Chapter 43

4639 Words
+++++++++++++ Nicole's POV "Nics? Paano pag nalaman mong isa sa mga kaibigan mo, jowa ng kaibigan ni Sir Miggy? Wag mo na ko isali." Tanong nya sakin "Isa lang ba? Diba dalawa sila? Hahahahahahaha" natatawang tanong ko Ako pa gagawing tanga ng mga to?! Tahimik lang ako pero alam ko naman ung nangyayari.. hehehehe "Takte! Bakit?! Alam mo?" Gulat naman na bulaslas nya. "Hahahaha. Ou naman. Ay wait! Hindi ko pala alam kung kanino ang kay kanino ganurn pero may alam naman ako. Kapansin pansin naman un." Sabi ko at sumandal. "Tsk! Tago tago pa kasi sila ih! Di na lang sabihin." Naiinis na sabi ni Kim "Wag kang magsalita! Nagtago din tayo. Hahaha. Hayaan mo lang. Sasabihin din naman nila yan. Kunwari na lang hindi ko alam. Hahaha" biro kong sabi kay Kim paano iritable na naman. "Okay. I admit! Nagtago din ako pero ung iyo. Parang understandable naman kasi hindi mo kilala ung naging asawa mo pero nung nakilala mo, sinabi mo din naman agad. Pero kasi ung sa kanila. Ay naku! Ayoko na nga lang mag talk!" Inis pa din na sabi nya See.. bwisit na naman sya! Hahahaha. Sana lang wag magmana ung baby sa kanya. Nagrant pang sya dun ng nagrant habang ako nag iintay maluto ung ulam namin. Tinatawanan ko na lang ung iba, pero minsan di na nagsasalita. Nang matapos na nagtulong na lang kaming maghanda ng table at sabay sabay na kami maglalunch. "Kain na." Sigaw namin pareho ni Kim Di na kami lumabas ng Dining kasi rinig naman kami pagsumigaw. Di rin naman namin sila inantay ng matagal dahil pumunta naman sila agad. Nauna si Danica at Tal, sumunod si Sir Henry at Theo tapos si Harold at si Kalen. "Wow! Pwede bang dito na lang kumain araw araw? Mukhang masarap magluto si Nicole!" Sabi ni Theo nung nakita ung Menudo. "Masarap talaga yan! Tataya ko ung baby ko! Haha" Sabi ni Kim Nagtawanan din naman kami. Ang hilig magtaya ng mag asawang to! Hahahaha "Sweetie naman bakit pati ung anak natin nasali? Wag ka na magtaya. Masarap naman talaga luto nito ni Nicole." Sabi ni Sir Henry na para nasstress na kay Kim. "Hahaha. Gusto kong tanggihan pero parang okay un. Para hindi na ko mag aanak. Hahahahaha" biro naman ni Theo "Ay hindi pwede! Ung girlfriend mo, gusto ng anak nun. Hahahaha" biro ulit ni Kim pero this time nakasmirk sya. Inilingan ko na lang habang nakangiti. Talaga tong babaeng to! Di matahimik ang bibig. Hahahahaha Pero wait! Gusto ko malaman kung sino sa dalawa! "May girlfriend ka?" Kunwaring tanong ko. Nagtawanan naman sila sa tanong ko kahit si Kalen na nasa likod ko at nakapatong ang kamay sa balikat ko. Nakikitawa. "Ouch Nicole ah! Parang sinasabi mong wala akong K mag kagirlfriend ah... Ouch! Sakit ng dibdib ko himasin mo nga pambawi. Hahahahaha" biro ni Theo saken pero si Kalen ang sumagot. "Subukan mong ulitin nyang biro mo kay Zie. Malilintikan ka sakin. G*go!" Inis nya sabay hila sakin palapit sa kanya. Naka akbay na sya ng tuluyan sakin. Tapos ung iba naman nagtawanan lang. Hindi ko tuloy alam kung sinong girlfriend nya sa dalawa... Kalen kasi ih. "Para sakin pala un. Akala ko para kila Danica o Tal. Hehehe. Upo na kayo kuha lang ako tubig." Sabi ko at tumalikod na. Nakarinig ako ng tawa at alam kong kila Sir Henry, Kim at Kalen un. Kasi ung apat naman natigilan. Bahala sila dyan. Gusto ko kaya malaman! Baka saktan lang nila mga kaibigan ko. Nakarating na ko ng kitchen ng nakasunod si Kalen. Bakit alam kong si Kalen? Ung amoy kasi. Hahahahaha "Bat sumunod ka pa? Dapat umupo ka na lang dun." Sabi ko sa kanya ng hindi nililigon. "I want to help you. Bakit ba?" Sabi nya at kumuha ng baso "Edi okay. Bat nagtataray ka. Hahaha" sabi ko sa kanya Di sya sumagot kaya akala ko umalis na. Un pala pumunta sa likod ko at hinarap ako sa kanya tapos tinukod nya ung isang kamay nya sa pinto ng ref at ung isa naman nasa kabilang side lang. Basta parang kinorner nya ko. "Hindi ako nagtataray. At bukod sa gusto kitang tulungan, i also want to know if you will mad if you find out that my friends courted your friends." Sabi nya at tinignan ako sa mata Nakatingala bali ako sa kanya. Pero malamig kaya dito sa pwesto ko atska bukod dun sayang sa kuryente! Alam ko mayaman sya pero di dapat nagsasayang ng kuryente! "Ahm. Sasagutin ko yan pero pwedeng umalis ka dyan kasi malamig dito at sayang sa kuryente Kals!" Sabi ko sa kanya at tinulak pa sya. Natawa naman sya tapos tumabi. Umalis naman ako dun at sya na mismo ang magsara. Inilapag ko muna ung tubig na nakuha ko at hinarap sya. "Hindi naman ako magagalit basta wag lang nilang sasaktan ung mga kaibigan ko. Kung mahal nila ih at mahal din naman sila ng mga kaibigan ko. Edi go! Support ko sila. Basta ayun lang! Wag nilang sasaktan. I'll be their first supporter in their relationship as long as their happy." Sabi ko sa kanya at ngumiti. "Okay na ba? Nasagot ko ba? Pakulong kulong ka pa dyan. Ang lamig kaya nun. Hahahaha" natatawang sabi ko sa kanya "Sorry. Hahaha" sabi nya at kinuha ung mga baso. "Tara! Kain na tayo... Nakakagutom ung luto mo." Sabi nya at inakbayan ako. Dalawa na lang naman ung hawak nya kaya madali lang kasi meron na dun kanina. "Ako din gutom na ih! Hahaha." Sabi ko sa kanya Nang makabalik kami sa Dining, nakaupo na sila pero may iba!!! May iba talaga!!! Tinignan ko sila isa isa... Bakit?! Hahahaha. Seryoso to?! Hahahaha "Ah.... Now i know! Di ko nahulaan un ah!" Sabi ko at inilapag na ung tubig. Ganun din ginawa ni Kalen at umiiling iling pa. "Kasi naman ih. Naunahan kami ng isa dyan sabihin sayo." Sabi ni Tal at tumingin kay Kim. "Hey! I didn't tell her anything nuh?! Kasalanan ko bang masyadong observant yang si Nicole at napapansin nya. Hmp!" Bwelta naman ni Kim "Weh? You didn't tell anything?" Paninigirado ni Danica Bubwelta sana si Kim kaya inunahan ko na. "Tigilan nyo yan at nasa harap tayo ng pagkain.. walang sinabi yan. Nahalata ko lang. And now i confirm it by myself. Hahahaha. Yaan nyo na. Support naman ako. Wag lang kayong tatawag sakin ng umiiyak kasi makakabugbog ako ng di oras. Araso? Kain na." Sabi ko at naupo na sa upuan na pinaghila ni Kalen. "Kinabahan naman ako dun." Sabi ni Theo at humawak sa dibdib nya. "Talagang kabahan ka kasi gagawin ko talaga. Lagot ka din kay ano. Hahahahahahaha" sabi ko at tinawanan sya. Natawa din si Sir Henry at Kalen. "Wag kang tumawa dyan Miggy, di lang ako ang lagot pati ikaw!" Sabi nya na ikinatahimik nilang apat. Bakit? Anong meron?! Bakit naman sya lagot dun? "Bakit?" Tanong ko kay Kalen. Tinignan naman nya ko at ngumiti sabay himas sa ulo ko. "Wala. Yaan mo yang si Theo, nandadamay lang yan. Kain na." Sabi nya at sya pa ang naunang kumuha para sandukan ako. Di ko naman na kinulit pero tinignan ko sya at mukhang naging seryoso ung mukha nya, tinignan ko din naman sila Theo at parang sinisisi nila si Theo dahil may mali atang nasabi... Ano kaya un? Bakit lagot si Kalen Kay Daniel? Anong meron? -------------------- 2 weeks pass "Nice! Meryenda muna tayo Marky!" Sabi ko sa kanya after ng ilang pasada namin nung mga napili naming songs. Andito kami ngayon sa music room ng bahay. Dahil nga sabi ni Kalen dito na lang kami mag praktis ganun na nga ang ginawa namin. Hahahaha. Para wala na ding pahirapan sa pag iisip. "Tara! Gutom na din ako ih! Kainin na natin ung dala ko kaninang take out! Hahahaha. Teka! Does your husband know that i'm here already?" Tanong nya sakin "Yeap. I message him before you arrived and when you got here." I said and put down my guitar on the side. Totoo naman ih. Tinext ko si Kalen na papunta na si Marky dito, nagreply naman sya ng 'okay. Goodluck sa practice' and when Marky got here i also texted him na andito na si Marky. Kagabi din inulit ulit ko sa kanya kung okay lang ba talaga ulit na dito kami magpratice and he said okay lang daw, sa sobrang nakulitan na nga ata sakin sabihan ba naman ako na isasako na daw nya ko pag di ako tumigil kakatanong kaya tumigil na ko. Hahaha. Ayoko kayang masako. Hahahahaha "Buti talaga at okay kay Sir Miggy na dito ulit tayo magpractice, i mean na ikaw at ako lang. Hahaha. Anyway! Kumusta ka na ulit dito?" Tanong nya sakin "Nakailang tanong ako sa kanya dyan. Hahaha. Tapos nakulitan na ata sabi ba naman sakin, isasako na daw nya ko. Kasi okay lang naman daw. Atleast safe ako. Hehehe. Okay naman ako dito, komportable..." Sabi ko at naupo na sa upuan ng counter top ng kusina after kong makuha ung take out na dala nya. Andito na din kasi sya at nakaupo kaya dito na din ako umupo. Magkatapatan na lang kami dahil meron upuan both side nitong counter top. "buti tumigil ka na. Hahahaha. Good to hear! Komportable ka naman ba kay Sir Miggy? Hindi ka naman ba naiilang sa mga galawan na ginagawa nya or something." Tanong nya ulit. Nag isip ako ng isasagot habang nilalabas ung pagkain namin. Hm.. naiilang ba ko? Hindi naman. "Takot ko lang masako! Hahaha. Hindi naman ako naiilang. Actually nung dumating ako dito, saglit lang kasi siguro nanibago tapos di naman ako sanay na lalaki ang kasama ko sa bahay pero si Kalen mismo ung nagpakomportable sakin. Parang sa isang iglap, di na ko naiilang, nasanay na ko. Ganun.. even nung first night ko dito, saglit lang ata ako hindi nakatulog mga 1hr. Tas lumabas lang ako saglit nagpahangin pagbalik ko inantok na ko." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Wow! Mukhang sobrang komportable ka talaga ah... That's good then. Atleast may pag asa.. Hahahaha. Alam mo! Mas gusto ko si Sir Miggy kesa kay Daniel. Hahahaha. Sakin lang naman ah..." Sabi nya at kinuha ung burger na dala nya sabay kagat. Ako naman tumayo ulit para kumuha ng brownies na binake ko kahapon dahil kay Kim. Nawiwili kakapabake un pag andito! Kundi brownies, banana cake na maraming nuts. Hirap tuloy akong makakain. Hahahaha. Nag iwan lang ako ng isang tupperware kasi nagustuhan ni Kalen atska sya lang naman ang kakain nito, ung iba dinala ni Kim at nagdala rin ung dalawa. Kumuha na din ako ng Juice, napansin naman ata ni Marky na nahihirapan ako kaya tumayo din sya at tinulungan ako. Sya na nagdala ng baso at brownies. "bakit mo naman nasabi na mas gusto mo si Kalen kesa kay Daniel? Ih... Hindi mo naman sila nakasama pareho." Pagtataka na sabi ko Totoo naman... Kung paano nila nameet si Daniel nuon, ganoon din naman nila nameet si Kalen. Ay hindi pala.. napakilala ko pala sila kay Kalen. Atska kahit pangatlong beses na naming practice dito sa bahay, laging wala si Kalen kasi nga nasa trabaho. Ako din pala balik trabaho na. Hahahaha. Tapos na ung suspension ko. Dami ngang pinagawa pagbalik ko ng trabaho ih.. daya! Hahahaha "I don't know it just i feel na mas magkakasundo kayo." Sabi nya at umupo na ulit "Di natin masasabi, saglit pa lang kaming nagkakasama. 1 month and 4 days." Sabi ko at naupo na din sabay kuha ng fries. "Hey! Hindi naman masusukat un sa tagal ng pagsasama. I mean ng pagkakakilala. May mga tao nga na ilang taon ng magkakilala o nagsasama, hindi pa din ganun kakomportable sa isa't isa eh. May mga tao din naman na kahit ilang araw o linggo palang nagsasama, para na silang matagal na magkasama. Parang kayo ni Sir Miggy katulad ng kwento mo, parang sobrang close na kayong dalawa.." paliwanang nya sabay inum ng tubig. Hm.. may point naman sya pero ayokong madaliin ang lahat.. baka magkamali na naman.. "Hm.. di ko alam. Basta wala naman tayo sa karera na dapat madaliin ang lahat. Hehehe. Pwedeng dahan dahan lang sa bawat buhay.." sabi ko at kumuha ulit ng fries "Pero kung ikaw ang tatanungin! May pag asa ba? Hahahaha. Gusto ko malaman." Sabi nya at kumuha na din ng fries. Akin to ih! Charot! Hahahaha. Nagbff fries ang binili ng loko! "Hm... Ang hirap sabihin Marky! Hahahaha" natatawang sabi ko sa kanya Kumunoot naman ang noo nya at bigla akong pinitik sa noo.. "Anong ang hirap sabihin?! Dapat meron kasi you open the door of your heart to him! Dapat meron... Kasi ibig sabihin nun... Tinatry mo din at hindi si Sir Miggy lang ung nagtatry.. ayt! Ano ba naman tong kaibigan ko." Naiinis na sabi nya. "Ih? Baka kasi may makarinig... Nakakahiya pero sige na! Meron syempre... Hindi naman mahirap magustuhan si Kalen. Sa totoo lang para nga syang kayo. Ikaw, si Alas at si Daniel. Ganun si Kalen..." Sabi ko ng nakangiti at inimagine ung mga usapan namin ni Kals. "Tignan mo! Nakangiti ka dyan! Ayaw pa kasing umamin. Hahahaha. Pero bakit naman kami ang kinompara mo sa kanya. Hahaha" natatawang sabi nito. Ayaw ko nga kasi magkamali! Kulit nitong si Marky! "Hm.. para syang ikaw, na napaglalabasan ko ng sekreto ko sa buhay, hinanakit at mga kwentong sayo ko lang nasasabi, nasabi ko na sa kanya. Masarap magkwento sa kanya kasi hindi sya namimilit, inaantay nyang magkwento ako sa kanya. Then out of nowhere, i already telling my story to him at syempre nakakasundo ko din sya it comes to music. Hahahaha." Nakangiting sabi ko sa kanya "Ayt! Gusto kong magselos kaso asawa mo pala un kaya wag na lang pala. Hahaha. Atleast alam kong pag wala ako may mapagkukwentuhan ka." Sabi nya at ngumiti. "Bakit naman para syang si Alas?" Tanong nya. "Hm..kasi ang lakas mamburaot! Nakakabwisit! At the same time nakakaagaan sa loob... Alam mo ung paiyak ka na pero pag magbiro sya uurong ung luha mo kasi nakakatawa sya. But at the same time kahit lagi nya kong inaasar there's a part of him that his gentle and he care for me. Ganun kasi si Alas. Mas macare nga lang si Kals kesa kay Alas. Hahaha." Paliwanag ko. "Bakit habang sinasabi mo ung nabubwisit ka, hindi ka mukhang bwisit, more on natutuwa ka! Umamin ka na kasi! Hahahahaha. Eh, paano naman naging si Daniel?" Sabi nya at uminum ng tubig. "Hm.. the way he treats me. The way he holds my hand pag nagdadrive sya o kaya nag uusap lang kami tas pag tinanong ko sya kung bakit nya hinahawakan ang sagot nya lang 'nothing, i just want to hold your beautiful hand.' the way he gives me more attention, the way he care for me. Actually i didn't want to compare him to Daniel kasi may mga ginagawa si Kalen na hindi ginagawa ni Daniel. Tas narerealize ko na lang un pag tapos na ng araw, pagbinabalikan ko na ung nangyari sakin tas mapapasabi na lang ako ng 'did Kalen really do that to me?' mga ganun... Iba lang ung feeling." Mahabang paliwanag ko. OA na kung OA pero sa maikling panahon na nakakasama ko si Kalen. Iba talaga ung dating nya. Ibang iba sya... Ewan ko di ko maexplain minsan naguguluhan na din ako ih... "Hm... Hindi kaya sinasabi mo lang yan kasi nakakasama mo si Sir Miggy? I mean kasi diba si Daniel naman hindi mo nakakasama nuon kasi college lang tayo. Kaya naman ung mga gusto mo sanang ginagawa dapat ni Daniel sayo nuon ginagawa ni Sir Miggy?" Komento nya sa sinabi ko. "Hindi. Ayoko nga syang icompare ih... Kasi iba si Kalen kay Daniel. Ibang iba! Mas gusto ko ung ginagawa ni Kalen kesa kay Daniel, hindi lang dahil sa nakakasama ko si Kalen. Basta pag nandyan sya, iba ung pakiramdam, i feel safe, feeling ko walang mananakit sakin kasi andyan si Kalen na poprotekta sakin... Ung feeling na i feel loved by someone... Though i also felt that way to Daniel pero kay Kalen kasi iba talaga ih... Walang effort na ginagawa pero mapapangiti ka... Natural lang syang kumilos, sa harap ng maraming tao at sa harap ko. Hahaha. Ang hirap iexplain Marky!!!" Sabi ko sa kanya at hinahampas hampas pa ung counter top. Tinignan naman ako ng nakakaloko ni Marky. At ngumisi ang loko! "Bakit kasi indenial ka pa?! Why don't you admit to yourself that you already falling to Sir Miggy! It's because of Daniel na naman ba?" Tanong nya pero umiling ako. "Natatakot ako.. paano kung ako lang pala ung nafafall? Paano kung ako lang pala ung napapaibig? Masasaktan ako. Isusure ko muna tong feelings ko bago ko ilaban. Hahahaha." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain. Okay. I admit! Sa halos isang buwan naming magkasama, Kalen never failed na iparamdam sakin how good husband he is... And si Kalen, hindi mahirap mahalin.. i also admit that Kalen itself got his own place at my heart. He's so special to me, no i will rephrase it! I love him! Kaya sya special sakin... Natatlong tao ang katumbas nya pag nawala sya... Hindi nga lang tatlo ih.. higit pa sa tatlo... Kaya alam kong hindi ko kayang mawala si Kalen. Pero natatakot pa din akong sumugal. Natatakot pa din akong aminin sa kanila.. "Bakit naman? Andito ka na din naman lubusin mo na. Hahahaha. Totoohanin nyo na ung nararamdan nyo. At ou! Pinupush na kita para naman sumaya ka!" Sabi nya at binuksan ung brownies na ginawa ko. Kahit hindi nya ko ipush! Andun na ko at sobrang saya ko. Hahahaha. Di lang nila alam. Even Kalen didn't know that he always makes me happy when his with me. "Hindi pa ba totoo tong ginagawa namin? Nakatira na kami sa iisang bahay, halos alam na din ng tao sa kompanya na asawa nya ko." Sabi ko at pumangalumbaba "Ayun naman pala ih! Edi totoohanin na ang mararamdaman. Aminin mo na kasing inlove ka na kay Sir Miggy." Sabi nya sabay kagat ng brownies. "Sarap talaga nito!" Komento naman nya dun. Nginitian ko lang sya at hindi sinagot. Ayoko! Ska na... Hindi pa eto ung panahon.. Gusto ko si Kalen muna ang umamin para hindi ako mahirapan. Hehehe Nagpatuloy lang kaming kumain ng nagring ung phone ko. Si Alas tumatawag "Yep? Why?" Bungad ko sa kanya. [Nothing. Gusto ko lang kayo kumustahin ni Marky. Hehehe. May hindi ka kinukwento ah! Hahahaha magtatampo na ko! Si Marky alam ako hindi!] Sabi nya at parang nagtatampo naman talaga Napatingin naman ako kay Marky at nagkinitbalikat lang. Sinabi nya kay Alas! Siraulo din! "Hehehe. Sasabihin ko dapat ng sabay sa inyo kaso naunahan na ni Marky, bida bida kasi ih!" Sabi ko at inirapan pa si Marky Sasabihin ko naman talaga dapat sa kanila ng sabay kaso nga lang bida bida tong si Marky minsan at gustong gusto na naasar si Alas. [Really? So sino ung asawa mo? Kilala ko ba? Mayaman o matanda na? Ano?!] Sabi nya at parang naiinis "Ahm... Kilalang tao. M.K.M. ang initial nya." Sabi ko ayokong sabihin nya na assuming ako kaya hindi ko muna sasabihin. [Takteng yan. Late na nga sinabi may puzzle pa! Sabihin na.] Nabwisit na. Hahahaha "Hahahahaha. Sorry na Ace! Punta ka na lang dito sa bahay nila Nicole. See it for yourself." Yayang sabi ni Marky Aba! Kung makapagyaya to! Akala mo bahay nya! [That will be a great idea. Sent me the address. At para na din makutusan yan babaeng kasama mo.] Sabi nya at binaba ang tawag. Di pa ko nakakaou! Hala! Tatawag pa ko kay Kals para sabihin na pupunta si Alas dito. Hayop tong si Marky! Tawa lang ng tawa ang putik! "Tawagan ko muna si Kalen. Baka magulat un may ibang tao na ulit dito. Sira ulo kasi to!" Sabi ko sa kanya at binato pa ng fries. "Sorry na ulit. Ayoko ng mahabang usapan. Hahaha. Hayaan mo syang magulat." Sabi nya at kumain ulit Ako naman dinial ung number ni Kals. Sana lang wala sya sa meeting kasi mahihirapan akong kontakin sya pag ganun.. Ilang ring lang at sinagot na. [Zie. Bakit?] Bungad nya. Ayan! Boses palang pero ung puso ko tumatalon na. Sige! Talon pa at magparty party ka dyan! "Ahm... Kals, kasi... Si Alas, ahm... Pupunta dito sa bahay... Nalaman na nya ung about satin..." Nahihiyang sabi ko. Sa mga ganitong bagay ako nahihiya kasi nga naman kahit sabihin nyang bahay namin to. Sya pa din ang bumili nito.. Nakarinig naman ako ng tawa sa kanya. Ih.. bakit tumatawa. Ang gwapo ng tawa! [Akala ko alam na nya. Anyway, okay lang. Wag ka lang nilang gagalawin sa loob ng bahay natin at malilintikan sila. Hahahaha. Kidding. But yeah. I'm fine with it.] Sabi nya at tumawa tawa pa. Sira ulo talaga to! Sa lagi syang ganyan pero mabait to! Kahit bastos ang bibig nito minsan, mabait si Kalen. Kaya alam mong mabait ang family nya ih... They really never judge others. Dun pa lang sa pakikipag usap nya kila Kuya Alex at Ate Melva. Alam mong makatao ih.. Hindi lang un. Pag napupunta kong ibang department nuon pa man at ngayon ang lagi nilang comment kay Kals, mabait at approachable.. hindi snob katulad ng iba. "Okay. I just inform you baka magulat ka dalawa na sila dito ih... Hehehe. Ano oras ka uwi?" Pag iiba ko ng topic [Hm.. maybe mga 7pm. Late na. I have dinner meeting by 6pm. Di kita masasabayan mag dinner.] Malungkot na sabi nya. Ih... Ang cute! Nakapout to! Hahahaha. Kalen!!!ang cute mo! Pinigil ko muna ung ngiti ko bago sya sinagot. "Okay lang. Sabay ko na lang sila Marky at Alas magdinner. Sige na. Baka busy ka. Bye. Ingat ka pauwi ha!" I love you... Gusto ko idagdag pero hindi pa sa ngayon... [Yeap. I will. Bye Zie. Ingat ka din dyan pag alis nung dalawa. Lock the doors ah. Alam kong secure ang subdivision pero mas maganda ng secure ka din dyan. Oh! Before i forgot, what's the name of your friend? Tatawagan ko ung security sa gate.] He said and narinig ko pang tinawag nya si Keith. "Opo. I will. Ace Benaventura. Salamat Kals. Ingat ulit. Bye." Paalam ko sa kanya. Nagpaalam na din sya at narinig ko pang pinapatawagan nya kay Keith ung security dito at ung name nga ni Alas. Pero mas may nakaagaw ng atensyon ko... [..... I love you] sabi nya at binaba na. Dahil sa narinig ko... Mas lalong bumilis ung t***k ng puso ko... Kung kanina parang nagpaparty party lang ngayon parang kasali sa olympic at kailangan nyang manalo.... Bakit naman may pag I love you, Kalen?! "Ehem.. sinabi ko na kay Ace ung address at kanina pa din nakababa ung tawag ni Sir Miggy so bakit nakangiti ka pa din dyan? Anong nangyari?" Pang aagaw ng atensyon ko ni Marky. Nakangiti ako! Bakit ba? Sinabihan ako ng i love you ni Kalen ih! Ano ba?! "Wala naman. Sinabi na din ni Kalen sa gate na may pupunta dito. Nakakotse ba un?" Tanong ko para na din susunduin ko na lang kung hindi. "Ou. Nakakotse. So bakit ka nga nakangiti?" Pag uulit nya sa tanong nya. Di talaga papatalo ang isang to. Pero hindi... Ayoko munang malaman nila. "Wala nga. Masama bang ngumiti? Intrigera ka!" Sabi ko at inirapan pa sya. "Sus! Masaya ka lang kamo na nakausap mo si Sir Miggy! Artey artey pa! Hahahaha" sabi nya at kumuha ulit ng brownies. Nakakarami na to! "Ewan ko sayo. Tirhan mo si Alas! Magmamaktol na naman un. Ay! Dito na pala kayo magdinner ah. Wala akong kasabay ih. May dinner meeting si Kalen." Sabi ko at kumain ng fries. "Hm... Okay yan!" Tango tango pa sya at kumain ulit ng brownies. Naglilihi na din ba to? Hahahaha Ilang minuto lang tumunog ung telephone sa bahay na nakaconnect sa gate. Sinagot ko un at si Alas nga nasa gate na. I just confirmed it to them and then binaba na. Inantay na lang namin si Alas na magdoorbell at ayun nga saglit lang ay andito na sya sa bahay at inuusisa na ko. Hahahaha "Paano mo naging asawa si Mr. Monticlaro? Kaya naman pala nung inaayos ko ung event dun sa Hotel Hall na pag gaganapan ng Debut nung anak ng boss ko. I just request amplifier for the both of you tapos ang sabi 'the owner itself said, we will set up a piano and amplifier for the said event so no need to worry.' at sagot na daw un ng management kaya naman pala ganun kasi asawa mo pala ung may ari!" Naiiritang sabi nya. Hahahahaha. Naiirita sya kasi si Marky alam na alam na at kilala na ni Kalen, sya din naman kilala na ni Kalen, hindi pa nga lang sila nag mimeet. "Hindi ko alam na may ganun ah... Pero kung paano ko sya naging asawa ikukwento ko para hindi ka na magalit dyan.." sabi ko sa kanya at kinuwento ko ung buong pang yayari. Simula kay mama, hanggang sa nakapasok ako ng ME, pati ung pagkakakilala namin dahil kila Kim at kung paano ko nalaman ung saming dalawa ni Kals at kung paano kami na punta dito. At kung paano ko sya minahal. Yiee! Joke lang. Hindi pa sa ngayon.. "Ay putik! Totoo?! Bakit hindi mo pa aminin na inlove ka na kay Sir Miggy?" Histerikal na sabi ni Alas. Ayan din ung comment nya nung sinabi ko na parang 3 in 1 si Kalen. Ayoko pa nga! Gusto ko sya ung una! Kulit ng mga to! Hahahaha Ngumiti lang ako tapos sila naman ni Marky pinitik ung noo ko. Ang sakit! Hayop! "Ganyan din ang sagot nya sakin kanina! Ngiti! Akala nya tanga tayo na hindi natin napapansin yang mga ngiti nyang si Sir Miggy lang ang nakakapagbigay." Iritable sabi ni Marky "Bakit kasi ayaw mo pang aminin sa sarili mo! Kahit sa sarili mo na lang!" Iritable din na sabi ni Alas "Okay! Matigil lang kayong dalawa. Inamin ko na matagal na. Kaya pwede wag na kayong mairita dyan. Ayoko lang muna sabihin ung totoo kasi paano kung ako lang pala.. kung di pa pala totoo ung nararamdaman nya? Edi iyak ang kaibigan nyong marupok." Sabi ko at kakain sana ng brownies pero kinuha ni Alas. "Allergic ka sa nuts! Baka nakakalimutan mo." Sabi nya at sinubo ung isang hiwa ng brownies. "Okay. Sige na. Atleast sa sarili mo inamin mo. Pero wag mo naman pag anatyin ng matagal... Pero wait! Ibig sabihin wala ng Daniel? Kasi may Sir Miggy na?" Paniniguradong tanong nya. "Matagal ng walang Daniel. Kasi hindi naman nya iaaccept o totoohanin tong ganto kung may Daniel pa eh. So nung una pa lang, wala na talagang Daniel. Pero wala pa din Sir Miggy, binuksan nya lang ung puso nya para papasukin si Sir Miggy at nagwagi naman si Sir Miggy dun." Sagot ni Marky See! Ang talino talaga ng dalawang to. Napagkakabitkabit nila ung story ko. Hahahaha "Yep. Wala na talagang Daniel. Sadyang si Kalen lang ata ung naging daan para mapatunayan un. At ngayon sya na ung umuukupa ng space sa puso ko. Gusto ko lang talaga masiguro na hindi ako masasaktan..." Sabi ko at dumukdok sa counter top. "Basta if you need help. Andito lang kami. One call away. Okay? Tara practice na tayo. Dito na daw tayo magdinner kasi wala syang kasama." Sabi ni Marky kay Alas at inimis na ung pinagkainan namin "Hm.. paano pala kung ganun din si Sir Miggy? Mahal ka nya pero inaantay ka lang pala nya. Edi nag aantayan kayo pareho. Pero ikaw pa din masusunod dyan." Sabi ni Alas at tinulungan na si Marky sa pagliligpit. ------------ A/N: Binalik ko na din agad. Hahahahaha. Sorry po talaga. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD