Chapter 42

4923 Words
A/N: Eto na po ung sunod. Sorry. ----------- Nicole's POV Yep! Hindi ko na mahal si Daniel. Sobrang naexcite lang ako sa narinig ko kaya akala ko meron pa. Pero the truth is wala na talaga. That's why i open my heart to Kalen atleast alam nya na hindi ko pa sya mahal at ganun din ako hindi nya pa ko mahal kaya pwede namin pag aralan mahalin ang isa't isa. "Ano na naman iniisip mo?" Di ko na kailangan lingonin kung sino yan. Si Kalen to panigurado. "Wala naman. Iniisip ko lang ung nangyari kay Sanya." sabi ko "I still can't believe that you did that thing." sabi nya at umiling pa. Kung magtataka kayo sa nangyari kay Sanya. Flashback ulit tayo. Flashback Isang linggo na makalipas nung nag usap kami ni Kalen. Isang linggo na din akong hatid sundo ng lalaking yun. At mamaya nga hahatid nya ko tas kukunin namin ung mga gamit ko kasi un ung usapan namin. "Okay lang po kayo Ate?" Sabi ni Blesy "Yep. I'm fine. May iniisip lang." Sabi ko at ngumiti. Nagkwentuhan lang kami habang nagawa ng presentation namin at proper proposal. Naapproved ung ginawa naming written proposal kaya need namin gumawa ng proper proposal at kaya minsan nag oOT na din kami. Kaya si Kalen, tambay din minsan dito sa Office dahil ayaw umuwi akong mag isa. Habang busy kaming magkukwentuhan, nakarinig kami ng ingay sa labas. Di na sana namin lalabasin kaso nakarinig kami ng pamilyar na sigaw kaya nagtinginan kami at sabay sabay na tumayo. "Ngayon?! Isang linggo lang akong nawala, nawala na din ung ibang projects natin. Hindi kasi kayo nagsisipag! Lalo na kayong dalawa!" Sigaw nya Hindi namin makita kung sino ung tinutukoy nya pero alam namin na galit na galit sya. Nasa loob pa kasi sila ng office nila. Sana lang wag masaktan sila Krystal at Camille kasi yari talaga sakin to si Sanya. "Ano ba yan?! Kababalik lang ganyan na naman sya. Kawawa naman sila Krystal." Rinig kong sabi ni Ryle na nasa labas na din pala. "Ou nga po ih. Naging tahimik nung nawala sya ih. Hahaha. Joke lang po!" Natatawang sabi ni Vash Babalik na sana ako sa loob ng makita ko si kim na papunta sa office nila Sanya. Kaya naman tinakbo ko sya ng walang alinlangan kahit nakaheels ako. "Anong problema mo?" Sabi ko sa kanya nung nahabol ko sya "Pwede mo bang irequest kay Sir Miggy na alisin na tong babaeng to?! She slap Natalia sa Restroom!" Gigil na sabi nya Yare! War freak pa naman to kahit buntis! "Teka nga! Kumalma ka! Baka biglang lumabas ung inaanak ko! Ako na kakausap. Nagsisisigaw din ngayon ih." Sabi ko sa kanya at hinihila sya palayo. "Sasama ako!" Sabi nya at naglakad ulit. "Okay! Pero kumalma ka!" Sabi ko at pinuntahan na namin si Sanya Nang makalapit na kami at kakatok. Biglang bumukas ung pinto. Nakita namin sila Camille na umiiyak at nagmamadali. Nung nakita nya kami biglang yumakap sakin. Tapos sumunod nun si Josh at Basty na umiiyak din.. Bago lumabas ung pakay namin. "Yes?! Bakit kayo andito sa harap ng office KO?!" Sabi nya at parang proud na proud sya. Ang sarap balikan ng 'eh ikaw? Bakit ka andito sa building ng ASAWA KO?!' kapal nito. "Ang kapal ng mukha mong magsalita! Hoy babaeng espasol! Ang kapal ng mukha mong sampalin si Natalia sa Restroom! Tama lang naman ung sinabi nya sayo ah!" Gigil na sigaw ni Kim Hindi ako makapagsalita kasi nakayakap sakin si Cams. Habang nakikipagpalitan ng salita si Kim kay Sanya. Kinakausap ko na si Cams. "Hey. Okay ka lang? Anong ginawa nya? Asan si Tala?" Tanong ko sa kanya Dun lang sya dumungaw sakin. Dun ko nakita ung mapula nyang pisngi at may bakas ng sampal. Yare kay Keith! Tinignan ko sila Josh at Basty pero umiwas lang. Wala silang sampal pero magulo ang buhok. "Kay Ryle ka muna." Sabi ko at naglakad papasok. "Krystal!" Sigaw ko kasi hindi sya lumabas. Nung nakapasok na ko. Nakita ko syang nakaupo sa upuan at umiiyak! Nilapitan ko at tinignan ko ung mukha na parehong may pula ang pisngi at bakas ng palad! "Tayo!" Sabi ko sa kanya na nagpipigil ng galit. Madami pang pilitan na nagyari hanggang pumayag din syang lumabas. Tumayo na si Tala at kumapit sa damit ko sabay tago sa likod ko. Paglabas ko mukha akong nagrescue ng nasuguan o kung ano pa dahil biglang may nagsilapitan samin. "Nics! Si Kim.." bulong ni Ryle. Ou nga pala! Asan na un?! Pagtingin ko. Andun pa din at nagtatatalak! Bat hindi pa to tumitigil? Palapit na ko sa kanya ng itulak sya ni Sanya kaya napatakbo ako. Buti at may ibang tao dun kaya naalalayan sya bago ko maabot ung pwesto nya. "Argh! Bwisit ka talaga!!! Humanda ka sakin!" Sabi nya pero pinigilan ko na. "Ako na. Dun ka na nga." Sabi ko sa kanya "Sinasabi ko sayo Nicole!" Banta nya sakin Bat pati ako nadamay? Wala naman akong kasalanan. "Ou na. Sige na. Dun ka na sa office ko muna, please." Sabi ko sa kanya Huminga muna sya ng malalim bago tinapunan ng matalim na tingin si Sanya. "Ikaw umayos ka kung ayaw mong matanggalan ng trabaho ah! Sinasabi ko sayo Sanya!" Sabi nya at umalis Ska ako bumaling dun sa mga tao. "Sige na. Magsipasok na kayo. Okay na dito. Tapos na ang chismiss. Mamaya ulit! Pasok na!" Sabi ko sa kanila tas bumaling kila Ryle. "Beshy! Dalhin mo muna sila sa of-" di ko natapos ung sasabihin ko ng sumabat si Sanya. "Oh? Magpapakabayani at magpapakaAngel ka na naman pala Nicole!" Sabi nya kaya hinarap ko sya. "Mamaya kita haharapin. Manahimik ka dyan!" Gigil na sabi ko sa kanya. "Dun muna kayo. Kumuha na kayo ng icepack sa baba para malagyan yang pisngi nyo. Sumama na muna kayo dun Josh at Basty." Sabi ko at humarap na kay Sanya. "Ikaw alam mo! Kakabalik mo lang galing suspension, gusto mo na naman atang masuspend! Anong problema mo?" Gigil na sabi ko sa kanya "Kayo?! Kayo ung problema ko!!! Lalo ka na! Yang pagiging mapapel mo! Gusto mo lagi kang bida! Gusto mo laging ikaw ang nauuna." Sabi nya at parang kasalanan ko talaga. "Teka nga! Sino bang may gusto ng ganto? Kasalanan ko ba na napapahiya ka? Ikaw ang may kagagawan nito diba?" Singhal ko sa kanya. "Ou ako pero hindi mo ba napapansin na masyado ka nang papansin sa ginagawa mo? Ung mga senior nga natin dito, hindi nangingialam ih. Tapos ikaw na kasabayan ko lang din kung makaasta akala mo may ari ng kompanya." Sabi nya na nagtataray pa. Asawa ko ang may ari ng kompanyang tinatapakan mo! Bwisit! "Asan ba ung mga seniors natin, diba nasa itaas na floor dahil isa sila sa mga mag aapprove ng mga marketing presentation! Kaya paano naman nila malalaman na may ginagawa kang kabalastugan dito!" Iritableng sabi ko sa kanya "Ayun naman pala eh! Bakit lagi kang nagbibida bidahan dito?! Ngayong napahinto mo ko? Bida ka na ba?" Gigil na tanong nya sakin "Tange! Ikaw ang bida dito. Kontrabida lang ako. Kasi diba lagi kitang pinapatigil? So maybe im the villan here. What you think Sanya?" Pamimilosopo kong sabi sa kanya. "Wag mo kong pilosopohin! Hindi ako tanga na pwede mong paikutin katulad ng pagpapaikot mo sa mga tao dito! Bwisit ka!" Galit na sigaw nya sakin Galit agad ih... Sya nga tong kung ano ano na sinasabi sakin. Nakakapagod na at baka kung ano pa ang magawa ko. Nagbagong buhay na ko ih. May gagawin pa ko. Mag lilipat pa ko ng bahay. Yaan ko na sya mag isip ng gusto nya. Suspended na naman to pag nakarating sa taas. Bahala sya. Lalo na ang nasaktan nya si Camille. Yare sya kay Keithy! Huminga muna ko ng malalim bago magsalita. "Bahala ka isipin kung anong gusto mong isipin. Gusto kitang saktan dahil sa ginawa mo sa mga kaibigan ko na co-workers mo pero ayokong bumaba sa level mo, Sanya." Sabi ko sa kanya at humarap na sa gawi ng office namin. Nakita ko dun sila Kim, Tal, Ryle, Mikee, Team DN at ung iba pa. Pero mas nangibabaw dun ung dalawang taong masama ang tingin kay Sanya. Si Kalen at Keith. Nakadapawang hakbang na ko ng biglang hawakan ni Sanya ung kamay ko at iharap ulit sa kanya. Dahil nga biglaan di ko napaghandaan na sasampalin nya pala ko. Ayun! Sapol ako! Ang sakit! Paking Tape! "That's one of my greatest dream. Slapped you infront of the people think you're worthy of their respect! Biruin mo isang Mr. Monticlaro kinikilala ang katulad mong walang pinagmulan." Sabi nya at tinawanan pa ko. Masakit ung sampal ah!! Bwisit to! Pero mas masakit ung sinabi nya! Tinignan ko sya ng deretso at sobrang talim! At tinulak habang nagsasalita. "Una. Napakababaw ng pangarap mo, sampalin lang ang isang katulad kong sinasabi mong walang pinag mulan?! Pangalawa, i gain their respect because i know the word respect! Pangatlo, may magulang ako at ipinanganak ako! Kilala ko ang mga magulang ko! At pang huli at pinakaimportante sa lahat! Hindi lang ako kinikilala ni Mr. Monticlaro! Gusto mo malaman kung bakit sya nandito?" Nanggigil na sabi ko sa kanya Tinulak ko muna sya sa pader ng office nila at tumama naman ung likod nya, kaya napadaing sya. Opx. Sorry! Pero masakit padin ung sampal nya! Nung nakalapat na ung likod nya na iniinda. Tumingin sya sakin at sobrang galit pero wala akong pake! Tinaasan ko lang sya ng kilay at nginitian. "Gusto mo malaman? Para naman mas mainggit ka lalo sakin." Sabi ko at binulungan sya. "I'm his wife. Kaya kung ako sayo, iaayos ko na ung mga gamit ko kasi you're fired!" Bulong ko at umayos ng tayo tapos hinipan ung palad ko at tinampal ung noo nya ng malakas. At ininda naman nya un. Sorry ulit! "Gusto kitang sampalin pero tama na ung ginawa ko. Bahala ka sa buhay mo!" Sabi ko at tinalikuran sya sabay lakad papunta sa office namin habang hawak ko ung pisngi kong sinampal nya. Sinalubong naman ako nila Ryle at Kim. "Sakit?" Natatawang tanong ni Ryle "Hindi beshy! Ang sarap! Gusto mo itry?" Sabi ko at umarte na sasampalin sya. "Ayaw ko. Masakit pag ikaw. Hahahaha" natatawang sabi nya! Loko to! Tinawanan pa ko! Sipain ko kaya sa tagiliran to! Hahahaha. Jk! Kung si Ryle biniro ako, Si Kim sinampal ulit ako dun sa mismong sinampal ni Sanya. Anak ng teteng! "Sarap! Isa pa nga! Nanggigil ako sayo ih!" Sabi ko sa kanya pero tinawanan lang ako. "Nicole. Pumunta ka sa office ni Ms. Divine. Isama mo din ung apat na team member nya." Iritableng sabi ni Keith Ay putik! Ou nga! Andito pala silang dalawa. Asan ung isa? Bakit nawala? "Andun sa office ni Ms. Divine, andun na din ung Sanya. Bilisan mo kung ayaw mong makulong kami." Sabi ni Keith at umalis na din. Yare talaga! Sanya kasi ih! Bida bida! Naguguluhan man ung iba pero di na lang nagtanong. Pinuntahan ko na lang ung apat tapos pumunta na sa Office ni Ms. Divine. Malayo pa lang kami naririnig ko na ung sigaw ni Ms. Divine.. bakit ako kinakabahan. "Nakakatakot po Ms. Nicole." Sabi ni Josh "Ako din Josh natatakot pero kailangan ih.. baka may makulong pag di tayo nagpunta." Sabi ko sa kanya at binilisan na. Nang nasa harap na kami mas dinig namin ung sigaw at ramdam namin ung black aura sa loob. Kumatok na ko at mabilis naman na buksan un. Si Ms. Divine ang magbukas pero kita agad ang black aura nung dalawa. Chills!!!! "Pasok kayo." Sabi nito at tumabi sa pintuan. Walang gustong mauna kaya naman inunahan ko na sila. Pagpasok ko. Gusto ko ulit lumabas... Ung itsura ni Kalen... Waaaaah!! Ayoko na Mamama!!! Nakakatakot! Nakatingin sya sa pisngi ko na sinampal ni Sanya. Nakita nya un panigurado kasi andun sya. Bigla syang umiwas at nagkuyom ng kamao, ganun din si Keith na nakatayo sa gilid ni Kalen. "Umupo kayo. At mag umpisang magkwento!" Mahinahon pero ramdam mong galit ni Kalen. Walang gustong magsalita kaya naman mas lalo atang nagalit ung isa. "Ano? Walang mag sasalita?! Lahat kayo bibigyan ko ng suspension!" Gigil pa din na sabi nya. Bigla naman nagsalita si Basty at magkwento ng nangyari sa loob ng office nila. Nagulahan ata si Kalen kasi napatingin sya sakin. "Ih bakit andun ka?" Ayan ung tanong nya. Sabi na ih... Si Kim kasi ih!! "Sagot! Wag ka munang mag isip ng malalim! Sagutin mo muna ko." Inis na sabi nya. "Wait lang po. Kinakabahan ako ih. Si Kim kasi papunta dun may isa syang subordinate na sinampal nitong espasol na to. Edi sinundan ko, baka mamaya mapaaga ang pag labas nung bata. Nung kakatukin ko na dahil sabi ko ako na makikipag usap. Biglang bumukas ung pinto tumatakbong yumakap sakin si Camille di ko alam ung nangyari kasi naririnig lang naman namin at ayaw naman namin mangialam." Mahabang litanya ko tumingin muna ko kay Keith at Kalen na nakatingin samin bago ako nagpatuloy ulit. "After nun lumabas na din tong dalawa, tas ayan si Sanya, tas nagsagutan na sila ni Kim, pero ung atensyon ko andito kay Cams tapos nakita ko nga na namumula ung pisngi at may - MAMA!" Napasigaw ako kasi may biglang sumuntok ng pader. Ih... Si Keith.. nagulat naman ung iba pati pala ako. "Jan Keith!" Sabi ni Kalen. Wala naman sinabi si Keith at tumalikod lang. "Ituloy mo. Bilis!" Sabi nyang nakatingin sakin. "Eto na nga po ih.. ayun tapos pinuntahan ko si Krystal kasi hindi pa sya lumalabas pagtingin ko, andun at namumula din ang mukha. Paglabas namin.. mukha akong rescuer n-" naputol kasi nagsalita sya. "Wag mong ituloy yan joke mo kung hindi ako matatawa dyan. Nagpipigil ako ng galit Denzie Nicole!" Sabi nya at galit pa din. Edi wag ituloy. Sabi ko nga ih! May ibang tao kaya! Grabe to! "Hindi na nga po magjojoke. So ayun na nga po paglabas ko Si Kim nakikipagtalakan pa din so sya naman ung irere ay mali lalapitan ko pero bago pa ko makalapit tinulak nito si Kim buti may nakasalo. So nung nilapitan ko si Kim, sabi ko umalis at ako na ang kakausap." Sabi ko "ayun naman ung nangyari, ininsulto lang naman nya ko ih. Nakakapagod makipag usap sa taong hindi naman nakikinig at maraming inggit sa katawan tapos tatalikuran ko na sana sya ng bigla nya kong honawakan sa kamay tapos ayun! Sinampal nya ko. At ininsulto ulit! Tinulak ko sya sa pader ng office nila tapos binulungan tapos tinampal sa noo. Ayun na." Kwento ko na parang bata. Huminga sya ng malalim at tumingin kay Sanya. "Kagagaling mo lang sa suspension, right?! Then what's this? Ano na naman to Ms. Sanya? I thought you and Ms. Divine already talked about this? Should i suspend you again or fired you?" Sabi nya na nagpipigil ng galit "Sir. Please... Sorry po. Hindi ko po sinasadya talaga... Sir..." Paamakaawa ni Sanya "You know the last time you did a scandalous scene here, gusto na kitang tanggalin kaso may isang tao dito! Ayaw kang matanggalan ng trabaho dahil nga naman kailangan mo to. But now, i don't know if i should listen to her. Kasi gusto na kitang tanggalin." Sabi nya nang nakatingin sakin. "Kilala mo ba kung sino ung mga sinaktan mo?" Sabi ni Ms. Divine. "You hurt your subordinates. Hindi lang un! You hurt Mr. Ramos's girlfriend, ung pagtulak mo kay Ms. Kim, she's pregnant yet you push her?! paano kung walang nakasalo?! Nakunan at mas matindi ang mangyayari sayo. Most especially you hurt Mr. Monticlaro's wife. Now tell me anong dapat gawin sayo Sanya? Ikaw na ang tatanungin ko." Sabi ni Ms. Divine. Matagal naging tahimik dahil hindi sumagot si Sanya. Walang sagot si Sanya kaya nagsalita na si Kalen. Nauubusan na ata ng pasensya. "Give her 1 month suspension and hindi ka na team leader pagbalik mo. Even though you hurt her i know she doesn't want you to lose this job. But i'm warning you. Maulit pa to, pack your things and leave." Sabi nya at tumingin iba. "Kayong apat, Go home and take some rest, will give you 2 days rest day and when you get back here. I'll be at your office." Mahabang bigay nya ng sintensya. Nagtuloy tuloy lang sila sa usapan. Kaya naman tumango na ung iba. Habang ako. Nagugutom na ko ih... Kaya kumuha ako ng candy dun sa table ni Ms. Divine. Nagulat naman ako ng may pumitik ng noo ko. Argh! Ang sakit! Bato! Bato! Ang sakit nung Bato! Pagtingin ko si Kalen na nakabusangot ang mukha! Sana all kahit nakabusangot gwapo! Eto kahit alam mong galit gwapo pa din. Kaso masakit mamitik! "At ikaw! Anong ginagawa mo? Hindi ka nakikinig?! Alam mo kung ilang years kang suspended?" Sabi nya at naiinis pa. Teka may sinabi na ba? Hindi ko alam ih.. atska bakit years! Wala naman akong ginawa ah! Tinignan ko ung mga kasama ko pero wala na pala sila. Pati si Keith at Cams, wala na din pato si Tal! Hala! Nalibang na ko masyado sa candy? Naguhutom na kasi ako ih.. "Hehehehe. Hind-Aray naman Kalen masakit! Bato ba yang daliri mo!" Sabi ko sa kanya at hinimas ung noo ko. "Bahala ka alamin kung hanggang kelan ka suspended. Hindi ka nakikinig! Pigil na pigil ung galit ko dun sa sumampal sayo tapos wala kang paki alam! Kunin mo na gamit mo. Babalikan kita, uwi na tayo." Sabi nya End of Flashback See... Ganun ang nangyari kaya ako suspended ng 1 week. Si Kim talaga un! Kasi kung hindi sya sumugod dun baka hindi ako suspended ngayon. Hahahahaha Wala akong ginawa sa mukha ni Sanya pero ung mukha nya nung nalaman nyang asawa ako ni Kalen... Sobrang putla na ewan. Hindi ko naman pinagmalaki pero nasaktan talaga ko dun sa sinabi nya. Wala naman akong intensyon na sabihin din sa kanya pero the fact na kinu'question ung pagiging lapit namin ni Kalen ay edi sabihin ang totoo. Naalala ko grabe magalit si Keith nung nakalabas kami ng building at napunta sa parking. Sinipa nya ung gulong ng kotse at talagang nagwala. Buti nga si Kalen hindi gaano pero pinagalitan ako. Hahahahaha. Di na ko sumagot at hinayaan na lang. At kung tatanungin nyo bakit andito si Kim, it's Sunday! Wala kaming mga pasok. Hehehe. Ganun kasi sa ME, 2 days restday.. isa weekdays then lahat sunday ang RD. Maaga pa sila nakatambay dito sa bahay. Nainis pa nga si Kalen kasi nagdatingan tong mga to. Hahaha. Hindi naman kasi namin tinago na ung napagusapan namin kaya alam nila ung bahay. Okay na din un kesa kaming dalawa lang dito. Hahahaha. 2 days kaming dalawa lang na andito, wala naman kaming ginawa. Nagkwentuhan lang at nanuod ng movie. Kumain at tumugtug. Hahahaha Pero wait! Take note! Hindi kami magkasama sa kwarto. Hahahaha. Sya din naman magdecide kasi daw baka mailang ako. Well! Tama naman sya kaya nag agree ako. Ngayon nga andito kami sa sala at ako nakasalampak sa sahig, carpeted naman kaya hindi gaano malamig. Dito ako naupo kasi mas abot ung malesa.. sa sofa kasi hindi. Simple lang ung bahay. Hindi malamansyon! Hahahaha. Tatlong palapag, nasa 3rd floor ung mga guess rooms, 2nd floor ung kwarto namin ni Kalen tas may dalawa pang kwarto dun. Tas sa baba, andun na ung kitchen, sala, music room at iba pa. Hahaha. Naglagay sya ng music room kasi mahilig din naman sya sa music! Hahahaha. Kumpleto nga ih! Napasok ko na din naman un. Nakatry na ko ng drums dun, nagulat pa sya kasi marunong din daw pala ako nun... Hehehehe. Tas may bakuran din na pwedeng gawing garden, nakahiwalay din ung parking lot nakita dun sa bakuran. Masarap magstragazing dun sa bakuran kasi madamo. I mean ung parang sa soccer field! Ganurn! Hindi masakit pero pindot sa tenga ang nagpabalik sakin sa reyalidad! Eto na naman po sya, ganyan sya pagnag iisip ako ng malalim. "What are you thinking again?" Tanong nya sakin sabay himas sa buhok ko. Minsan gusto kong isiping buntis to si Kals ih. Gustong gusto nyang hinahawakan ung buhok ko. Minsan inaamoy nya pa un. Buti na lang mabango ung buhok ko. "Nag iisip lang ng pwedeng kantahin dun sa Debut na pupuntahan ko. She also requested that her all 18s will be live songs... Tapos basta daw pag dating sa last rose nya which is her father. Dance with my father again ung song, so di ako mahihirapan dun. Hehehe. Dun na lang sa iba." Paliwanag ko sa kanya tapos sinandal ung ulo sa tuhod nya. Nasa sofa kasi sya tas ako nasa lapag so ung tuhod nya pwedeng sandalan. Sa halos dalawang linggo namin laging magkasama ni Kalen. I mean hindi man sa iisang bahay, naging komportable kami sa isa't isa. Lalo na ako na may mga nakwento na sa kanyang iba pa. Hahahaha Natawa pa sya nung kinukwento ko ung kay Sir Henry na ungol ng babae. Sabi nya na kwento na daw un ni Sir sa kanila pero mas nakakatawa daw pala pag sakin mismo nang galing. "San ba gaganapin un Nics?" Tanong ni Tal na katabi ni Kim. "Sa Consolatio Hotel Hall sa BGC, October 3, 6pm ang start dapat andun na ko ng umaga para makapagpractice ata daw sila ng sayaw nung Debutante." Sagot ko sa kanila. "Wag mong sabihing live din un? Anong kanta?" Di makapaniwalang tanong ni Sir Henry "Edi hindi ko sasabihin. Hehehe. Can i have this dance ng HSM" sabi ko. Tinawanan naman nila ko. bakit? Sabi wag sabihin. Edi hindi ko sinabi. "Ewan sayo. Pero sinong partner kong kumanta dun?" Takang tanong nya. Ayun pa isa kong problema! "Sabi ni Alas baka daw may kakantang iba. Kaya no need na." Sabi ko habang tinitignan kung sinong tumatawag sakin. Alas Calling...... Bakit na naman kaya natawag to! Nagrereply naman ako sa mga text nya sakin ah. "Cancel na? Buti naman!" Bungad ko sa kanya at tumawa. [Hindi! Sira! Tinawagan ka na ni Marky Boy?] Tanong nya sakin "Ay akala ko pa naman. Hahahaha. Hindi. Bakit?" Takang tanong ko sa kanya [Ay baka kasi naunahan ko sya. Bagal talaga ng Marky Boy na un! Buriko pa naman!] Mapang asar na sabi nya. Bigla akong napahagalpak ng tawa dahil sa biro nya. Hahahaha "Hahahahahahahahahaha! Hayop! Buriko is a Donkey not a Horse!" Natatawang sabi ko sa kanya. Napansin ko naman ung paglapit lalo ni Kalen at ung tingin ng mga kasama ko kaya humupa ung tawa ko. Bwisit kasi to! [Alam ko! Anyway. Tinawagan ko kasi sya! Sabi mag Tandem kayong dalawa. Gusto pala ung Anak. E, piano and acoustic, dahil pumayag ka, pumayag na din sya. Ikaw naman daw katamdem nya ih. Kung wala nga lang Celine un, iisipin ko type ka nun. Hahahaha. Jk lang! Kayo na lang mag usap ah! Bye! Labyu! Hahaha] Sabi nya ay pinatay ma ung tawag. So tantem kami ni Marky. Okay lang naman sakin. Wala naman problema, si marky naman un. Ang problema itong katabi ko. "What's that? Anong sabi?" Iritableng tanong nya. "Hm.. sinabi nya lang na tandem na daw kami ni Markybels sa Event. Demanding ata masyado ung anak ng boss. Hahahaha." Sabi ko at tumawa. "Ganun talaga ata Nics pag mayaman na babae. May mga 18 kineme. Si Dani lang naman amg maraming 18 kineme satin ung nagdebut. Ako at si Tal, tatlong, 18 kineso lang. Hahahaha." Sabi ni Kim Bibig talaga nitong babaeng to apaka! Hahahaha Pero totoo un nung nag18 silang tatlo umattend at kumanta ko. Pero wala bayad syempre dedicate ung song sa kanilang tatlo. Ako naman. Hahahaha. Wala naman akong ganun ih.. di naman nagparty nung birthday ko. Kaya walang ganun at sanay naman akong walang party. "Hahaha. Ay ou nga. Si Tin pa last Dance mo nun ung type ka! Hahahaha. Ako safe ih. Si Daddy at Kuya. Hehehe" Natatawang sabi pa ni Danica "Safe din ako kasi si Papa ang first and last dance ko. Hahaha. Sinigurado nya un. Hahaha." Natatawang sabi din ni Tal. Hinahayaan lang nila kaming magtawanan dito at naaliw naman sila samin. Wala si Keith at Cams, nagsimba daw pero baka pumunta mamaya. "Sorry. Can't relate! Hahaha." Sabi ko sa kanila "Why?" Nahinto ang tawanan namin dahil sa tanong ni Kalen. Kaya naman niligon ko sya. "Wala naman party nung nag18 ako. Kami kami lang. Si Mama, Kim, Danica, Tal at Ako. Kumain lang kami ng spaghetti na sinabawan ni Kimbeng! Hahahaha" natatawang sabi ko. Nakitawa din sakin si Danica at nasamid pa ang gaga! Asar kasi namin kay Kim un nung elem kami, un kasi talaga ung palayaw nya kaso nagdalaga. Ayaw na! Tinignan ko ung iba kasi nakarinig ako ng nagpipigil ng tawa! Tama nga ako! Nag pipigil sila ng tawa kasi ung mukha ni Kim sasabog na. "Takteng palayaw yan! Lumabas na naman! Sino bang magbansag ng palayaw na yan at ikaw bat naman nilabas mo na naman! Mamatay sana kayong dalawa sa kakatawa! Bwisit kayo!" Naiinis na sabi ni Kim Naputol ung tawa namin na makita kong tumatawag si Marky. "Ky!" Bungad ko sa kanya [Energetic na naman natin Ija ah! Kusta ang may buhay may asawa?] Alam na kasi nya ung pinili ko ih. Hahaha "Eto buhay pa naman. Nakakausap mo nga ih! Nasabi na sakin ni Alas! Kelan praktis natin kaibigan?" Tanong ko sa kanya [Ang bilis talaga ng Hayop na un! Sabi ko ako na magsasabi eh! Ikaw? Kung kelan ka pwede. Ikaw lang naman amg busy.] Sabi nya Hindi nya pa pala alam! Hahahaha "Kahiya naman sayo Engineer Manliquez! Hahaha. Pwede ako ngayong week. Wala akong pasok." Sabi ko at tumayo para umupo sa sofa. Tapos sumandal ung ulo ko sa balikat ni Kalen. Gawain ko na un tapos sya naman aayusin ung ulo ko tapos aakbay. Ewan di naman ako naiilang. Hahahaha. Maharot! [Bakit? Anyway. Sige. Text kita kung kelan pero san kaya tayo pwede?] Tanong nya sakin. "Suspended ako kaibigan. Hehehe. Hm... Try ko magtanong kung wala sa condo mo na lang. Tska gitara na akin sayo keyboard." Sabi ko at nag iisip kung saan pwede. Biglang bumulong si Kalen. Pero hindi sa tenga ko kundi sa mukha ko. "Dito na lang. Gamitin nyo ung gamit." Sabi nya kaya inangat ko sya ng tingin. "Sure ka? Okay lang?" Sabi ko at medyo nahihiya "Ou naman. Bahay naman natin to eh, kesa mahirapan ka. Ska papahanda ko na lang gagamitin nyo dun sa Hall sa Event para di na kayo magdala." Sabi nya inaayos ung buhok kong napunta sa mukha ko. "Ahm... Sige." Sabi ko at binalikan ung kausap ko. "Ahm.. Ky! Okay lang ba kung dito na lang sa bahay tayo magpraktis? May gamit naman dito." Sabi ko sa kanya at natawa naman ung isa. [Gagi! Okay na okay! Di na ko magdadala ng Keyboard! Haha. Text kita kung kelan ako free hanap na din ako kanta. Wait di pa alam ni Alas nuh? Kasi sa Consolatio gaganapin diba, ME ang may hawak nun diba?"] Tanong nya "Hindi nya pa alam. Magtatampo un pag malaman nyang nauna mong nalaman. Alam mo naman un. Ayaw palamang sayo kaya pati tong pagiging tandem natin inunahan ka. Hahaha. Bye na Marky! Ingat. Text ka na lang ah." Paalam ko sa kanya [Hahaha. Yeah. I know. Sige sige. Bye Nics! Labyu! Hahahahahahaha] paalam nya at binaba na nga. Nailing na lang ako. Lagi silang ganyan dalawa ni Alas. Laging labyu! Hahahahaha. Pero alam ko naman walang malisya un. "What's for our lunch, Zie?" Bulong nitong katabi ko. Nasa ganun pa din kaming pwesto kaya naman umayos ako para hindi naman gaano nakakailang. Hahaha "Ahm. Ano gusto mo?" Bulong na tanong ko sa kanya Isa pa to sa naging gawain namin sa tatlong araw naming magkasama. Hahahaha. Kumain at ako nagluluto. Nung unang araw ko dito, nagluto ako ng Adobo tas ng Kalen, sarap na sarap ih. Hahaha. Napadami ng kain! "Hmm. Pwede bang ikaw ang sagot dyan? Hahahahaha. Kidding!" Natatawang sabi nya. Nasanay na din ako sa mga ganyang biro nya. Di na bago yan! Hahahaha "Bahala ka magluto ng ulam mo! Hahahaha." Biro ko sa kanya tapos tumayo. Ewan ko kung anong maluluto dito ih. Hahaha. Naglakad na lang ako papuntang kitchen tapos tinignan kung anong pwedeng maluto. Tingin... Tingin... Tingin... Viola! Alam ko na. Magmenudo na lang ako. Madami din naman kami. Inilabas ko na ung mga ingredients ng pumasok si Kim. "Anong lulutuin mo Nics?" Tanong nya sakin "Menudo, why? You want something?" Tanong ko din sa kanya habang naghihiwa. "Hm.. gusto ko ng hipon.. pero hindi pwede..." Sabi nya na parang natatakam. Hindi sya pwede nun kasi allergic sya pero talagang gusto nya. "Tas gusto ko din ng brownies na may maraming mani!! Halaaaa. Natatakam ako!" Sabi nya at para nga syang naglalaway. Ganto ba talaga pag buntis? Hala... Ayoko! "Hm.. ganto na lang! Ung brownies mabibigay ko sayo pero ung hipon... Hindi pwede ih.. allergic ka dun." Sabi ko at inumpisahang magluto. "Hm.. sige. Pero hindi ka makakakain... Allergic ka sa nuts Nics..." Sabi nya sabay nalungkot "Hindi naman ako ang may gusto ng brownies ih... Ikaw! Kaya kahit hindi ako makakain, okay lang." Pagtataray ko sa kanya. Totoo naman ih.. nagkwentuhan lang kami dun at nagkwentuhan ng iba't ibang mga bagay. Kaming dalawa lang ung andito kasi ung dalawa tas ung mga lalaki... Andun sa sala. ----------- A/N: Sorry. I deleted the 2 chapters I post earlier. Mali kasi... eto pa lang dapat... Sorry... Peace! :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD