CHAPTER FOURTY: ••• ••• SINUNDAN ko pa rin ang babae gamit ang mga CCTV cameras, pero hindi pa rin mawala ang kaba ko. Sa bawat galaw niya, parang may bagay akong hindi maipaliwanag. Anong ginagawa niya sa lugar na ito? Bakit siya nagpakita kay Aphrodite? At ano ang layunin niya? Pagkatapos niyang huminto sa alley, tumayo siya sa isang sulok at tila may hinihintay. Hindi siya gumagalaw, pero halata sa postura niya na alerto siya. Pinanood ko ang feed mula sa camera, pilit iniintindi ang bawat galaw niya. Napansin ko ang isang maliit na earpiece sa tainga niya, halos hindi halata kung hindi ka magtutuon ng pansin. "Earpiece..." bulong ko sa sarili ko. "May kausap siya." Biglang may lumapit na lalaki sa kanya. Suot nito ang itim na hoodie, at malaki ang panga—halos hindi makilala ang

