CHAPTER THIRTY ONE Exit Interview KALALABAS ko lang ng banyo mula sa tila walang katapusang pagsusuka tuwing umaga nang sunod-sunod na katok ang narinig ko sa kwartong palagi ko nang nila-lock. I even asked Manang to hide the keys of my room. Pagbukas ko ay napangiti ako nang tulad kahapon ay bumungad sa akin si Ramsey na hawak ang ginger tea na umuusok pa. “Wala ka bang pasok?” tanong ko sa kanya dahil alam ko namang busy rin siya sa internship niya pero sa mga nakalipas na araw ay nagtataka kong palagi siyang nasa bahay. Dumiretso siya sa table ko at inilapag doon ang tea kasama ang crackers na ayon sa kanila ni Manang ay makatutulong sa paglilihi ko. “I’m on leave.” Napailing ako sa sinabi niya. “What do you mean by that, Ram? You’re an intern, anong leave pinagsasabi mo?” kun

