Graciella' Point of View: " Breakdmfast muna tayo bago ka pumasok sa trabaho, " anyaya ko kay Ceres nang makababa siya mula sa kanyang kwarto. Tinignan niya lang ako kaya nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang kanyang braso para dalhin siya sa dining table. " Nagluto ako para sa atin, " sabi ko kanya habang naglalakad kaming dalawa. Hindi naman siya tumutol at nagpaagos siya sa paghila ko. Nang makaupo kaming dalawa sa garap ng aming agahan, pinagsilbihan ko siya. " Kahapon ka pa ganyan, Graciella, " sabi noya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. " Kung binabalak mong landiin ako, ngayon pa lang ay tumigil ka na, " may diin sniyang sambit. " Landiin talaga? Hindi ba pwedeng nakaisip lang ako ng paraan para kahit kaunti ay mabayaran ko ang tulong mo sa akin? " sagot ko sa tanon

