“Ang ganda naman dito!” bulalas ko nang makapasok kami sa isang restaurant. Pinoy na pinoy ang theme ng buong lugar. Nakasuot ng mga traditional na mga ethnic na damit iyong mga crew at itong buong resto ay may mga dekorasyon na lahat ay tungkol sa Pilipinas tulad ng mga paintings at display ng mga pambansang simbolo, gaya ng jeep, kalabaw at iba pa. “Lahat ng specialty ng bawat probinsiya ay mayroon dito. Tapos kita mo naman ang ambiance, pinoy na pinoy talaga!” sabi pa niya kaya tinanguan ko siya bilang pagsang-ayon. “And look! May kumakanta at sumasayaw pa ng mga folksongs natin,” excited kong bulalas. Maging siya ay maluwang din ang ngiti. Sobrang nakaka-good vibes ang buong lugar na ito. Nang lumapit sa amin nag isang crew ay ibinigay na namin ang mga orders namin na mula sa Menu.

