“Ano naman kung hindi mo siya gusto. Ako naman ang jojowain niya, hindi ikaw,” inis kong sagot. “Ginagalit mo ba talaga ako, Leahbel?” napabuntong-hininga ako at pakiramdam ko, matutuyuan na ako ng dugo sa lalaking ito. “Ano po bang ikinagagalit ni’yo, sir? Huwag po kayong mag-alala, mabuting tao si Vincent. Maginoo, maalaga, mapagmahal siya. Maliban diyan, nirerespeto niya ako. Kaya kung magkakaroon ulit ako ng boyfriend, siguradong siya ang pipiliin ko,” kahit pakiramdam ko’y hindi naman kailangan, sinabi ko pa rin sa kaniya. Sana ay tigilan na niya ako kasi naiirita na ako sa pakikialam niya sa personal kong buhay. “Your father will be released tomorrow,” biglang sabi niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. Hindi siya nakapagsalita kaninang sinabi ko ang sagot ko sa tanong niya. N

