LIRA POV
Kinakabahan na ako sa sinasabi ng boyfriend ko but I am also excited at kilig toda max ng hawakan niya ang kamay ko. Who knows kung dalhin niya ako ulit sa isang park na puno ng flowers like the last time? Ang ganda pa naman magpunta sa ganoong lugar.
Dream place ko rin kasi talaga ang baguio kahit noon pa. At gustong gusto ko ngang dalhin ang family ko doon pero hindi sapat ang pera namin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Basta babe! Di ba kahit saan ako pupunta ay sasama ka sa akin?"
"As long as magandang lugar ang pupuntahan natin!"
"Basta ako ang bahala sayo. Alis na tayo kaagad, I am so sure na magugustuhan mo yung lugar na pupuntahan natin pramis!"
Ang tamis na naman ng kanyang mga ngiti ngunit busog pa ako at nahihirapan maglakad.
"Pwede ba mamaya muna konti? I just need to take a rest hehe!"
"Sige! Walang problema, basta magtiwala ka sa akin okay? Pangako ko say na mage enjoy ka sa lugar na pupuntahan natin babe!"
Hinigpitan niya pa nga ang hawak niya sa kamay ko. s**t! I do not want him to let go of my hand. Gusto ko na magka holding hands muna kami.
"Babe, siya nga pala, may need pa akong bilhin mamaya. May nakita kasi akong make up na nais kong bilhin para kapag graduation ay may magamit ako."
"Ha? Di ba kasama na yan sa babayaran natin?"
"Eh gusto ko kasi yun bilhin. Saglit lang ito pramis ko sayo! And then pupunta na tayo doon sa lugar na nais mong puntahan natin hehe!"
"Sige! Ayaw mo bang ako na ang mag bigay sayo ng pera pambili?"
Aba! Ano kaya ang meron dito sa boyfriend ko at parang super bait niya at handa siyang ilibre ako? Alam ko na! Malaki yung pera na binigay ng stepdad niya sa kanya that is why!
"Sana all ay may mayamang stepdad na galante magbigay sayo haha!"
"Ano? Hindi, ipon ko rin ito kahit papaano at syempre gusto ko rin na gumastos sa date natin. Ikaw kasi, ayaw mong gumastos ako kaya natatapakan tuloy ang pride ko!"
Dinadaan niya pa ako sa tawa ngunit alam ko na seryoso siya sa pagsasalita niya.
"Ano ba babe? Wag mo na yan isipin pa please! Kita mo, it does not really matter kung ako ang gagastos dito sa date natin. Basta like what I said sayo kanina, maging mabuting boyfriend ka lang sa akin, that is more than enough. Ako na yung bahala rito sa bills natin!"
Sabihin man nila na tanga ako or isang dakilang uto uto ngunit mahal ko si Reji at ayos na sa akin ang ganitong set up. Those people na labis akong hinuhusgahan, they will never understand me kasi hindi pa siguro nila nararanasan na magmahal.
Ang sarap kaya nito sa feeling. Malaking tulong din nitong si Reji sa akin kasi nang dahil sa kanya ay nagkaroon ako ng inspirasyon sa pag aaral ko. Kahit na ang sakit sa ulo ng mga review sa exams, I feel so inspired by him at may mga pictures pa nga kami together doon sa kwarto ko na sa tuwting tinitingnan ko ay napapangiti ako.
"Pero syempre hindi palaging ganoon babe. Baka kasi kapag halimbawa na nag away tayo ay isumbat mo ito sa akin!"
Hindi ko batid kung bakit may sumaging ganito sa utak niya.
"What are you talking about? Never ko yan gagawin sayo, bakit kita susumbatan sa mga bagay na bukal sa loob ko? Masyado ka na yatang paranoid. Sa tingin mo ba ay gagawin ko yun?"
"I am sorry babe!" sambit niya, binitawan na niya ang kamay ko, "Siya nga pala, pwede tayong mag gala hanggang gabi ngayong araw."
In as much as I'd like na makasama ang boyfriend ko sa loob pa ng mahabang oras ay need kong umuwi before 8 pm kasi baka mapagalitan na ako ng parents ko.
"Before 8 sana ay makauwi na tayo. Magagalit na ang parents ko kasi bawal pa rin akong umuwi ng gabi. I am sorry babe!"
"Hahaha! Bakit may curfew ka pa rin? Ga graduate na tayo tapos ganyan pa rin?"
"Ano ka ba? Syempre kahit na naka graduate na ako ay hindi pa rin matatapos ang pagiging parents nila at tsaka sa bahay pa rin nila ako nakatira. Babae pa ako so nag aalala sila sa dami ng mga masasamang loob sa labas ng bahay namin."
"Okay fine! Uuwi tayo ng mas maaga pero tara na babe. Sure akong magugustuhan mo yung lugar na pupuntahan natin mamaya!"
Super excited na talaga ako na mapuntahan yung sinasabi niyang lugar. Sana nga para makapag create pa kami ng maraming memories together before kaming maka graduate. Uuwi na naman ako nitong may kilig mamaya at magiging maganda ang tulog ko.
After this ay pumunta na kami ng boyfriend ko doon sa store kung saan nakita ko yung make up na gusto ko at naka sale pa. This time pa nga ay pinilit niya na siya na raw ang magbabayad so pumayag na ako.
And after that ay nagtaxi pa kami at papunta kami sa Makati Avenue. Nagtataka nga ako kung bakit dito kami pupunta kaya napatanong ako sa kanya kasi puro malalaking building ang nasa lugar na ito.
"Babe, bakit sa Makati tayo pupunta?"
"Kasi may magandang park doon babe! Basta ako ang bahala sayo mamaya, sure akong enjoy ka. Wala kang dapat na ikatakot pa okay?"
He started kissing me again kahit na nandito pa kami sa loob ng taxi. Hinawakan niya pa nga ang legs ko. Ito yung pangalawang pagkakataon na ginawa niya ito. Nahihiya ako sa driver ng taxi kasi baka kung ano ang isipin niya sa amin ngunit ang hirap din pakawalan ng labi ng boyfriend ko na ang tindi ng pagkakadikit sa labi ko. Ang swabe niya talagang humalik pero nararamdaman ko na nag iinit na siya. And it brings me back doon sa time na kinukulit niya ako na may mangyari sa aming dalawa sa condo nila.