"LOSING MY BESTFRIEND
"Ah saji hati na tayo sa pagkain ko, diko kasi maubos." Nakangiting ani ni madi. Napatingin saji kay madi, may ginagawa Kasi itong later tungkol sa nagugustuhan nito. Kaya akala ni madi nagugutom ito.
"Wag na madi, may baon naman ako eh! Ubusin mo nayan." Ngumiti lang ng tipid si saji kay madi at pinagpatuloy ang ginagawa nito.
"Pero saji.. Uhmm ginagawa naman natin ito dati eh, kahit may baon ka humihingi ka o kaya naman naghahati tayo ng pagkain." Malumanay na ani madi kay saji na tinigil ang pagsusulat at tumingin ng deretso sa kanya.
"Madi naman!" May taas ng tonong anito pero kumalma din at ngumiti kay madi. "Dati pa kasi yun madi, s-saka may ginagawa din ako!" Malumanay na anito at pinagpatuloy ang pagsusulat sa liham nito.
"Ah sige. Ubusin ko nalang ito" may pagtatampong anito at yumuko para ipagpatuloy ang pagkain.
___________
Dumaan pa ang ilang taon na ganun lagi si saji. Minsan nga si Madi na mismo ang lumalayo kasi dumarami na ang kaibigan ni saji dahil sa pagka sikat nya sa school.
Habang si Madi mas pinili ang pagiging mailap sa tao na para bang gusto nalang nito mapagisa.
Habang nakayukong naglalakad papasok sa paaralan. Nakita ni saji si Madi at lumapit ito para kausapin Kasi napapansin n'yang umiiwas ito.
"Madi, sandali!" Sigaw nito sa mahinahong tono. Napatigil sa paglalakad si Madi at napaharap kay saji ng nakangiti.
"Bakit saji?" Nagtatakang tanong ni madi ng may ngiti padin sa labi nito.
"Ah madi. Umiiwas kaba sa akin?" Nagtatakang tanong nito na may halong lungkot sa tono.
"Saji medyo marami lang talaga akong ginagawa nitong mga nakaraang araw eh" mahinahong anito at umiwas ng tingin kay saji, Kasi pinipigilan nito ang pagpatak ng luha nya sa mata.
"Ano ba kasing pinag gagawa mo?" Nagtatakang aniya at tiningnan ang kabuoan ni madi. "Saka.. bakit parang pumapayat ka ata madi?" Nagaalala na nito wika at lumapit pa kay madi.
"H-hindi ah!" Kinakabahang ani ni madi at nagiwas uli ng tingin kay saji "Madami lang talaga akong paper works na tinatapos." Kalmado na nitong wika.
"Kailangan mo ba ng tulong?" Ngumiti na si saji kay madi.
"Hindi na saji, ok lang ako saka malapit nadin naman akong matapos." Ngumiti si Madi at tumalikod na kay saji. Napailing nalang si saji at hahabulin sana si Madi pero tinawag na ito ng mga bago n'yang kaibigan.
"Tara na saji, yung boyfriend mo kani kapa hinihintay sa room" ani ng classmate nito. Nagkahiwalay na Kasi sila ng klase kaya medyo nawawalan na ng oras is Saji kay madi.
"Sige sunod nako." Anito at lumingon ulet kay madi. "Madi.. una ako" sigaw nito kay madi dahil lumalayo na ito sa paningin nya.
Kumaway lang si Madi, dahil ayaw na nito makita ni saji na umiiyak sya.
Pinipigilan nito ang sunod sunod pang pagpatak ng luha dahil ayaw na nito kaawaan sya ng mga nakakasalubong nya. Hindi man lingid sa kaalaman ni saji na may dinaramdaman na sakit si Madi alam naman n'yang umiiwas si Madi sa kanya. Hinayaan nya nalang muna ito para makapag isip isip pa.
_______________
"D-doc bakit n'yo po 'ko pinapatawag?" nauutal na sabi ni Madi.
Takot si Madi tuwing biglaan siyang pinapatawag ng kan'yang Doctor, hindi niya kasi alam kung maganda ba o pangit na balita ang sasabihin sa kaniya ng kaniyang Doctor.
"Sasabihin ko na ang totoo, ilang buwan na lang ang itatagal mo. Ginawa na namin lahat ng makakaya namin, masyado lang kasing rare ang sakit mo kaya hindi namin mahanapan ng lunas."
Biglang napahagulgol si Madi, hindi niya alam ang kaniyang gagawin.
"P-pero ininom ko naman po lahat ng gamot na nireseta n'yo, lumayo na rin po ako sa pulosyon at kumakain din po 'ko ng masusustansyang pagkain. B-bakit po—" hindi na natapos ni Madi ang kan'yang sinabi dahil sa sobrang pag iyak.
"L-labas na po ako."
_______________
Nakalipas ng ilang buwan sobrang laki na ang ipinayat at ikinaputla ni Madi, kung tutuusin hindi na s'ya makilala sa itsura niya ngayon. Hinang- hina na rin siya, lahat ng mga pangarap niya sa buhay ay hindi niya na magagawa.
"Ma.. p-patawag naman p-po si Saji." nanghihinang sabi ni Madi. Kaya agad naman tinawagan ng kaniyang nanay si Saji.
"Saji anak, pwede ka bang pumunta rito sa'min? Gusto kasi ni Madi na pumuta ka rito."
"?-???? ???? ???? ??? ?????? ?, ?????? ?? ?? ???? ???? ??? ???????? ?? ??? ?????? ?? ???? ?? ???????." ani ni Saji sa kabilang linya at pinatay na ang tawag.
"Hello Saji? Anak busy daw si Saji ngayon, hindi raw s'ya makakapunta kasi nag gagawa ng project." malungkot na sabi ng nanay ni Madi.
"Okay lang Ma, sanay na 'ko sa kan'ya." sabi niya habang pilit ang ngiti.
Iisa lang talaga ang hinihiling ni Madi, ito ay makasama si Saji sa huli niyang paghinga.
_____________
"Hello nakita n'yo ba si Madi? Hindi ko na kasi siya nakikitang pumapasok." tanong ni Saji sa mga kaklase ni Madi.
"H-ha? Hindi ba ikaw ang matalik niyang kaibigan?" nag tatakang tanong ng mga kaklase ni Madi.
"Oo, bakit? Nand'yan ba siya?"
"W-wala na si Madi dahil sa sakit niya." naiiyak na sabi ng kaniyang kaklase, kaya napaiyak si Saji
"H-hindi wag kayong mag bibiro lamang kayo" nauutal niyang sabi. Agad na pumunta si Saji sa bahay ni Madi, nakita niya na napakaraming tao sa bahay nila Madi.
Pumasok agad siya sa loob ng bahay nila Madi at nakita ang kabaong na pinaglalagyan ni Madi.
"M-madi bakit hindi—" hindi niya na natuloy dahil napahagulgol na siya.
"Saji iha buti nakapunta ka." malungkot na ani ng nanay ni Madi.
Napayakap si Saji sa nanay ni Madi sa sobrang pag iyak.
"T-tita bakit naman hindi niyo sinabi sakin." sabi ni Saji habang pinipigilan ang pag iyak.
"Ayaw ni Madi na ipaalam sayo dahil baka mag alala ka lang daw sa kan'ya, alam mo naman 'yang batang 'yan laging inuuna ang iba." ani ng nanay ni Madi habang pinapatahan si Saji.
"Tita sana pala lagi ko na lang siyang sinamahan, sana hindi ko siya iniiwang mag isa, sana hindi totoo 'to." naiiyak parin niyang sabi.
"May ipinabibigay nga pala si Madi sayo, nasa laptop niya hanapin mo na lang yung folder na nakapangalan sayo." tumango si Saji at pumunta sa kwarto ng kaniyang kaibigan. Kinuha niya ang laptop at pinanood ang videong nakalagay sa folder na nakapangalan sa kanya.
"Hii Saji, siguro kung napapanood mo 'to wala na ako sa mundo. Mag iingat ka lagi diyan ha, paramihin mo lalo ang mga kaibigan mo at mag hanap ka ng bagong best friend mo na makakasama mo sa pagtanda. Sorry kung iniwasan kita, sorry din kasi hindi ko sinabi sayo ang kundisyon ko. Ayoko lang kasi na maka abala sayo at ayoko rin na mag alala ka sa'kin. Tuparin mo ang pangarap natin na maging Flight Attendant ha,syempre ikwento mo 'ko sa mga anak mo. Pag hindi mo ginawa mag tatampo ako sayo nan. Mahal na mahal kita, sana maging masaya ka." napaiyak muli si Saji sa napanood niya.
"Apaka duga mo Mads, bakit naman ganito? Sana naman inisip mo rin ang sarili mo, s-sorry 'kung wala ako sa tabi mo lagi. Wag kang mag alala tutuparin ko ang mga sinabi mo, kung nasaan ka 'man sana masaya ka. Ingatan mo parin ang sarili mo d'yan, ikaw na bahala sa'kin ha. Mahal na mahal kita Madi, sorry sa lahat. S-salamat pala sa pag intindi mo sa'kin" niyakap ni Saji ang laptop habang umiiyak.