CHAPTER THIRTY TWO PART ONE Bargain I FELT my knees weakened when I arrived on the top floor of DLZ. Okupado ni Dmitri De Luca ang buong top floor sa pagkakaalam ko. Tahimik ang lugar paglabas ko mula sa elevator. Malalim akong bumuntonghininga bago itinulak ang glass door at dumiretso papasok. Sinalubong ako ng secretary niya at nakangiting iminuwestra sa akin ang isa pang pinto sa loob. “Sir De Luca is waiting for you, Ma’am. You can come inside.” Pilit na ngiti lang ang naisukli ko sa kanya at dumiretso na sa kwartong tinuturo niya. Natigilan ako sa pagpasok nang sumalubong sa akin ang mababangong aroma ng mga pagkaing nakahatag sa mahabang center table sa loob. Napahawak ako sa tiyan ko nang makaramdam ng pagkalam ng sikmura. Napunta ang tingin ko kay Dmitri na mukhang hindi nam

