“Agreement? What kind of agreement?” Sumimsim ako ng kape ko at kumagat sa cookies na dinampot ko sa platito. Kumunot naman lalo ang noo ni mommy at alam kong naiinip na siya. “Leahbel, I’m asking you!” she’s furious now. “Pumayag akong maging assistant ni Ram sa kumpanya niya. Sabi din niya ay may chance na ma-promote ako kapag maganda ang performa–” “What?” napatayo si mommy at halos mahampas na ang ibabaw ng lamesa, “Bakit ka pumayag? Alam mo bang puwedeng trap lang iyon at ikaw naman ang paghigantihan nila? Terminate that agreement right away!” galit niyang utos pero malungkot akong umiling. “I already signed the contract, mom,” halos pabulong na lang ang pagkakasabi ko niyon. Malakas siyang suminghap at nanghihinang bumalik sa kinauupaun niya. Muli akong uminom sa kape ko hangga

