“Good morning, sir!” I stuttered a bit because I was nervous. Madilim ang awra niya pero nang tumingin sa akin ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “Ano’ng ginagawa mo?” mas mababa na ang boses niya nang magtanong. “Ina-arrange ko na po iyong mga files gaya ng instructions ni’yo,” hindi siya nag-aalis ng titig sa mukha ko. “Bakit ganiyan ang hitsura mo? Hindi ka ba natulog? Bakit namamaga ang mga mata mo?” bahagya man akong nagulat sa tanong niya ay napayuko ako. “I’m sorry, sir. Bakit ni’yo po ako tinatawag?” pag-iiba ko sa usapan. Ayaw kong pag-usapan ang sarili ko. “Dalhin mo rito iyong folder na may markang WGFTG. Nasa bandang gitna iyon,” utos niya. Tumango ako at mabilis na pinuntahan ang sinasabi niya. Ngunit kanina pa ako rito ay hindi ko makita ang sinasabi niya.

