CHAPTER FORTY-SIX Promise DAHAN-dahan kong hinaplos ang lapida ni Ate Ysabelle at sa pag-ihip ng malakas na hangin ipinikit ko ang mga mata iniisip na niyayakap ako ni Ate. “Do you want us to leave you alone?” tanong ni Dmitri na karga-karga si Dionne. Umiling ako. “No, please stay. Did you know that this is the first time I visited her?” “Yes. Your dad told me that’s why I brought you here because I know she’s waiting for you. Your name is the last word she uttered before she died.” Sa sinabi ni Dmitri ay mas lalong sumikip ang puso ko’t nangilid ang mga luha ko. Naramdaman ko na lang ang pag-akbay niya sa akin na ginaya na pala ang pwesto ko at naupo rin sa marmol na sahig. “Hindi ko ginustong mawala sa huling hininga ng buhay niya Dmitri, gustong-gusto ko siyang mayakap at madama

