“Bad mood ka yata?” pansin sa akin ni Ram pagsakay ko ng kotse. Malungkot ko siyang nilingon at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. “f**k! What’s wrong? Bakit bigla ka na lang umiiyak?” natataranta niyang tanong. Pero hindi muna ako sumagot at hinayaan lang ang sariling umiyak. Hindi ako makaiyak kanina kasi nahihiya ako sa mga ibang tao sa opisina. “Napagalitan lang kasi ako kanina. Kasalanan ko rin naman,” parang tunog-ngongo na iyong pagkakasabi ko dahil nga sa pag-iyak ko. “Bakit? Ano’ng dahilan?” usisa pa niya. Inayos niya ang mga hibla ng buhok na tumakip sa mukha ko at inipit sa likod ng tainga ko. “Nahuli kasi kami ni Erlyn na nagkukuwentuhan sa oras ng trabaho,” nakangusong sabi ko. Kumunot naman ang noo niya at halatang hindi nagustuhan ang sagot ko. “Para iyon lang?” ser

