Nang sumunod na mga araw ay medyo awkward iyong pakiramdam ko kapag magkasama kami ni Ram. Hindi rin niya kasi ako masiyadong kinakausap kung hindi rin naman mahalaga. Araw-araw niya akong binibigyan ng bulaklak at chocolates pero malungkot ang mga mata niya. Madalas din ay dinadalhan niya ako ng miryenda o kaya ay prutas kapag alam niyang wala akong klase. “Alam mo, Leahbel, kung hindi ko lang alam na super-sungit iyang poging bodyguard mo iisipin kong may gusto sa iyo iyon, eh,” nahinto ako sa pagsusulat nang marinig nag komento ni Pony. Napatingin ako sa kaniya at maging sina Cella at Erlyn ay natuon din ang atensiyon sa kaniya. “Paano mo naman nasabi?” naisipan kong tanungin. Saglit na tila nag-iisip ito pagkatapos ay nagkibit-balikat. “Iyong uri ng tingin niya sa iyo lalo na kapag

