Chapter 41

4970 Words
++++++++ Nicole's POV "Ehem." biglang singit ni Marky. Dahil dun napaatras ako bigla. Tapos tumayo na ng deretso. "Ahm. Mga kaband ko po nung college." Sabi ko sabay turo kila Kuya Myk. "Kateam ko tapos Boss ko. Si Mr. Monticlaro." Turo ko naman kila Kalen. "Good evening po Mr. Monticlaro." Sabay na sabi nung tatlo Si Marky?! Hindi nagsalita. Kasi tinitignan nya ko ng nakakaloko! Abnormal talaga! "Good evening din." Sabi naman ni Kalen pero nung sinulyapan ko sakin nakatingin. "Hihiramin lang po namin si Nicole." Biglang sabi ni Marky kaya naman di ako nag atubiling hubarin ung sapatos ko at ibato sa kanya. Sapol sa binti! Bwisit! "Manahimik ka! Sunod na magsalita ka sa ulo na tatama! Heels to Marky! Heels!" Sabi ko sa kanya "Ou na. Hindi na. Nagpapaalam lang ih! Jk lang! Hindi na nga magsasalita!" Bawi nya paano babatohin ko na naman sana sya. "Oh! Bahala ka magsuot nyan mag isa!" Sabi nya at binato din sakin ung sapatos ko. Sa harap lang naman. Kaya hindi ako nasaktan. Susuotin ko na sana pero muntikan akong matumba buti at nasa gilid ko si Kalen kaya naman may nahawakan ako. "Tsk. Feeling kasi kaya lahat eh." Inis na sabi nya tapos yumuko at inayos ung sapatos ko. Gulat man pero nangingibabaw sakin ung inis ng tingin nung apat. Lalo na si Marky at Andrew. After masuot sakin. Tumayo naman na sya. "Salamat." Sabi ko sa kanya at ngumiti sya naman inirapan lang ako! Baklang to! "Sure. Kahit wag nyo na ibalik or kahit sa i-Aray!" Di na natuloy ung sasabihin. Kinurot ko lang naman sya. Bahala ng mapahiya! Nakakabwisit! "Hindi naman nila ko kikidnapin. Kakain lang kami! Makawag ng ibalik." Sabi ko sa kanya. "Bakit nangungurot ka. Masakit kaya. Pag eto nagkapasa. We're even!" Sabi nya Argh! Lakas mang asar ng lalaking to. "Ou na! Ou na! Uwi na kayo ni Vash." Sabi ko sa kanya "Ou na. Tara na Vash." Sabi nya at naglakad na bago tumingin ulit samin "oh! Before i forgot, take care of that clumsy beautiful woman of mine. Salamat." Sabi nya at naglakad na. Nagpa ubo ubo naman si Marky tas ung tatlo napataas ang kilay! Sira ulo! Hindi ako clumsy nuh! "Sabi ko na eh. May iba!! Bakit sasabay ang CEO sa Team Leader?! Ang ganda talaga ng kaibigan ko!" Sabi ni Marky ng makabawi na sya sa paubo ubo nya. Hindi ko na lang sya pinansin kasi andun ung atensyon ko sa dalawang papalayo. Nag uusap sila. Si Vash parang naiilang pa talaga pero si Kalen naman parang wala lang... Bumalik na naman sakin ung tanong nya... Paano nga kaya? Nakamove on na ba talaga ko? Pero matagal na un?! Pero ano tong nararamdaman ko... Bakit feeling ko meron pa din... Biglang gusto kong habulin si Kalen at sagutin ung tanong nya at magtanong na din. "Wait lang ah!" Sabi ko kila Kuya at hinabol sila Kalen kahit mabigat ung dala ko. "Kals! Kalen!" Sigaw ko, malapit na din kasi sila sa sasakyan nya ih. Nilingon naman nya ko at sinabi kay Vash na mauna na. "Wag kang tumakbo baka madapa ka." Sabi nya sakin nung nakalapit na ko. Di ko pinansin un at nagsalita agad. "About dun sa tinanong mo sakin kanina." Umpisa ko. "Pag sinabi ko bang babalikan ko sya pagmahal nya padin ako at mahal ko pa din sya. Kahit hindi pa tapos ung usapan natin magpapaannul ka?" Tanong ko sa kanya Umiwas naman sya ng tingin. Di ko makita ung mata nya. Huminga sya ng malalim bago sumagot. "Yeah. Sabi ko naman sayo wala kang pipirmahan na kontrata o kahit anong agreement sa usapan natin. Kaya pwede mong gawin lahat. Pag nangyari un, i agree to your said annulment. Kahit masakit" sabi nya pero may binulong sya sa dulo na hindi ko narinig. Hindi ko din makita ung mata nya kaya baka namamalikmata lang ako kanina. Hindi ko na lang pinansin kasi may sagot na naman sya sa tanong ko. "Salamat. Kung makausap nyo man si Daniel pasabi na, ako naman po ung mag aantay sa kanya. Kung talagang divorce na sila ng asawa nya. Salamat po ulit. Bye! Ingat po kayo pauwi." Sabi ko at tumalikod na Pero hinila ni Kalen ung kamay ko at hinarap sa kanya. Tapos hinalikan sa noo, nagulat pa ko pero nakarecover agad. "Ingat ka din. Mrs. Monticlaro." Bulong nya sakin at lumayo na. "Sige na. Bye! See you tomorrow." Nakangiting sabi nya at tumalikod na. Ganun na din ang ginawa ko. Habang iniisip na pwedeng maging kami ni Daniel ang Endgame. Nang makalapit na ko kila Kuya Myk. Wala naman silang sinabi. Si Marky lang pero hinayaan ko na. Masaya ko ngayon ih. May posibilidad pa pala na maging kami ulit. Kay Marky ako sumakay, samantalang ung dalawa kay Kuya Myk. Kumain at nagkwentuhan lang kami. Hindi na nila intintriga ung kay Kalen. Umuwi din kami agad dahil bukas naman may mga pasok na sila ulit. Habang nasa kotse kami, pilit akong timatanong ni Marky kung bakit ganun ung pakikitungo ko kay Kalen. Dahil hindi ako makatiis at naririndi na ko. Wala akong nagawa kaya kinuwento ko sa kanya pati ung tanong ni Kalen at ung samin ni Daniel. At ang loko! Binatukan ako! Ang sakit! At take note! Nagdadrive sya! "Kasal ka na! Magpapaannul ka pa para dun sa iniwan mo na iniwan ka na. Ang isip meron ka?" Sabi nya sakin. "Mahal ko pa si Daniel." Ayun lang ung sabi ko. "Sabi mo move on ka na? Bakit ngayon mahal mo pa? Bakit nagdedesisyon ka ng hindi muna pinag isipan. Paano kung biglang parehas kayo ni Sir Miggy na nainlove sa isat isa tapos nasabi na nya kay Daniel na mahal mo pa sya tapos bumalik nga na divorce sya tapos dahil nga nakita mo si Daniel naconfuse ka at dahil mahal ka ni Sir Miggy at ayaw na nahihirapan kang magdecide, he will give you the annulment that you want... Edi magulo?! May masasaktan na naman. Tapos sa dulo! Ikaw na naman ang iiyak at masasaktan." Mahaba nyang litanya sakin May point naman sya. Kaya di ako nagsalita agad. "Oh diba? Nag isip ka ulit? You already accept the 'try this marriage life' nyong dalawa ni Sir Miggy tapos may reserba ka na agad kung hindi man magclick! Hay naku!" Naiinis nyang sabi. Anong gagawin ko? Hindi naman kasi ako maalam sa ganto! Ay! Sabi na ih! Magkakamali na naman ako ng desisyon. "Kung ako sayo, bawiin mo ung sinabi mo kay Sir Miggy about kay Daniel. Then hayaan mo muna si Daniel. Wag mo munang isipin. Magfocus ka dito sa relasyon nyo ni Sir Miggy. Kasi habang nakafocus ka kay Daniel kahit sabihin mong tinatry mo naman na magwork, hindi mangyayari yun kasi may gumugulo sa isip mo. Yun ay si Daniel! Paano naman kung magwork talaga ung relasyon nyong dalawa pero indenial ka kasi nga may Daniel pa din. Gets mo naman diba? Matalino ka Nics kaya alam kong gets mo. At lalong hindi ka katulad ng iba na pagdi pwede ang isa, may reserba. Hindi ka malandi." Sabi nya at nginitian ako. May point naman sya ih. Lahat ng sinabi nya on point! Bakit ko nga ba sinabi un kay Kalen kung inaccept ko naman ung usapan namin. Bobo Nicole! "Salamat Marky!" Sabi ko sa kanya Sabi sa inyo ih. Parang si Marky si Kalen! Napaglalabasan ko ng hinanakit ko. Pero ung kinukwento mo kay Kalen kanina hindi alam ung ni Marky. "You're always welcome. Basta if you need someone to talk, i'm willing to listen! Naiintindihan mo?" Sabi nya. "Opo Kuya!" Sabi ko sa kanya at nagtawanan na lang kami. Hanggang makarating ng apartment na tinutuluyan ko. "Ah. Nga pala! Tinanggap mo ung kay Alas?" Tanong nya sakin bago ako bumaba ng kotse nya. "Ahm. Ou. Bakit pala alam mo un? Wag mong sabihing tinawagan o tinext ka nya para kumbinsihin ako?" Tanong ko sa kanya Natawa naman ang loko! So totoo nga?! Tinawagan sya ni Alas? Hayop! "Tinext lang ako. Mukhang kinulit ka talaga nun ah!" Sabi nya ng tumatawa. "Hay naku! Sira ulo! Nang istorbo pa. Ay! Baka manghiram ako ng Keyboard ah. Pero baka bumili na lang din ako. Nakakahiya na sayo. Hahahaha." Sabi ko sa kanya pero gusto ko talagang bumili. Kesa naman maubos ni Kim ung ipon ko mag iinvest lang ako sa pwede kong magamit. Hehehehe "Okay lang naman. Sabihin mo lang kung kelan mo kailangan. Pero ikaw? Kung bibili ka, ung maganda na. Madami ka naman ng ipon. Mayaman ka na. Hahahaha" sagot nya sakin pero alam kong iba ang ibig sabihin nun. "Sira! Sya lang ang mayaman at hindi ako! Kung bibili din ako samahan mo ko ah! Para naman maganda ung keyboard na mapili ko Master. Hahahaha" biro ko sa kanya. "Of course! Basta ikaw taga sunod! Bumaba ka na at baka maibato kita dyan." Pabiro ring sagot nya sakin "Ou na. Sige na. Bye Marky! Thank you ulit! It really helps. Ingat ka." Sincere na sabi ko sa kanya at bumaba na. "You're always welcome. Ingat ka! Lock your doors and windows. Yung phone mo itabi mo sayo. Ung sapatos ko ilagay mo sa labas ng pinto katabi ng tsinelas mo. Tawag ka if anything bad happens. Okay? Pasok na!" Paalala nya. Laging ganyan yan. Hahahaha. Pero wala lang talaga kaming dalawa. His one of my boy best friends. "Opo. Salamat ulit. Ingat ka. Bye" paalam ko at pumasok na nga. Mag isa na lang kasi ako dito dati kasama ko si Kim pero simula nung nagbuntis sya at kinasal sila ni Sir Henry, lumipat na sila sa condo nito. Kaya ganun ung paalala sakin ni Marky, minsan na muntikang pasukin tong apartment nung nalaman na babae at nag iisa ung tao dito. Si Marky at Kim ung una kong tinawagan nun pero dahil buntis at medyo malayo si Kim, si Marky ang nauna at padating nya mahahabol nya sana ung gustong manloob dito pero nakatakas kaya ayun dito sya natulog nun para daw may kasama ako. Naglinis lang ako ng katawan tapos chineck kung nakasara ung mga pinto, bintana at gas. Nung okay na umakyat na ko para gawin ung mga di ko nagawa. Kinuha ko ung laptop ko at binuksan un. Pero habang nag aantay ako. Naiisip ko ung sinabi ni Marky kanina. Tama naman sya. Hindi naman ako ganoon kaya bakit kailangan ko ng reserba? O gawing rebound si Kalen. I need to decide... Kung iintayin ko si Daniel at babawiin ung pagpayag sa dun sa itatry namin ni Kalen tong relasyon na meron kami. Paano naman kung inantay ko nga si Daniel pero hindi pala nya ko mahal? Edi nasaktan na naman ako. Eh kung ung kay Kalen na lang ung ituloy ko. Tapos ung kay Daniel kalimutan ko na. Ano kayang pwedeng mangyari? Paano kung mafall ako? Pero paano kung sya ung mafall? "Waaaaaaaaaaaaah!!!!" Napasigaw na ko sa sobrang pag iisip... Need to decide Nicole!!! Nagulat naman ako ng may biglang tumawag sa phone ko. Unknown Number Sino naman to? At bakit may unknown number na tumatawag sakin? Sinagot ko un pero nirecord ko kasi baka mamaya kung ano sabihin sakin ih. Hahahaha "Hello. Sino po sila?" Bungad ko. Nakarinig ako ng buntong hininga bago sumagot. [Mrs. Monticlaro, nakauwi ka na ba?] Sabi ng kabilang linya Pagkasabi pa lang nun, alam ko na kung sino un.. Si Kalen, personal number nya ba to? "Kals? Personal number mo ba to?" Tanong ko sa kanya nang hindi sinasagot ung unang tanong nya. [Yup. Kindly save it para naman hindi ako nawho who you. Hahahaha] sabi nya na tumawa ng unti Bahagya din akong tawa pero naalala ko pa din ung kailangan kong desisyon na gawin. "Ou na. Isesave na. Sorry naman. At ou nga pala nakauwi na ko kanina pa." Sabi ko [Buti naman kung ganun, akala ko kasi matatagalan pa kayo.] Sabi naman nya. "Hindi, nagkwentuhan lang kami saglit tas umuwi na din. Bakit gising ka pa? Diba kanina sa office inaantok ka na. Magpahinga ka na kaya." Pag aalala kong sabi sa kanya. He just chuckle and sigh [I need to finish something kaya gising pa ko. Ikaw bat gising ka pa?] Tanong nya sakin "I also need to finish something po Sir. Ung hindi ko nagawa kanina, gagawin ko po ngayon." Natatawang sagot ko sa kanya. [Hm. Okay. I'll drop the call now, para naman maaga kang matapos dyan at makapagpahinga na. Good night Zie. See you tomorrow.] Paalam nya sakin "Mabuti pa po. Para makapagpahinga TAYO ng maaga. Good night Kals. See you tomorrow." Paalam ko din sa kanya [Bakit ang ganda ng pangalan ko pag ikaw nagbabangit? Hahahaha. Kals? I love it. Hahaha. Good night ulit Zie. Ingat ka dyan. Bye. Sjdfkr] paalam nya. Hindi ko na naman narinig ung binulong nya! "Ang hilig mong bumulong! Kainis! Di ko narinig. Hahahaha. Bye na." Sabi ko at pinatay na ung tawag. Sinave ko lang ung number ni Kalen para naman hindi magtampo. Hahahahaha Nagtrabaho na lang ako ulit. Ginawa ung mga encodings at kung ano ano pa. Nang matapos ko na tinignan ko ung oras at 12am na. Grabe! Nahiga na lang ako at nagpaantok. Nag isip muna. Di ko napansin na tumutunog ung phone ko. Huli na at patay na ung tawag at text na lang un. Tinignan ko kung sino.. at ang Kalen! Hindi pa tulog?! Binasa ko na lang ung text nya. From: Kalen Good night Mrs. Monticlaro! Hahaha. Kidding! Inaasar lang kita. Para naman paggising mo bukas. Mapangiti ka. Hahaha. Sweet dreams Zie. ? Ayan ung text nya. Kalen lang ung nilagay ko para naman pagtinignan nya, sya pa din yan. Hahahaha Gusto ko magreply kaso.. baka magalit kaya wag na... Hayaan ko na syang mag isip na tulog na ko. Hahahahaha Sarap din kausap nito ni Kalen, unang beses kaming nag usap pero parang matagal na kaming magkaibigan. Hahahaha Hindi rin masama kung papanindigan ko na tong kasal na to diba? At kalimutan na si Daniel. Tama! Kalimutan na si Daniel. Daniel is my past and Kalen is my not so sure future. Hahahahahahaha. Pero walang mangyayari kung hindi ko susubukan. Kakausapin ko to bukas. Sa ngayon i need to sleep! Goodnight! ---------- "Nicole! Kanta please!" Gigil na tawag sakin ni Kim. Kumanta naman ako kahit nakatutok ang mata ko sa laptop ko. May chinecheck lang naman. Wala naman akong pasok dahil... Hahahahahahahahaha. Suspended ako ng 1week! Pang 3 days na ngayon actually. At nandito na din ako nakatira sa bahay namin ni Kalen. Ou.. bahay daw namin ih. Kaya yan daw ung itawag ko. At kung tatanungin nyo bakit ako andito? Yep! Si Kalen ang pinili ko. Hahahaha. Bakit? I want to try new, ayoko na dun sa nasaktan na ko. Tama naman si Marky?! Bakit pa ko makikipagannul? Kasal na ko. Hindi ko pinili si Kalen bilang panakip butas, pinili ko sya kasi gusto kong magmahal ulit. Binuksan ko ung puso ko para sa kanya. Wala namang masama. Asawa ko sya, kasal kami. Legal! So walang mali don. Nakakatawa lang nung kinabukasan na nagpunta ako sa office nya para syang balisang ewan. Flashback Pagkapasok ko ng office. Nag antay muna ko ng ilang minuto bago pumunta kay Kalen. Babawiin ko ung sinabi ko sa kanya. Habang inaantay ko ung oras, nakatanggap naman ako ng message galing kay Alas, ung info para sa debut. Keyboard ang nais. Bibili na lang ako. Hahahaha. At ung venue Consolatio Hall. Owww.. yayamanin to! Bakit ako ang kinuha ni Alas dito! Nireplyan ko lang sya tapos kinuha ko na ung laptop ni Kalen at umakyat na. Syempre nagpaalam muna ko sa mga bata ko. Nang marating ko ung office nya nakita ko sa Keith na parang nag mamadali. "Uy! Bakit para kang aligaga dyan?" Tanong ko sa kanya Agad naman syang tumingin sakin at nagliwanag ang mukha. "Ms. Nicole! Hulog ka ng langit lagi sakin! Hahahahaha. Pasok ka na. Palamigin mo ulo ni Miggy. Please! Andaming utos pag mainit ang ulo." Natatawang sabi nya. Pero ako! Nagulat naman ako dahil bakit ako ang kailangan magpalamig ng ulo nun? "Bakit ako? Hala. Mamaya na nga lang ako babalik, baka ako ang pag initan nyan." Sabi ko sa kanya at tatalikod na sana. "Hindi ka nun pag iinitan. Tataya ko...." Sandali pa syang nag isip ng itataya ata nya? "Buong sahod ko ngayong araw! Ano deal?!" Sabi nya at mukhang desidido na. Ang hilig nilang magtaya? Naalala ko si Sir Henry sabi nya tataya nya din daw ung Kompanya ng kung sino. Hahahahaha "Wag ka na magtaya! Pero pag ako pinagalitan, yare ka sakin ah! Hahahahaha" biro ko sa kanya. Di ko din kasi alam kung baka bigla akong pag initan ni Kalen. Takot ako! "Sige sige! Deal yan! Pasok ka na ah!" Excited na sabi nya at pinindot ung intercom. "Mr. Monticlaro, someone wants to talk to you. Should I let her in?" Tanong nya. Matagal bago nagkaroon ng sagot. Nagulat pa kami ng biglang nagsalita ung sa intercom.. Ako biglang natakot. "Go." Malamig na sabi ni Kalen. Nagkatinginan kami ni Keith. "Ahm. Go? Baka sabi nya alis... Maya na lang." Sabi ko kay Keith "Hindi ang meaning nun 'Go, papasukin mo.' kaya pasok na. Katok ka muna ah. Hahahaha" natatawang sabi nya at tinulak pa ko ng unti. Naglakad naman ako at kumatok sa pinto tas sumulyap pa saglit kay Keith. At ang Hayop! Nakangisi! Waaaaaah! Natatakot ako! Dahil kumatok na ko binuksan ko na ung pinto at unti unting dinungaw ung ulo ko sa pinto. Nakita ko si Kalen na mukhang stress at hindi mo malaman kung anong ayos. Nakaluwag ung necktie, walang coat, bukas ung dalawang butones ng polo nya tapos medyo magulo ung buhok. Anong problema nito? Bakit ganto ung ayos nya? Habang iniisip ko kung anong nangyari sa kanya, humakbang na ko papasok at isinara ung pinto at naglakad papalapit sa kanya. Napansin nya yata ung presensya ko kaya biglang nag angat sya ng ulo. Mukhang nagulat sya na ako ung andun kaya di sya nakapagsalita agad. "Hi. Hehehe. Okay ka lang?" Nakangiting bungad ko sa kanya. Antagal bago nya sumagot, nagpakurap kurap pa muna sya ska napagnanto na andun nga ako. "Zie? Ah. G*go to si Keith! Sabi ko sabihin pag ikaw ung andyan. Bakit?" Sagot nya sakin pero hindi naman nya sinagot ung tanong ko. "Ay! Ibabalik ko lang ung laptop mo. Baka kasi makita nila Vash ung Nude photos mo, kawawa naman ung hot body mo. Hahahaha. Hindi ko naman na ibebenta, ayokong pagpantasyahan ng iba ung katawan ng asawa ko. Hahahahaha. Joke lang!" Biro ko sa kanya Bahagya naman syang natawa tapos ngumiti ng tipid. "Ayaw mo bang ibalandra ang hot body ng asawa mo? Pero ikaw nga ata hindi mo pa nakikita eh." Nakangiting tanong nya. "Ska na pagpwede na. Hahahahaha. Ay ano ba yan! Kasi to ih! Ayan na nga. Baka kung saan pa mapunta itong usapan natin." Sagot ko sa kanya at inabot na ung laptop. "Thank you." Nakangiti pa din nyang sabi. Bat ang gwapo ni Kalen today kahit mukhang balisa. Hahahaha. Alam ko namang gwapo sya. Pero siguro ngayon ko lang na'appreciate kasi natititigan ko. Mas gwapo sya kay Daniel pero mas seryoso kasi si Daniel. "May sasabihin ka pa ba Zie? Bat nakatitig ka na naman sakin. Alam ko gwapo ako, pero baka mainlove ka, kawawa naman si Caleb." Nakangising sabi pero bakit parang may unting lungkot? Ay ou nga pala! Isa pala un sa ipinunta ko dito. Hahaha. Kalen kasi gwapo today ih! Hahahaha "Ahm... Ayun pala. Hindi mo pa naman nasasabi kay Daniel ung pinapasabi ko sa kanya diba? Pwede bang wag mo ng sabihin. Tas kalimutan mo na din. Erase, Erase na." Sabi ko sa kanya Mukha naman syang nagtataka sa sinasabi ko pero ayaw magsalita kaya tinuloy ko. "What i mean is. Ayoko nang magfocus dun sa 'what if' na tinanong mo sakin. Let's try this relationship we have. Ayoko ng balikan ung past, baka maulit pa. So tuloy na natin tong pagiging mag asawa natin. Masyado lang siguro akong naexcite nung tinanong mo ko nun, ayan! Akala ko lang siguro meron pa. Pero may nakapag sabi sakin na 'bakit ako makikipag annul para balikan ung iniwan ko na iniwan rin ako.' may point sya. Also, i want to open my heart to you. Malay mo mainlove ka sakin. Hahahahaha" biro ko sabi sa kanya Sya naman natawa din pero mahina lang. Joke lang naman ih! "So ibig mo bang sabihin, wala ng annulment na magaganap kahit umuwi si Caleb? Pero mahal mo pa sya diba?" Tanong nya sakin Sandali akong nag isip at nakiramdam sa puso ko. "Hm.. wala na. Edi umuwi sya. Hehehehe. Isa yan sa inisip ko kagabi at pinakiramdaman ng puso ko... Nakakuha naman ako ng sagot. Kaya naiinis ako kasi nagpadalos dalos na naman ako." Sabi ko sa kanya at ngumiti. "So anong sagot?" Nakayuko nyang tanong Bakit biglang yumuko to? Hahahahaha. Sabi wag daw yuyuko! "Hindi na." Nakangiting sagot ko. Kahit hindi nya kita nakangiti pa din ako. Bigyan natin ng pag asa ung kasal namin ni Kalen. "Baka nabibigla ka na naman." Paniniguradong tanong nya. "Hindi ah. Sure na ko! 100%. Hehehehe." Sabi ko Bigla syang nag angat ng ulo at ngumiti. "Sige. Tuloy natin to. Asawa na kita ah! Wala ng bawian. Pag ikaw na inlove sakin... Please make me fall inlove with you... Okay?" Sabi nya "Syempre naman! Ang lagay ako lang dapat ikaw din. Pero pag ikaw ang na inlove sakin... Make me fall inlove with you too... Deal?" Nagtataas baba pa ung kilay ko sa kanya Tumawa ulit sya at tumayo. Naglakad papunta sa pwesto ko at tumapat sakin. Medyo matangkad sya kaya hanggang leeg nya lang ako, kaya need kong tumingala at para matitigan sya. "Deal." Sabi nya na nakatitig sa mata ko. "Deal na!" Sabi ko sa kanya ng nakangiti. Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ung leeg ko. Akala ko kung anong gagawim nya un pala tatanggalin nya ung singsing sa kwintas ko at isusuot sakin. "Then from now on wear that ring Mrs. Monticlaro. I have mine here." Sabi nya at ipinakita ung ring finger nya. Ou nga! Meron nga sya! Hindi ko nakita un. Hahahahaha. Pareho ung style ng singsing namin. Makapal lang ung sa kanya at manipis naman un akin. "Ang cute!" Sabi ko sa kanya at tinignan pa sya. Nginitian lang naman nya ko tapos humalik sa noo ko. Masasanay din siguro ko sa pagiging sweet nito ni Kalen. Pero wait! May na alala ako! "Ahm. Pero pwede ba? Wag muna ung alam mo na. Ung mga ginagawa ng mag asawa... Hahahahaha. Di ko pa ata keri un.. " nahihiyang sabi ko sa kanya. Sya naman tinawanan na naman ako! Mukha ba kong clown ha?! Kainis! "Of course! I won't do that things to you unless you want me to." Nakangising sabi nya Sira ulo to! Manyak ang putik! "Sira!" Sigaw ko sa kanya sabay hampas. "Bakit nagbablush ka? Ang cute mo! Sarap mo gawin keychain. Hahahahaha. Aray! Hindi na." Natatawang sabi nya kahit na kinurot ko sya natawa pa din. "Akin na nga yan necktie mo! Ayusin natin. Mukha kang inagawan ng negosyo!" Sabi ko sa kanya sabay hawak ng necktie nya at inayos un. Ayoko talaga ng magulo ang ayos ng mga damit sa katawan.. naiinis ako! Kaya ung Block D noon tinuruan ko kung paano isuot ung necktie nila ih. Habang inaayos ko ung necktie nya ramdam ko naman ung titig nya. May narinig ako sinasabi nya pero hindi malinaw.. ano kaya un? "Ha? May sinasabi ka ba?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang sya. "Can i hug you?" Ayan lang ung sinabi nya. Yakap lang naman ih.. Tumango lang ako at di pa man natatapos ung tango ko. Kinabig na nya ko agad papunta sa kanya at niyakap. Ang init ni Kalen. Wala naman syang lagnat pero ramdam ko ung init nya. Ang bango pa. Sarap amuyin. Hahahaha Dahil hanggang leeg nya ko. Nasa balikat nya ung mukha ko at sya naman nasa gilid ng ulo ko pero binaba nya un hanggang mapunta sa gilid ng tenga ko. "Kals. Di ko pa tapos ung necktie mo." Sabi ko sa kanya. "Okay lang. Mamaya na." Sabi nya din sa malamlam na salita. Ano kayang meron? Bakit kaya parang malungkot sya kanina? "Ahm... Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya "Yeah. Inaantok lang ako atska masakit ang ulo pero okay na ko ngayon..." Sabi nya at ramdam kong nakangiti sya. Artey! Hahaha. Niyakap ko na lang din sya tapos hinimas ung likod nya para naman makagaan ng loob. Hehehehe. Ganun kasi ginagawa namin nila Kim ih... "Ang sarap ng ginagawa mo. Nakakagaan ng pakiramdam." Sabi nya at tumanday na ung ulo sa balikat ko. Ngumiti lang ako kahit hindi nya makita. Tinuloy ko lang ung ginagawa ko sa likod nya para naman gumaan ang pakiramdam nya. Nasa ganung posisyon kami ng biglang pumasok si Keith at tawagin sya. "Mr.monticlaro may mee- sorry... Peace!" Sabi nya Dahan dahan namang humiwalay ung isa at umayos ng tayo kaya humarap na rin ako kay keith na nakangiwi. Hahaha. Lagot ka! "Anong sinasabi mo?" Sabi ni Kalen. "Whoo! Sorry na ulit. May meeting ka in 10 mins. Andun na sila Mr. Kim, Mr. Cheng. Inaantay na lang si Mr. Jin." Sabi nya at parang kinakabahan. Tinignan ko naman si Kalen pero hindi naman sya nakakatakot sa itsura nya. "Bat parang kinakabahan ka?" Tanong ko sa kanya kay Keith. "Wala naman. May sintensya na ata ung buhay ko mamaya." Sabi nya Tinawanan lang sya ni Kalen kaya bumalik ung tingin ko sa kanya. "Bakit?" Tanong ko kay Kalen. "Nothing Zie. Hayaan mo yang si Keith." Sabi nya at ngayon ko lang naramdaman na ung kamay nya pala nasa bewang ko. Sasanayin ko talaga ang sarili ko sa ganto. "Okay. Akin na. Ayusin na natin yan." Turo ko dun sa necktie kaya humarap na ko ulit sa kanya. "I'll be there in 5 mins. Make sure na kumpleto na." Maautoridad na sabi nya. "Yes Sir." Sabi nito at lumabas pero bago sya lumabas biglang syang nagsalita.. "Sweet nyo dyan. Libre kita lunch Nicole! Napalamig mo ulo nyan." Sabi nya at tuluyan ng lumabas. Sweet? Paano ba naman habang inaayos ko ung necktie nya ung dalawang kamay nya nasa likod ko. Basta parang nakayakap. "Ayos na. Ayusin mo na din buhok mo para mas gwapo ka. Hahahaha. Oh?! Wag kang tumitig, mainlove ka sakin agad. Hahahaha" sabi ko sa kanya. "Ayaw mo nun. Para mafall ka na din sakin agad. Hahahaha. Gusto kitang yayain mag lunch kaso may lunch meeting din ako." Sabi nya sakin. "Okay lang naman. Next time na lang. Marami pa namang next time. Kasabay ko naman sila kim." Sabi ko sa kanya Ganun pa din ung posisyon namin at hindi pa din sya bumibitaw medyo na iilang na ko pero keri lang. "Di ko na isasama si Keith para malibre ka ng lunch. Hahahaha. Ubusin nyo pera nun. Hahaha. Ahm.. nga pala, i already check the written proposal you've sent to me last night. It's nice. Not being bias but it's really nice. Pacheck mo na lang kay Ms. Divine for her approval but for me it's okay. Pag isa yan sa pagpipilian hindi ako pwedeng bumoto." Natatawa nyang komento. "Ay ou nga. Pero sige, ipapacheck ko kay Ms. Divine. Ano palang nangyari kay Sanya?" Tanong ko sa kanya. "She's suspended for 1 week. Then Ms. Divine pull out some projects na dapat sa kanila. Kawawa nga sila Krystal at Camille. Gusto ko silang ilipat ng department or nang Team Leader kaso baka kung anong sabihin ng ibang mga staff. Kaya nagdadalawang isip ako. Papakawalan mo ba ung dalawa sa staff mo para sa dalawang kaibigan mo?" Mahabang paliwanag mya sabay tanong Ahm... Ayoko nga! Hindi nuh... Lalo na nasaktan na sila nung Sanya na un. "No. Hindi naman ginagalaw ni Sanya si Tal at Cams pero kung mag lilipat ako ng dalawa sa kanya panigurado masasaktan nya un. Kasi minsan na nyang ginawa. Sorry.." Sagot ko at yumuko. Mahal ko ung dalawang un kaya pag ginalaw sila ni Sanya... Yare sakin ung babaeng un! "It's okay Zie. Hindi naman kita pinipilit... Hahaha. Baka palitan ko na lang ung Team Leader nila. I think i need to see their own works..." Sabi nya at ngumiti "Hm.. maganda nga un.. akala kasi ni Sanya porket Team Leader sya makapangyarihan sya. Well! Di ko naman sya masisisi, madaming benefits ang pagiging Team Leader." Tatango tangong sabi ko. "Alam ko Zie. Pero kung ganun lang din nam ang dating sa kanya, wag na syang mag Team Leader." Sabi nya "Hahahaha. Antaray naman po. Sige na bababa na ko at ikaw mag ayos ka na dyan. May meeting ka. Bitaw na." Sabi ko sa kanya "Ay ou nga pala. Hahahaha. Sige na. Ingat ka. I'll call you. Hm?" Sabi nya at bumitaw na. "Sureness.. ay! Ung debut pala na tutugtugan ko sa Hotel Hall nyo gaganapin..." Sabi ko sa kanya "Owww... That's nice! What instrument do you need? Para ipapaprepare na lang sa Hotel Hall NATIN." Sabi nya at pinakadiinan ung 'NATIN' "Bakit natin? Kasali ba ko dun? Hahahaha. Ou na. Sabi ko nga kasali na ih... Keyboard or Piano ung prefer nung mag dedebut ih.." Sabi ko sa kanya. Sinamaan kasi ako ng tingin kaya napabawi ako bigla. Hahahaha. Asawa ko nga pala sya. Sorry. "Sige na. Sabihin mo sakin ung date kung kelan and i talk to the manager there. Baba na at baka isako kita." Pataray nya sabi kaya ako natatawa lang. "Bye. 1 week pa ko bago tumira sayo ah! I mean uuwi pala. Hahahaha. Bye Kals!" Sabi ko at bumaba na. End of Flashback ---------- A/N: Continuation po sa kabilang chapter. Hehehe. Di nagkasya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD