating sa buhay ko ang lalaking iyon ay sunod-sunod na ang kamalasang nangyari sa akin. Tumayo ako at nagmadaling lumabas. Nakita kong nakaupo sa sofa si Kate na hawak ang cellphone. Matamlay. Nilapitan ko at tumabi sa kanya. Alam kong pati siya ay natanggal din sa trabaho. "Ikaw rin ba?" Tumango siya. "Magsimula na naman tayo nito." "Ayos lang 'yan. Maghahanap na lang tayo ulit," tugon ko. Ngumiti siya at binigay sa akin ang hawak na papel. Kinuha ko naman agad iyon sa kadahilanang isang pirasong papel lang, ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ang laman n'yon. "Galing kay Eldon 'yan. Samahan na rin daw kita sa mall." Tila kinikilig pa niyang sabi. Nag-alanganin akong tanggapin iyon. Pagtayo ko ay siya ring pagtunong nang cellphone ko. Hindi naka-register ang numero. Binuksan ko iyong messages doon. Tatlong mensahe galing sa iisang numero. "Kanino kaya 'to?" Para masagot ang sariling tanong ay inisa-isa ko iyong binuksan. "Nakuha mo na ba 'yong pera na iniwan ko kay Kate? "Please tanggapin mo na 'yan." "Lets stalk later." Hindi ako nag-reply. At wala akong balak gastusin ang perang hindi ko pag-aari! Tinago ko iyon sa kuwarto ko at nagmadali akong bumaba. Pumara si Kate ng taksi. Mayamaya pa ay huminto ang taksi sa harap namin. Naunang sumakay si Kate bago ako sumunod. Akmang isasara ko ang pinto nang pigilan iyon nang isang malaking kamay. Nangunot ang noo ko nang makitang si Eldon iyon. Bahagyang ngumisi ang lalaki. Pero nakaramdam ako ng kakaiba sa taong kaharap ko ngayon. "Saan ang punta n'yo?" untag niya sa amin. Hindi ako sumagot. Tahimik at nakatingin lang ako sa labas. Tinapunan ako ng tingin ni Kate na may pagtataka. "Friend, 'di mo ba papansinin?" "Ikaw na ang makipag-usap sa kanya. Wala ako sa mood," sagot ko. Ilang minuto ang lumipas ay bumaba na kami. Dumiretso kami sa pamilihan ng mga damit. Balak kong bilhan ng mga bagong damit sina Kylie at Madel. Saka ko na isipin ang paghahanap ng trabaho. May kaibigan naman akong mayaman at tiyak tutulungan ako no'n maipasok sa kompanya nila. "Celine, bakit naman 'di mo pinapansin 'yong tao." "Wala akong ganang makipag-usap sa kanya. Saka habang tumatagal ibang Eldon na ang kaharap ko." Napapailing na nagpatuloy sa pagkalalakad si Kate. Hindi ko na pinansin pa ang mga sinasabi niya. Hindi ko pa nakakausap ng maayos ang taong 'yon. Hindi ako papayag na bilugin niya ang utak ng papa ko. Kausapin ko siya mamaya para matapos na ang lahat. THIRD PERSON POV Kanina pa pinagmamasdan ni Erik ang babae malapit sa counter. Nakahanap na sana siya ng tiyempo kanina, kaya lang nasa sasakyan sila. Saka ayaw niyang ibuking ang sarili niya. "Ang ganda at ang sexy mo talaga," kausap niya sa sarili habang malagkit niyang tinitigan ang dalaga. Palabas na ang dalawang magkaibigan kaya lihim niyang sinusundan ang mga ito. Ngunit nalusaw ang ngiti niya nang makita ang kakambal na sinalubong ang dalaga. "Kahit kailan talaga panira ka sa plano ko!" Mabilis siyang umalis sa naturang lugar at naghanap ng mapaglibangan. CELINE POV Ibang Eldon na naman ang kasama ko. Sweet at over protective ang Eldon ngayon sa harapan ko. Minsan naiisip kong baka may kakambal ito. Pero imposible naman yata 'yon. Wala naman siyang binanggit tungkol sa pagkatao niya. Masyadong malihim ang taong iyon at hindi nga malabong mangayari ang hinala ko. Napatingin ako sa kisame. "Anak, may bisita ka," basag ni papa sa aking pagmumuni-muni. Napatuwid ako ng tayo nang lapitan ako ni papa. "Anak, pasensiya ka na kung may inilihim kami sa iyo. Para rin naman ito sa kaligtasan mo," patuloy niyang salita. Hindi na ako sumagot. Tumayo ako at dire-diretso ang lakad papuntang pinto. Pagdating ko sa baba ay nakaupo na sa maliit na sofa ang sinasabing bisita ni papa. "Eldon. . ." Tumayo siya at sinalubong ako ngunit pinigilan ko siya. Nagtataka man ay bumalik siya ng upo at pinagsiklop ang dalawang kamay. Tumikhim ako. "Ano'ng kailangan mo?" mahinahon kong tanong. "Marry me, nang sa gano'n ay matahimik na ako." Namilog ang mga mata ko. Kay daling banggitin ang mga katagang 'marry me' pero mahirap panindigan. "Kung ako sa 'yo lubayan mo na ako at magpakalayo-layo. Mula ng dumating ka sa buhay ko. Minalas na ako." Rinig ko ang pagtagis ng bagang niya. "Sige, kung iyon ang ikasasaya mo. Your wish is my command." Tumayo siya ng hindi man lang lumingon. Bigla akong na-guilty sa inasal ko sa kanya. Pero tama na rin naman iyon para makapag-isip na ako ng matino. Hindi ako makagalaw ng maayos kapag nakabuntot siya palagi sa akin. Nakaramdam ako ng lungkot nang napagtanto kong masakit na pala ang nabitawan kong salita sa kanya. Bumuntonghininga ako at humiga sa sofa. Iniisip ko kung nasaktan nga ba siya sa mga sinasabi ko. Ilang minuto ang nakalipas ay unti-unti na akong inaanod nang antok. ELDON POV "What the hell, Eldon!" himagsik sa akin ni Cloud sa akin. Nanatiling tulala at panay lagok ko ng alak. Hindi maaari! Kailangan ako ni Celine lalo na ngayon. Hindi ako titigil hanggat hindi siya papayag sa gusto ko. "Hindi puwede 'to Cloud! May binabalak sa kanya si Erik at hindi ako makakapayag na mapunta siya sa lalaking iyon!" "Iyon na nga. Suyuin mo muna siya bago ka magdesisyon na pakasalan siya." Isang lagok pa ang ginawa ko bago dinampot ang cellphone sa bulsa ko. Tinawagan ko ang isa ko pang tropa. Hindi puwedeng i-reject niya ako ng gano'n-gano'n na lang. Hindi niya alam na si Erik ang muntik ng gumahasa sa kanya. At mas lalong hindi niya alam na kakambal ko pa. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat? Paano ko sasabihin na may gusto rin sa kanya ang kapatid ko? Na matagal na rin siya nitong sinubaybayan? Susuko na ba ako alang-alang sa kapatid ko? Napalunok ako sa isiping magpaparaya na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Biglang kinurot ang puso ko sa isiping iyon. "Tell the truth dude," aniya sabay sindi ng sigarilyo. Nagpakawala ako ng hangin bago tumayo at lumapit sa veranda. Maganda ang tanawin. "Bakit si Erik pa ang naging karibal ko sa babaeng 'yon? Sana iba na lang." Mapait akong ngumiti. Tumayo ako at tinungo ang pinto. Nakasunod si Cloud sa akin. "Uuwi na ako. Call me anytime." "Eldon. . ." Isang sipa ang natanggap ko mula sa taong tumawag sa akin. Mabuti at nahila agad ako ni Cloud. Galit na galit si Erik at halatang lasing. "f**k you! Hindi mo makukuha si Celine sa akin. Sana tinuloy ko na 'yong pagkuha sa kanya no'ng dinala ko siya rito sa bahay." Tila isang tinik iyon sa pandinig ko. Sinunggaban ko siya ng suntok sa mukha. "Subukan mo nang sa kulungan ang bagsak mo!" Ngumisi siya at tinalikuran ako. May pag-alala sa mukha ni Cloud. Alam ko ang iniisip niya kaya nagmadali kaming umalis sa bahay. Habang daan iniisip ko pa rin ang nangyari. Isa lang ang paraan kung sakaling hindi papayag si Celine sa gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD