“Ibig bang sabihin niyan, puwedeng-puwede na akong manligaw sa iyo?” Natigagal ako at biglang hindi nakaimik. Bakit nga ba gano’n kasi iyong sinabi ko? Nakakahiya talaga! “Tara na. Kailangan ko nang magbihis!” pag-iiba ko sa usapan, pero hindi siya tuminag. “Okay. I will just resign,” “Ramvince!” He only chuckled at me and started driving again. He was smiling the whole time and was even humming. “Parang timang!” bulong ko. “I heard that! Timang lang para sa iyo,” banat pa niya pero inirapan ko lang siya. Sa loob-loob ko, gusto kong ngumiti at matawa sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili. May nakita kaming isang maganda at disenteng hotel. Ako lang ang pumasok dahil inutusan ko siyang bilihan ako ng damit na pamalit. Hindi ako puwedeng umuwi nang ganito ang ayos dahil baka atak

