Leahbel’s POV “Bel, ano sasama ka ba sa amin mag-lunch o sasabay ka kay Zendie?” umiling ako sa tanong ni Pony. Nagkasundo kami ni Raiza na sabay magtatanghalian ngayon. “May pupuntahan ako. Tutal alas-tres pa naman iyong susunod na klase natin,” sagot ko. “O, sige mauna na kami,” paalam naman ni Cella. Kumaway at tumango na lamang ako sa kanila saka naglakad papunta sa kotse ko. Nakaparada iyon sa dating puwesto, pero hindi gaya ng dati na nakatayo si Ram sa labas at hinihintay ako. Tatlong araw nang hindi kami nag-iimikan. Halos hindi nga rin kami nag-uusap dahil si Zendie naman ang sumusundo at naghahatid sa akin kaya wala ring time mag-usap. Ewan ko sa sarili ko pero pakiramdam ko, talaga nami-miss ko siya. Iyong mga pagbati niyang masaya sa akin sa umaga, iyong pagtawag niya sa

