CHAPTER 19

1001 Words
REJI POV Sabi na eh, napaka daling mauto ng babaeng ito. Sa isang pagsisinungaling ko lamang ay naniniwala na siya kaagad sa akin. Ang totoo, si Jessy ang nagchachat at gusto niyang magkita kami mamayang hapon sa bahay nila kasi wala raw ang family niya doon at umalis sila. Alam ko naman na gusto niyang magpa b*****g sa akin kaya nasasabik siyang magkita kami. Ngunit nagsinungaling ako sa kanya at sinabi ko na may lakad kami ng Stepdad ko kaya malabong magkita kami. Pero pinangako ko sa kanya na magkikita kami bukas sa mall para makapag date kami at babawi ako sa kanya. Medyo may topak pa nga siya at naka caps lock ang chat niya na para ba siyang galit. Parati naman siyang ganito kapag may gusto siya na hindi ko pinagbibigyan. Ngunit ako pa ba? Alam na alam ko kung paano gagamutin ang topak ng gf ko. Basta babawi na lang ako sa performance sa kama para mawala ang topak niya. Subalit sa ngayon ay si Lira muna ang paglalalaan ko ng oras. Kaylangan na mapapayag ko na siya sa gusto ko dahil gusto ko nang mag break kaming dalawa. Nag labas ako ng five hundred kasi ayaw ko na sagutin ni Lira ang kakainin namin. Ito na rin marahil ang huling beses na magde date kami bago ako tuluyang maglaho sa buhay niya. "Yan, idagdag mo, ambag ko na yan sa date natin Lira. Baka kasi sabihin mo na wala akong ambag. Ayaw ko na sasagutin mo ang lahatsa date natin. Dapat nga ako ang sasagot kasi ako ang lalaki sa relasyon natin. Baka ipagkalat mo na kuripot ako sa school hehe!" Napatitig siya ng seryoso sa sinabi ko sa kanya at binalik niya sa akin ang limang daam na binigay ko. "Ano ka ba Reji? Wag na! You don't need to do that okay? Ako na ang bahala, may ipon pa ako. Gamitin mo yan para makapag apply ka ng work. Kaya kong sagutin yung pagkain natin dito at reward ko na rin ito sayo sapagkat makaka graduate ka na rin sa wakas. You just prove to those people na minamaliit ka na kaya mo rin makapasa sa school." Bahala na siya! Hindi ko na siya pipilitin kung ayaw niyang tanggapin ang pera na binibigay ko. Sakto rin at may gagamitin na akong pera para makapag check in na kami ni Jessy sa motel bukas pagkatapos ng date namin. "Thank you Lira! Syempre ikaw ang dahilan kung bakit ako nakapasa sa school kaya gusto mo bang bigyan kita ng award?" Nag iinit na ang tingin ko sa kanya. Kating kati na na ako na kuhain ang inaasam asam kong virginity ng babaeng ito. Bakit pa kasi masyado siyang nagpapakipot sa akin? Napaka maselan niya gayong hindi naman siya kagandahan at tsaka mahihirapan siyang makahanap ng papatol sa kanya. "Award? Uy babe! Wag mo na akong bigyan ng kahit na ano pa. As long as magpaka bait na boyfriend ka ay wala na akong problema. And hoping na maging legal na tayo. I don't wish anything more aside from this. Parehas na tayong adults and we are now going to see the world differently. Marami pa tayong mga pagdadaanan as partner for sure ngunit magpaka tatag tayo at wag magpapa dala sa kahit na ano mang tukso!" Naiirita ako sa mga sinasabi niya. Gusto ko ngang takpan ang mga tenga ko habang siya ay nagsasalita. Hindi ko na rin talaga kaya na tagalan ang pakikisama ko sa kanya. Buti pa si Jessy, puro din kalibugan ang mga pinag uusapan namin at magaling pang mag joke kaya nga nakaka adik din siyang kasama. Ganyan ang gusto ko at hindi makalumang tao katulad nitong si Lira. Masyadong righteous na tayo kaya hindi na ako magtataka na isang araw ay mabalitaan ko na lamang na naging Madre na ang babaeng ito. Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. "Pangako ko sayo na hindi kita iiwan. Magpapakabait ako sayo kahit na maraming mga babae ang lumalandi sa paligid ko. Wala akong pakialam sa kanila kasi wala silang sinabi sa Ganda ng girlfriend ko na matalino pa!" Kilig na kilig si Lira sa pambobola na ginawa ko sa kanya. Ganito nga, sana ay tuluyan na siyang magpaikot sa akin para makuha ko na ang bukod tanging habol ko sa kanya. Marahil ay totoo nga rin ang sinasabi nila na ang mga matatalinong babae ay bobo pagdating sa pag ibig. "Sige pang hahawakan ko ang sinasabi mo para kung saka sakali man na dumating yung time na lolokohin mo ako ay ipapaalala ko sayo ang mga sinabi mo ngayon sa akin!" Napangisi ako kasi magkakatotoo ang sinasabi niya. Pero bahala na siya, sabihin na niya ang nais niyang sabihin ngunit wala na siyang magagawa pa. Hindi na niya mapipilit ang isang tao na manatili sa isang pekeng relasyon. Nag order na siya ng pagkain at tahimik kaming kumain. Kitang kita ko yung saya sa mukha ni Lira. At panay nga ang titig niya sa bawat sandali. At nang matapos niyang kumain ay mas naging titig pa siya sa akin at ayaw na akong pakawalan pa ng kanyang mga mata. "Baka matunaw ako niyan sa titig mo, Lira!" "Alam mo Reji, sa totoo lang at wag sanang lumaki ang ulo mo subalit until today and this very moment, I still can't believe na ako ang babaeng pinatulan mo sa school sa dami ng mga babaeng mas maganda at sexy na nagkakandarapa sayo." "Hahaha! Eh kasi kakaiba yung ganda mo sa kanilang lahat. Ika nga nila, yang mukha mo ang tinatawag na bukod tangi sa lahat. Kaya mas marami mang mas maganda sayo ngunit wala silang sinabi sayo na mas malakas ang dating. Mamaya pala wag muna tayong umuwi kasi may pupuntahan pa tayong lugar!" Nagpapa hapyaw na ako dahil gusto ko na siyang i-motel. Hindi ko na kaya pang pigilan ang libog na nararamdaman ko para sa kanya. "Pupuntahan? At saan naman tayo pupunta babe?" Inabot ko ang kanyang kamay at ngumiti sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD