CHAPTER THIRTY-SEVEN: ••• ••• PAGBALIK ko sa command center, agad kong binuksan ang system. Ipinakita ko ang huling footage ng park sa malaking monitor, paulit-ulit na pinapanood ang video ng lalaking iyon. May kung anong hindi ko maipaliwanag sa kanya—hindi ko siya makilala, pero para bang may bahagi sa akin na nagsasabing hindi siya isang estranghero. Habang ini-scan ko ang bawat frame ng video, naramdaman kong unti-unting bumibilis ang t***k ng puso ko. Tumigil ang cursor ko sa eksenang bahagya siyang tumingin sa direksyon ko. Isang simpleng sulyap, mabilis, pero puno ng intensyon. Parang sinasabi ng tingin niya na may alam siya tungkol sa akin—o tungkol sa isang bagay na hindi ko pa alam. Napahinga ako nang malalim at sinimulang i-enhance ang video gamit ang mga advanced na tool.

