CHAPTER FORTY-FIVE Be with you HINAPLOS ko ang pikit na mga mata ni Dmitri. Sa tulong ng bodyguard ay naipanhik ko siya sa kwarto naming dalawa nang makatulog siya kanina sa sala. Natigilan ako nang maalala ang huling mga salitang sinabi niya sa akin. He confessed. He still loves me. I should be happy knowing that he’s still in love with me. Dahil tulad niya ay hindi ko rin kailanman naturuan ang sarili kong huwag siyang mahalin. Pero sa puso ko ay may sumisilay na pangamba at lungkot. Dahil isa ako sa mga taong nanakit sa kanya. Sinukuan ko siya at higit sa lahat nagawa ko pang itago sa kanya si Dionne. “What did I do to deserve you?” bulong ko at mula sa mga mata ay hinaplos ko ang pisngi niya. Mapait akong ngumiti at napailing. “Nothing…I don’t deserve your love, Dmitri.

