Graciella's Point of View: " Kung nakita mo lang ang mukha ni Jordan kanina! Halatang naapektuhan siya sa pag-arte ko! " hindi ko maiwasang makapagkwento kay Ceres habang kumakain kami ng hapunan. Maaga siyang umuwi kanina. Hindi na ako nakapagtanong kung bakit maaga na siyang umuuwi dahil ako ang nagluluto ng hapunan namin simula noong gabing natulog siya sa kwarto ko. " Iyong mga mata niya, literal talaga na lumaki habang sinasabit ko ang mga salita! " dagdag ko pa. " Mag-ingat ka rin, at baka makahalata siya na ikaw si Graciella, " sabi ni Ceres sa akin. " Hindi naman siguro, kasi may pinag-iba na naman ang mukha ko, " sagot ko. " Hindi natin alam, Graciella, kahit na pinabago mo ng kaunti ang mukha mo, may makakamukha pa rin sa iyo. " Dahil sa sinabi niya, naaalala ko an

