Rachel’s POV “Leahbel is having an affair with her bodyguard?” sunod-sunod akong tumango sa tanong ni Harrison. Ang asawa naman niya ay nagsisimula nang maiyak sa galit. “Paano mo nakuha ang mga ito,” gigil pang tanong ng mommy ni Zendie. “Hindi na mahalaga iyon. Ang importante ay nalaman ni’yo na ang lahat. Habang pinakikinabangan ng pamilya niya ang pera at impluwensiya ni’yo, si Leahbel naman ay iniiputan sa ulo ang anak ni’yo!” pagbibigay-diin ko. “Hindi puwedeng basta-basta na lang kaming maniniwala sa mga ito. Mabuting babae si Leahbel at–” “That’s up to you, Mr. and Mrs. Aragon. I just came here to inform you of something very important. Kung hindi kayo naniniwala sa akin, wala rin namang mawawala sa akin,” tumayo na ako at tumalikod pero muling nagsalita si Harrison. “We will

