Nanlalamig ang mga kamay at paa ko habang nakaharap kami sa hapag kainan. Hindi rin ako masiyadong makagalaw dahil nasa tabi ko si Zendie. Laman pa rin ng isip ko ang mga sinabi ni Ram kanina. Ano’ng ibig niyang sabihin doon? “So, Leahbel, when will your OJT start?” Bakit naman niya sasabihin iyon? Tapos hinalikan pa niya ako kanina? Parang ni hindi man lang nga siya kabahan kanina na maaaring may makakakita sa amin. “Leahbel, hija,” Paano kung totohanin niya ang banta niya? Kahit naman wala talaga akong balak na maging intimate kami ni Zendie natatakot pa rin ako sa banta ni Ram. Sobrang seryoso niya kaninang sinasabi niya iyon. “Leahbel!” Napasinghap ako sa gulat nang malakas ang boses akong tawagin ni daddy. Wala sa sariling napatingin ako nang gulat na gulat sa kaniya. “B-bakit

