Nang ganap na kaming makaupo ay inilagay ko muna sa gilid ng lamesa ang bouquet na hawak ko. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa kaligayahang hindi ko maipaliwanag. “Did you like my surprise?” tanong pa niya sa akin at tinanggal na ang takip ng mga pagkain. Naluluha akong tumango habang malapad na nakangiti. “Thanks for this. Alam mo kung hindi lang kita kilala, iisipin kong hindi ka naman talaga bodyguard. Saan mo ba natutuhan ang mga ganitong paandar at masiyado ka yatang magastos? Mamaya niyan naubos mo na lahat ng pera mo dahil sa akin,” tumawa siya sa sinabi ko. Pagkatapos ay kinuha ang isang kamay ko at hinalikan ang kamao ko habang nakatitig sa akin. Iyong uri ng titig na kahit sinong babae ay mahuhulog talaga. Bumilis tuloy ang pintig ng puso ko. “Malay mo, anak pala ako ng

