Graciella's Point of View: " Bakit? Bakit mo nagawa sa akin ang bagay na ito, Samuel? " pagsisimula ko. Inisip ko ang lahat ng nangyari sa aming dalawa ni Jordan, kaya agad na lumabas ang luha sa aking mga mata. " Ipinaglaban kita sa aking mga magulang. Alam mong hindi sila payag na ikaw ang pinakasalan ko, pero pinili kita! Kinausap ko ang aking mga magulang para lang tanggapin ka nila, pero bakit? Bakit ganito ang ginaganti mo sa akin?! " Napatingin ako kay Jordan. Alam ko sa aking sarili na ang piece na uto ay oara sa kanya. Hindi ko lang alam kung matatamaan siya sa bawat salita na bibitawan ko. " Naaalala mo pa ba noong una tayong magkita? " Pinunas ko ang aking mga luha na nagmumula sa aking mga mata. " Hindi ba, ikaw ang unang lumapit sa akin? Noong una, hindi ako nani

