++++++++++++
Kalen's POV
"Ha? Bakit?" Ayan ung nasabi ko kahit wala naman akong allergy.
"Baka kasi allergic ka sa hot cake na kinain mo... Nag aalala ko. Ano ka ba?!" Sabi nya at gusto akong hamapsin pero pinigil nya. "Dali na! Lalagyan ko. Ay wait! Hindi ka naman sensitive sa ointment?" Dagdag nya pa.
Lalagyan nya? Nak ng! Baka matotoo ung sinasabi ni Keith! Na matumba na lang ako dito!
Ganto ba to mag alaga ng kaibigan o mag alala sa kaibigan?!
T*ng*na! Caleb! Kaya ba baliw na baliw ka dito?! Kasi ako, baliw na baliw na din sa babaeng to!
"Hoy! Akin na... Nakatulala ka na dyan. Wala kang sinasagot sa tanong ko! Lagyan ko na. Tingala!" Sabi nya at naiinis na.
Teka! Ano daw?! Tingala?! Damn! Wag please, Zie!
Dahil magkatabi ung upuan namin, madali lang nyang naikot ung upuan ko at hinarap ako sa kanya. Sh*t! Damn this woman! Bat ang lakas ng epekto mo sakin!
"Tingala na. Kalen!" Sigaw nya sakin, kaya naman tumingala ako.
Wala akong allergy pero kung lagi nyang gagawin to. Parang gusto ko na lang magkaallergy.
Pero hindi naman kasi ako umaangal! Pinagmamasdan ko lang sya.
Zie... Hindi allergy yan, Baby. Kinikilig lang ako sa ginagawa mo sakin kaya ako namumula.
Gusto kong sabihin pero seryoso sya sa ginagawa nya. Kaya ayokong pigilan. Taking advantage of her caring attitude, ayun ung ginagawa ko. Ang sarap sa pakiramdam.
Na ung babaeng mahal ko, inaalagaan ako kahit alam kong kaibigan pa lang ang turing nya sakin..
"Parang ang sarap magkaallergy bigla ah." Dinig kong sabi ni Keith.
"Hindi masarap magkaallergy nuh?!" Sabi ni Zie at tumingin pa kay Keith. "Okay na, Kals. Makati?" Tanong nya sakin.
Umiling lang ako. Hindi ako makapagsalita. Kasi kinikilig pa din ako atska gulat pa din sa ginawa nya. Nilagyan nya talaga ung leeg ko.
Ang gaan ng kamay nya. Parang hinahaplos ako ng marshmallow... Hahahahaha. Ung labi nya kaya malambot at maga- F*cking Sh*t! What am i thinking?! F*ck you Miggy!
"Buti naman. Kung makati tas parang hindi ka makahinga sabihin mo agad ah. Para madala ka namin sa clinic or ospital. Kesa ung late na." Sabi nya na sobrang nag aalala..
She has past... Kaya ganyan sya mag alala..
"Opo. Thank you." Un lang ung sinabi ko at ngumiti.
Ngumiti naman din sya pero bakas pa din ang pag aalala.
Did i scared you My Love? Sorry...
"Bakit pala may gamot ka at ointment?" Tanong ni Keith
Tinignan naman nya ung mga hawak nya. Tapos kumuha ng isang gamot at ibinigay sakin.
"Inumin mo pag hindi nadala ng ointment." She and smile. "May ganto ako lagi kasi... Si Kim, allergic sa seafoods. Si Danica, allergic sa chicken. Si Krystal naman allergic sa balahibo. Si Cams naman, allergic sa alikabok. So Incase. Hahahaha. Minsan kasi hindi namin napapansin. Kaya pag nangati sila alam na. Hehehe. Minsan nalilimutan nila. Binilhan ko sila ng tig iisa nito pero ewan ko kung dinadala nila, kaya ako din may dala. Eto naman, mga gamot to. Sa antihistamine, mefenamic, paracetamol, loperamite at madami pang iba! Hahahaha. Pwede na ko magtayo ng pharmacy! Hahaha. May vitamins nga si Kim dito para sa pagbubintis nya ih. Hahahaha." Mahabang paliwanag nya.
Ganon sya kaalaga... Minsan ba iniisip nito ung sarili nya?
"Kaya po pagmasakit ang ulo ng mga tao dito sa Department namin, dito ang punta kasi may mini clinic daw po dito. Hahaha." Biglang singit ni Blesy na ikinatawa nila.
Ganoon nya kamahal ung tao sa paligid nya. She really one of a kind. Tinignan ko si Keith, may tuwa at pagkahanga sa mata nya. Well! Di ko sya masisisi.
"Thank you. Pati si Camille alam mo ung allergy nya, kelan lang kayo nagkakilala. Thank you for taking care of her." Sabi ni Keith
Kung lahat inaalagaan nya, then sino nag aalaga sa kanya? Sinong may alam ng allergy nya? Sinong nagpapahid o nagpapaalala na bawal sya ng ganto o ganyan... Sarili nya lang?
"Ikaw? San ka allergic?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.
Napatingin naman sya sakin tas nagkamot ng kilay.
"Hehehe. Sa nuts. Kahit anong nuts. Basta malagyan ng flavor ng nuts, di na ko kumakain." Sabi nya at ngumiti.
Mukha namang nagulat ung mga kasama nya.
"Allergic ka pala dun Ate... Akala ko ayaw mo lang..." Sabi ni Nico
"Kaya pala pag bumibili kami ng Ice cream tas pistachio ung flavor hindi ka kumakain. Kasi allergic ka pala... Sorry." Sabi ni Anne.
See... Alam nya lahat pero sya hindi alam nung nasa paligid nya.
"Hahaha. Okay lang." Sabi nya at matamis na ngumiti sa mga kasama.
Tapos kumain na ulit ng hot cake nya. Hindi na mainit un pero sarap na sarap pa din sya. Masarap naman talaga. Di ko lang nadama kasi nga kinikilig ako sa pagsubo nya sakin.
"She really one of a kind, Migs. Kind, Caring, Loving, and Selfless person. Wag mo na pakawalan. Ingatan mo yan." Bulong ni Keith na sapat para marinig ko.
"Yes. She is. Hindi na talaga dude." Sabi ko sa kanya na nakatingin kay Zie.
Nicole's POV
Di pa man natatapos ang araw pero parang pagod na pagod ako... Hahahaha. Pero totoo, wala naman ako gaanong ginawa. Hay!
Andito pa ko sa office at nakaupo. Wala talaga akong nagawa ngayong araw. Meron naman pala, magcheck ng stats at magcheck ng ginagawa nila.
"Nicole!!!" Bati ni Tal nung sumulip sya sa office namin. "Ay! Pagod yarn girl?" Tanong nya pa.
Di nya ata napansin si Kalen at Keith. Kaya ganyang umasta.
Kasama nya si Cams at Mikee. Nung napansin nila, mukha naman nagulat sila dahil andun nga si Kalen at Keith. Tapos na office hour pero hindi pa din ako nilulubayan ng isang to. Hahahaha
Pero nag alala talaga ako sa kanya kanina. Kahit naman ngayon lang kami nag usap. Kaibigan na rin ang tingin ko sa kanya. Asawa ko din sya.
"Hindi ko alam ang isasagot ko dyan Tally. Hahahaha." Sabi ko kay Tal at bumaling kay Mikee. "Hi Mikee." Tapos tingin kay Vash.
Type to ni Vash ih... Hehe. Type nya din naman si Vash. Artey pa.
"Vash. it's okay if it's not finish, pakilagay na lang sa Flashdrive and send it to my email also." Narinig kong sabi ni Kalen.
Ay ou nga pala. Andito pa sila. Hahahahaha. Lumilipad ang utak ko...
"Noted po Sir." Sabi ni Vash
"Let me see first, Vashy." Sabi ko at pinuntahan sya.
Tinignan ko un at unti na lang pala.. written proposal pa lang naman to dahil ipapa approve pa kay Ms. Divine.
"Okay lang ba sayo kung magovertime tayo, Vash?" Bulong ko sa kanya.
"Okay lang po Mam. Unti na lang naman po." Sabi nya
"Pauwiin na natin ung iba. Nung nakaraan si Blesy diba? Ngayon ikaw. Hehehe." Biro ko sa kanya. Natatawa naman syang tumango.
Kaya bumaling ako kay Kalen na nakatingin sakin.
"Ahm. Mr. Monticlaro, unti na lang po at matatapos na. Okay lang po ba kung bukas na lang po namin ibibigay ung flashdrive. Vash and I will just render overtime and finish it tonight. As soon as we finish it. We will sent it to your email. ASAP." Paliwanag ko sa kanya.
"Just the two of you? Anong oras kayo uuwi if ever na mag oovertime kayo?" Tanong nya sabay sulyap sakin.
Tinignan ko ulit ung written proposal tapos tumingin sa oras. 5:10pm. Aabutin kami ng mga isa't kalahating oras.
"Yes po. 7pm Sir." Sabi ko
Tinignan naman nya ung relo nyang mamahalin tapos tumingin sakin.
"Sharp?" Tanong nya ulit. May lakad ba sya?
"Ahm... Pipilitin po namin na mag7pm sharp." Sabi ko at tumingin kay Vash.
Tumayo muna sya at sinara ung laptop nya. Tapos tumingin kila Tal na nasa labas.
"Okay. I'll stay. Mauna ka na Keith. Get my things in the office, baba mo na lang dito. Use the other car." Sabi nya
Nagtinginan naman kami ni Vash at ngumisi ito.
"Ayaw mahiwalay sayo Ate. Kayo na lang kaya maiwan. Uwi na ko. Hehehe" Bulong nya.
"Subukan mo. DA ka sakin." Bulong ko din sa kanya na ikinatawa naman nya sabay peace sign
Tinignan ko naman si Kalen na nakatingin din sakin. Nginitian ko lang sya at ganun din sya. Di ko kasi alam ung sasabihin sa kanya ih.
"Sure ka?" Tanong ko sa kanya.
"Yeap." Tapos bumaling kay Keith. "Sabay mo na sila Krystal." Sabi nya at tumango naman un.
Nagkibit balikat na lang ako at tinignan sila Blesy na nag aabang sa sasabihin ko.
"Ung iba, okay na. Pwede na kayong umuwi. Mag iwan na lang kayo ng flashdrive para malagyan namin." Sabi ko sa kanila at ngumiti.
Nag umpisa na naman silang magligpit pati si Keith. Si Kalen naman naupo ulit at pinagmamasdan lang ang ako.
"Bakit?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
Para kasing ewan! Sakin nakatingin... Wala naman akong ginagawa, nakatayo lang at tinitignan sila.
"Nothing." Sabi nya at may binilin kay Keith nung nakatayo na to.
Di ko alam ung pinag uusapan nila. Bahala silang dalawa. Pagod na ko sa kanila. Choss! Hahahahaha
"Sige po Ate. Una na kami. Ingat po kayo pauwi mamaya. Bye!!" Sabi ni Anne. "Hoy! Vash! Ayusin mo ah! Wag mo pahirapan si Ate Nicole." Dagdag pa nya.
"Gusto mo palit na lang tayo. Yabang mo ih." Sarcastic na sabi ni Vash. Kaya natawa ako.
"Ay sorry. Uwi na ko. Bye Ate! Bye Sir Miggy! Bye Vashy Vash!" Paalam nya at nauna panglumabas.
Nagpaalam na lang din sila Blesy at Nico tapos sumunod kay Anne, ganun din si Mikee. Naiwan si Tal at Cams sa labas kaya pumasok sila.
"Bye! Ingat kayo!" Paalam ko na din sa kanila.
"Babe. Kunin ko lang ung gamit namin ni Miggy, balik din ako." Sabi ni Keith pagkatapos halikan sa pisngi si Cams.
"Sige. Dito lang kami." Sabi ni Cams
Lumapit sakin si Tal at nakitingin sa ginagawa namin ni Vash. Nakatayo pa din kasi ako sa tabi nya.
"Waaaah! Grabe! Ngayon nyo lang ginawa yan?" Sabi ni Tal
"Opo. Lahat naman po kami, sinesent lang nila sakin ako na po magcocomfile." Paliwanag ni Vash
"Ow... Nice!" Sabi nya at parang namamangha.
"Written pa lang naman to. Wala pa ung pang presentation at mismong proposal kasi papacheck pa to kay Ms. Divine." Sabi ko sa kanya at tinignan sya.
Nang may napansin ako sa leeg nya, kaya nilapitan ko at pinakatitigan ng todo. Napaatras naman sya at napahawak dun sa leeg nya.
"Anak ka ng! Ano yan? Bakit may ganyan ka?!" Sabi ko sa kanya at mukha namang naramdaman nyang naiinis ako kaya tumakbo pa labas.
"Wala to. Wait lang! CR lang ako!" Sigaw nya.
"Ayusin mo! Takpan mo hanggang kaya mo! Pepektusan kita!" Sigaw ko din sa kanya.
Loko! May lovebite ba tawag dun. San na naman kaya kumerengkeng ang bruha!
"Vash. Dito ka na sa malapit sakin. Hirap tumayo. Hahahaha." Sabi ko at naglakad papalapit sa upuan ko.
Pabalya na naman akong umupo sa upuan ko kaya nakatikim na naman ako ng sama ng tingin galing kay Kalen.
"You're wearing skirt then ganyan ka umupo?" Sabi nya.
"Nakasuot naman ako ng cycling short kaya wala naman makikita dyan. Atska kayo lang naman ih... Hindi nyo naman siguro ako sisilipan diba?" Sabi ko sa kanya.
Natawa si Cams sa sinabi ko.
"We didn't know." Sabi nitong isa sabay hila sakin palapit sa kanya.
Pagkahila nya sakin. Tinuro nya ung laptop ko.
"Go na! Para makauwi tayo ng 7pm sharp. Right Vash?" Sabi nya at tinignan pa si Vash.
"Pwede ka naman kasing umuwi na. Kami na lang ni Vash." Sabi ko sa kanya at kinuha ung mga FD nainiwan ng Team DN
"Nope. I'll wait for you. Hatid kita pauwi. Wag ka ng umangal kasi kahit ayaw mo, ihahatid pa din kita." Pagpupumilit nyang sabi.
"Ou na. Tatanggi pa ba ko? Ih... Parang nagbabanta ka dyan." Iritang sabi ko na nakatutok sa laptop ko.
Di na sya nagsalita at tinignan na lang ung ginagawa ko, habang ung kamay nya nakalagay sa sandalan ng upuan ko.
Ilang saglit lang dumating na si Keith, bitbit ung mga gamit ni Kalen pati nya. Tapos nag abot ng susi.
Inantay lang nila si Krystal tapos nagpaalam na din.
"Bye Nicole! Bye Vash! Bye Sir Miggy! Ingat po pauwi. Pakiingatan na din po yang babaeng yan." Paalam ni Tal
"Babye po. Ingat po kayo pauwi. See you bukas!" Paalam ni Cams
"Tol. Iuwi mo ah! Sa apartment nya ha! Tol, sa apartment nya! Hahahahhaha. Una na kami. Bye! Officemate ulit tayo bukas Vash. Hahahahaha" natatawang sabi nya at umalis na.
Nagpaalam din ako at si Vash sa tatlo tapos si Kalen, minura lang si Keith. Talaga to!
Naghati na kami ni Vash. Since wala akong nagawa kanina. Ako na gagawa nung kulang tapos sya na magcocompile.
"Vash. Iedit mo na ung mga sinabi kong ieedit kanina, para pagkasend ko sayo nito compile mo na lang tas unting ayos." Sabi ko sa kanya
"Noted. Ineedit na po." Sagot nya na nakatitig sa laptop.
Tuloy lang ako sa pagtatype nang may pumatong sa balikat ko na baba. Si Kalen. Ung pwesto namin, nakalagay ung isa nyang kamay sa sandalan ng upuan ko tas ung baba nya nasa balikat ko. Pero nasa gilid ko sya nakaupo.
Tinignan ko lang sya saglit tas bumalik na sa pagtatype. Hinayaan ko na lang, wala naman syang ginagawang iba.
Bigla naman akong nakaramdam ng bigat sa balikat ko.
Nung tinignan ko... Si Kals, nakapikit. Mukha inaantok na. Kasi naman ih... Antay antay pa.
"Kalen. Mahuhulog ung ulo mo. Dito ka na lang sa table para mas komportable ka." Tawag ko sa kanya.
Mabigat na din kasi talaga. Lalaki sya ih... Atska pakiramdam ko hindi sya komportable.
Nagdilat naman sya ng mata at tumingin sakin.
"Just wake me up, if you're finish. I just want to close my eyes." Sabi nya at dumukduk na sa lamesa.
Tinignan ko naman sya bakit kahit pagod to gwapo pa din. Ngayon ko lang nakita na parang wala sya gaanong tulog.
Well. CEO sya ih. Kaya minsan kailngan maaga magising dahil may meeting, minsan late na matulog lasi may mga tinatapos na report and anything.
"Mukha pong pagod." Sabi ni Vash.
Nginitian ko lang sya at tinanguan.
"Mukha nga ih. Tara tapusin na natin para makauwi at makapagpahinga." Sabi ko sa kanya at nag type..
1hr had past, natapos na din namin ni Vash ung written proposal namin for Consolatio Hotel. Un ung pangalan ng Hotel ng ME, Latin word ng Comfort.
Because we want our customer to be comfortable in our hotel while their staying. Taray diba? Hehehe
Nacompile na din ni Vash at inilalagay na lang namin sa mga FD at sinesend na lang sa email namin pati ni Kals.
"CR lang ako Te Nicole. Balik ko na din tong upuan." Sabi nya at tumayo para mag'unat.
"Kaya mo? Alam mo naman na ung psscode ni Kim diba?" Tanong ko sa kanya
"Opo. Kayang kaya. Gisingin nyo na din po si Sir Miggy. Para po pagbalik ko. Uwi ma tayo. Hehehe." Sabi nya at inilalabas na ang mga upuan.
Tumango na lang ako at inayos muna ang gamit ko. Ung kay Kalen, inunti unti ko na lang din.
Pagkatapos. Tinapik ko na si Kalen.
"Kals? Kalen? Mr. Monticlaro? Sir Miggy?" Tinatapik ko ung braso nya pero nakadukduk pa din sa lamesa.
"Kalen! Whiwhoo! Uwi na tayo." Sabi ko sabay sundot sa pisngi nya.
Bahagya naman syang umungol at nag angat ng ulo. Sabay tingin sakin.
Ay! Gwapo naman ng bagong gising na to!
"Uhm... Asan si Vash?" Sabi nya at nag unat pa.
Uulitin ko po. CEO po namin ang isang ito! Anak po sya ni Mr. Miguel Monticlaro at Mrs. Klea Monticlaro. At talagang ganyang po sya maging komportable sabi ni Keith.
"Nag CR at ibinalik ung upuan." Sagot ko sa kanya habang pinagmamasdan sya. "Dapat kasi hindi mo na kami inantay at uwi na lang." Dagdag ko pa
"Why would i do that? Letting my wife, go home by herself." Sabi nya at itinabi ung laptop nya.
"Hindi mo dadalhin yan?" Takang tanong ko sa kanya kasi hindi nya nilagay sa bag nya.
Napatingin sya sakin at tumango naman.
"Hindi. Puntahan ko na lang ulit dito bukas." Sabi na namamaos pa, kagigising lang ih.
"Akin na at itatago ko, baka may mahahalaga kang files dyan tas makita ng iba." Sabi ko sa kanya at kinuha un.
Naglakad ako papunta dun sa drawer namin tas inilagay dun ung laptop nya.
"Wala naman. Mga nude photos ko lang. Tama patabi baka pagpantsyahan tas kumalat, kawawa naman ang hot body ko." Sabi nya na parang wala lang ung sinabi nya.
Ayan! Puro kalokohan!
"Talaga? Mabenta nga. Panigurado madaming bibili nun. Nude photos of Mr. Miguel Kalen Monticlaro. Grab your copies now! Hahahahah" natatawang sabi ko habang nalapit sa kanya.
Tinawanan din naman nya ko at umiling pa.
"Wow! Markerting na marketing ah! Hahahaha. Galing mo doon! Sako kita ih!" Sabi nya
Bigla ko naman syang nahampas..
"Bakit lagi mo kong gustong isako?! Kainis to!" Sabi ko sa kanya.
"Isasako talaga kita! Para naman wala ng makakita ng maganda mong tawa." Sabi nya ng hindi tumitingin sakin.
Sayang naman ang tawa ko kung hindi na maririnig. Apaka nito ni Kalen..
"Ewan ko sayo! Kawawa naman ako pag sinako mo ko, di makakahinga nun!" Sabi ko at kinurot pa sya.
Tinawanan mya lang un at hindi pinansin. Naupo na lang ako ulit at ganun din naman sya.
"San ka na-" naputol ung tanong nya ng tumunog ung phone ko.
Tinignan naman namin un pareho.
Kung ako nakangiti, sya naman nakakunot ang noo.
"Sino yan?" Tanong nya sakin
"Si marky. Kabanda ko nung college." Sabi ko sa kanya bago sagutin ung tawag.
"Loudspeaker mo." Sabi nya.
Tinignan ko sya ng nagtataka pero sinunod pa din un.
"Ky! Bakit?" Masiglang bungad ko sa kanya
[Wow! Energetic natin ija ah! Hahahahaha. San ka? Nakauwi ka na?] Tanong nya sakin
"Nasa ME pa ko. OT kaibigan. Bakit mo natanong?" Balik na tanong ko sa kanya sabay sulyap kay Kalen na nakikinig lang sa usapan namin.
[Oww! Sakto! Pauwi ka na ba? Sunduin kita. Kain tayo. Lapit na ko.] Derederetsong sabi nya.
Napalingon naman ako kay Kalen nung narinig ko syang tumawa ng mahina at tumingin sa taas, parang frustrated... Ih... Sabi nya kasi hahatid nya ko...
"Ahm... Ngayon ka talaga nagyaya? Di pwede bukas?" Sarcastic na sabi ko sa kanya. Wrong timing namam kasi.
[Busy ka pa ba? Surprise dapat to pero sasabihin ko na. Kasama ko Adhika, ngayon lang freeday nila ih. Pero sabihin ko busy ka. Miss ka pa naman namin!] Sabi nya na parang nakanguso.
Seryoso! Kasama nya sila Kuya Myk! Waaaaaaah!! Minsan lang to... Pero kasi... Si Kalen..
"Go. Go with them. Si Vash na lang ihahatid ko. Para hindi ka mahirapan magdecide. Pumapangit ka." Sabi ni Kalen tapos ngumiti.
Nahalata nya ata na nahihirapan ako magdecide.
"Sure ka? Nagpaiwan ka para ihatid ako ih..." Sabi ko sa kanya at nakalimutan na may kausap pala ako sa phone.
"Yeap. It's okay. Mukhang minsan lang kayo magkita ng mga kabanda mo. May next time pa naman para ihatid ka, kaya okay lang." Sabi nya at ginulo ung buhok ko.
Sure talaga sya? Pero teka! Anong pumapangit?!
"Okay. Bukas na lang. Pero teka?! Anong pumapangit?! Kanina lang isasako mo para hindi makita ung maganda kong tawa tapos ngayon pumapangit?! Kainis to!" Sabi ko sa kanya at kinurot sya sa tagiliran.
"Hahahahaha. Im just kidding." Natatawang sabi nya.
Sasagot pa sana ko ng magsalita si Marky.
[May hindi ka kinukwento ah! Hahahahahaha. Ano susunduin ba kita o may taga hatid ka na?] Mapang asar na sabi ni Marky.
"Syete! Andyan ka pa pala?! Sorry. Hahahaha. Ito kasi si Kalen ih! Sige na. Sunduin mo na ko. Pababa na din kami." Sabi ko sa kanya
"Bakit ako?! Ikaw ang kausap. Nandamay pa." Sabi nya at lumayo ng unti
At talagang sumagot pa.
[Hahahahahaha. Abangan ko kwento mo kaibigan ah! Hahahahaha. Antayin ka namin, atska wag mo sabihin na alam mo. Kunware na surprise ka. Lapit na kami. Bye! Labyu! Hahahahahaha.] Sabi nya at pinatay na ung tawag.
Eto naman isa! Napamura ng wala sa oras!
Siraulo talaga to si Marky. Alam ng may kasama ako ih! Sumbong ko to kay Celine ih!
Tumingin naman ako kay Kalen na medyo masama ang mukha. Hahahahaha
"Sure ka talaga?" Tanong ko sa kanya
"Kanina sure ako, ngayon parang hindi na." Sabi nya at lumapit sakin.
Ang tagal ni Vashy!!!
"Hahahaha. Sira! Hatid mo na lang ako bukas. Wala na namang OT un ih." Sabi ko sa kanya.
"Ou na. Asan na si Vash? Tagal naman nun." Sabi nya
"Yaan din iniisip ko ih. Hahahaha." Natatawang sabi ko.
"Wag ka ngang tumawa. Isasako talaga kita." Sabi nya na mukhang naiinis na.
"Hindi na. Shut up na. Hahaha" sagot ko
Tinignan nya lang ako tapos ngumiti.
"Ang ganda mo talaga!" Sabi nya tapos ginulo ung buhok ko. "Wala ka bang maging ex o nanligaw man lang sayo. Hindi ka ba niligawan nyan nila Marky pati nung Alas. Pati yan mga kabanda mo?" Tanong nya
Ngumiti naman ako at nag isip.
"Hm.. matatawag bang ex kahit 2 weeks lang. Haha. Kung ou. Edi meron." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
Parang hindi naman sya nagulat. Sabagay nung time na pinakilala ako ni Sir Henry sa kanila binanggit nya si Daniel baka nagkaidea na din sya.
"Bakit 2 weeks lang? Atska minahal mo naman ba?" Tanong nya sakin.
Asan na ba si Vash?! Mapapakwento pa ko dito ng wala sa oras ih!
"Hm... Ou naman. Hindi ko naman sya sasagutin kung hindi." Huminga ako ng malalim. "Pero wala ih... Mukyang di ata kami para sa isa't isa. Nung time na ipapakilala ko na sya kay Mama, andun din pala ung Tita kong eskandalosa, naguluhan ako. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba o hindi na. Pero mas pinili kong hindi na ituloy... Nasaktan ko sya. Hehehe. Ako ung nakipaghiwalay, iniyakan ko un... Buong magdamag, sakto pa kinabukasan 2nd round ng BOTB ng campus. Late na ko dumating dun, muntikan pang umatras ung mga kabanda ko kasi nag aalala sila sakin." Kwento ko sa kanya.
Bakit andali magkwento sa lalaking to. Para syang si Marky, pwede ding si Alas, pwede din si Daniel. Kaya naging komprotable talaga ako sa kanya ih.
"Pero pinilit kong ibaling sa iba ung focus ko. Nagpakalunod ako sa trabaho sa KC, sa school, paper works ko, review. Basta ganun ung ginawa ko para mawala sa isip ko un. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana... Nagkita kami kasi sinundo nya ung kapatid nyang kaibigan ko. Ay! Bat ko pa ba itatago eh, parang kilala mo na naman..." Sabi ko sa kanya kasi hindi sya nagugulat ih.
"Si Caleb. Sya diba?" Sabi nya pero bakit may hinanakit.
"Yep. Si Daniel." Sabi at tumingin sa taas. "Sinundo nya si Danica, tapos sinabay na kami, may kasama syang girlfriend ang pakilala samin. Sakit nun, ako ung napaghinalaan tapos sya pala tong may kaagad na babae! Tapos un... Kinagabihan, nagbigay sila ng gitara sakin tapos may mga letters." Sabi ko
"Nung nabasa ko ung sa kanya, natuwa ako kasi sabi nya pilit daw nyang iintindihan at iintayin nya ko." Sabi ko at naramdaman kong may tumulo galing sa mata ko.
Kung nagulat ako sa luha ko, mas nagulat ako sa nagpunas ng luha ko.
Si Kalen...
"Salamat. Hay... So ayun nga, isang taon ata bago ko na laman na kasal na sya. So naisip ko mabuti na din palang nakipaghiwalay na ko. Kesa hahahahaha. Nagawa namin ung bagay na hindi pwede tapos iiwan nya ko. Paano kung nabuntis ako diba? Hahahahaha. Pero ngayon, okay na ko. Sure ako dun... Naiiyak lang talaga ko kasi sya ung unang subok kong pag ibig. Hahahaha" sabi ko sa kanya at ngumiti din.
"Wait! Don't tell me... You already?! No! Sabi nya she just see you half naked." Sabi nya at di na napigilan hindi magsalita.
At ano? Sinong magsabi nun?! Talaga to si Daniel! Ay Kuya pala.
"Wait din! Paanong alam mo yan? Wag mong sabihin na kayo ung pinuntahan nya nung araw na naghiwalay kami?! At nagkwento sya?! Loko un ah!" Naiinis na sabi ko.
Parang natulala naman sya. Sa sinabi ko. Ay wait! Hindi ko pala sinagot ung una nyamg tanong.
"Pero walang nangyari samin ah! Wala talaga!! Promise! Virgin pa ko. Kaya wag mo kong tignan ng ganyan Kalen!" Sabi ko sabay hampas sa kanya.
Tumawa naman sya.
"Alam ko naman. Alam namin kung paano nagpigil ung isang un para hindi ka magalaw. Ganun ka kamahal nun. Lagi ka nyang nakukwento samin. Pero hindi nya pinabanggit ung pangalan mo. My Sister's Best friend. Yan ung lagi nyang sinabi. Baliw na baliw sayo ung G*go na un!" Sabi nya pero hindi nakatingin sakin.
Ako lang ba o bakit kadasalita nya parang may lungkot.
Sandali kaming tumahimik. Ayokong magreact kasi parang malungkot sya. Dahil ba sinaktan ko ung kaibigan nila.. sorry..
"If he return tapos nalaman mong divorce na sya sa asawa nya at sinabing mahal ka pa nya? What will you do?" Biglang tingin nya sakin.
Ung tanong nya ginugulo ung sistema ko!
Pero wait?! Diba may usapan kami? Itatry nga namin ih..
"Wag mo na sagutin. Mukhang alam ko na ung sagot. Naguluhan ka pa tuloy." Nakangiting sabi nya at ginulo ung buhok ko.
Pero ung ngiti nya hindi katulad kanina.malungkot ung ngiti nya.
Sasagot sana ko kaso biglang dumating na si Vash.
"Tagal mo Vash. Hahahaha. Kaya pa?" Sabi ni Miggy.
Biglang nagbago ung aura ni Kalen. Anong meron?
"Sorry Sir. Akala ko kasi madali na isa lang ung magdadala ng upuan hindi pala. Hahahaha." Natatawang sabi ni Vash
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang tumatawa.
"Tara na. Uwi na. Sabay ka na sakin Vash. May naghihintay naman kay Zie sa baba eh." Sabi ni Kalen kaya nabaling ung tingin nila sakin.
"Ha? Ah. Ou. Mga kabanda ko." Sabi ko at inunti unti na ung gamit ko. "Tara na." Yaya ko sa kanila at nauna pa.
Naguluhan tuloy ako. Paano nga kaya? Pero diba sabi ko move on na ko.
At itatry ko tong relasyon na to. Ano ba yan?! Mali na naman ba ko?
Hanggang sa naka aba na kami at palabas na ng building. Ayun lang ung iniisip ko. Bakit naman kasi biglaan un tanong nya?!
Naputol lang un ng may tumawag sakin.
"NICOLE!!!" Agad akong napatingin dun sa tumawag sakin.
Teka! Kumpleto nga sila!! Waaaah! Si Kuya Myk, Jacob tas Andrew!!! Hala! Sabi kunwaring masurprise pero na surprise pa din talaga ako!!!
"Waaaaaaaah!!! Kuya Myk!!!" Napatakbo ako ng wala sa oras sa gawi nila excited kasi ako ih!
Narinig ko pa si Kalen na sinaway ako pero di ko pinansin..
"Grabe! Alam mo na naman na andito sila pero kung makatakbo ka akala mo hindi mo alam!" Sabi ni Marky ng makalapit ako sa kanila
Panira talaga to! Sabi nya wag daw akong epal! E sya tong epal!
"Panira ka alam mo un! Atska excited talaga ko bakit ba?!" Sabi ko sa kanya
"Sus! Iniiba mo lang ung usapan ih! Hahahaha. So sino sa dalawa mong kasabay bumaba si Hehehehehe" sabi nya at tumaas baba pa ung kilay
"Ahitin ko yang kilay mo gusto mo?!" Sabi ko sa kanya tas tumingin na kila Kuya Myk. "Maya ka na Marky, kila kuya muna ko! Epal ka ih! Kuya namiss ko kayo! Hahahaha" sabi ko sa kanila
"Namiss ka din namin bebe! Si Marky lang naman hindi nakakamiss sayo ih! Kasi lagi mong kasama." Sabi ni Andrew.
"Humihingi lang ng favor yan kaya lagi kong kasama. Manggaga-Aray!" Napadaing ako kasi kinurot nya ung mismong kinurot ni Kalen!
"Hindi naman malakas un! Patingin nga." Sabi nya at tinignan nya nga. "s**t! Hindi talaga malaks un! Bakit nagkapasa agad!" Sabi nya at gusto kong matawa.
Kasi si Kalen ang dahilan nyan kaya may pasa. Lokohin ko nga to. Hahahahaha
"Ayan kasi! Kurot ng kurot ih! Tignan mo ginawa mo?!" Kunwaring inis ko na sabi sa kanya.
"G*go! Marky masakit ata un! Siraulo to. Alam mong sensitive ang balat ni Bebe Nicole ih!" Sabi ni Andrew
"Marky kasi! Hindi nag iisip. Iwan na to dito. Marunong ka naman magdrive diba, Nicole? Ikaw na magdrive ung kotse nya." Sabi naman ni Jacob
"Next time kasi Marky. Wag guilty." Sabi naman ni Kuya Myk
Ako pinipigilan pa din tumawa. Nakakatawa kasi ung mga reaction nila talaga hinila nila ung braso ko nung nalaman na nagkapasa! Namiss ko talaga tong mga to!
"Mahina lang talaga un! Ayt! Apaka sensitive naman ng balat nito! Sorry na!" Sabi ni Marky
Tinignan ko ung itsura nya kaya hindi ko na napigilan hindi tumawa.
"HAHAHAHAHAHA" ako yan! Hahahaha
Mukha kasi syang nalugi sa business nya ih!
"Anong nakakatawa?! Niloloko mo ko nuh?! Argh! Talaga to!" Sabi nya at biglang ginulo ung buhok ko.
Kawawa naman ung buhok ko. Laging ginugulo! Hahaha
"Sorry na... Hahahahaha. Ay wait! May kasama ako alam ko ih! Si Marky kasi ih!" Sabi ko at nilungon sila Kalen na nakatingin samin ni Marky.
"Ay! Diba si Mr. Monticlaro yan?" Bulong sakin ni Marky
"Ou. Teka wait! Bitaw ka sakin." Sabi ko sa kanya at inayos ung buhok ko.
"Nakakatakot! Mas nakakatakot pa sya sa ex mo." Bulong ulit nya sakin na mas lalo naman ikinatalim ng tingin ni Kalen.
Lumapit muna ko kila Vash at Kalen pero di ko alam sumunod pala ung apat.
"Ahm.. sorry.. nagkatuwaan lang." Sabi ko at yumuko habang inaayos ung buhok ko.
"Nakita ko nga." Sabi nya tas lumapit para tulungan akong ayusin ung buhok ko. "Ang kulit mo nuh? Sabi sayong wag kang yuyuko, yuko ka pa din ng yuko." Dagdag nya
Napaangat naman ako bigla ng tingin sa kanya. Kaya nagkatitigan kaming dalawa. May kung ano talaga si Kalen sa mata nya ngayon.
"Ehem" panira talaga to si Marky!