Graciella's Point of View: " Okay ka lang po ba, Ma'am? " biglangvtanong ni Vince sa akin habang tinatanggal namin ang ilang saplot ni Ceres. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko naman itinatanggi na maganda talaga ang katawan ni Ceres, halata na alaga ito sa gym, hindi napapabayaan, at ang maputi at makinis nitong balat ay dumagdag pa! " Okay lang naman ako, " sagot ko sa kanya. " Bakit po nanginginig ang mga kamay ninyo? " tanong pa niya. Mabilis akong napalayo kay Ceres dahil sa sinabi ni Vince sa akin. Bakit nga ba nangingunig ang mga kamay ko? " Okay lang ba talaga kayo, Ma'am? " pag-uulit ni Vince na tanong sa akin. " Oo. Ah, eh..Kukunin ko lang iyong pinahanda ko, " sagot ko na langa t mabilis na lumabas ng kwarto ni Ceres. Nang makalabas ako, napapikit ako ng aking mga

