“Ram… Ram please help me. I’m stuck!” mabilis kong sabi. “What? What do you mean you’re stuck?” “Who is that, Ram?” narinig ko pa ang boses ni Ma’am Lalaine sa background. So magkasama sila. Gusto ko na sanang patayin ang tawag pero desperado na rin akong makaalis dito. “Leahbel! Speak!” napapitlag ako nang pasinghal na muling magsalita si Ram. “Nandito pa rin ako sa elevator kaya–” s**t! Namatay na ang phone ko. Damn it! Narinig kaya niya iyong sinabi ko? Ayaw kong lalong mag-panic kaya ilang beses akong nag-breathing exercise. Naupo ako at pilit na pinakakalma ang sarili. Kasabay ng kaba ko ay ang kirot sa puso ko. Nakatira na ba sila sa iisang bubong kaya magkasama sila kahit sa ganitong oras na? Nakakahiya. Baka makaabala pa ako sa kanila. Ano bang nangyari kina Raiza at Amanda?

