CHAPTER THIRTY-NINE: ••• ••• HABANG ako ay abala sa pag-monitor ng mga CCTV feeds mula sa command center, napansin ko na may kakaibang aktibidad sa isa sa mga feeds sa isang malapit na cafe. Tiningnan ko ang oras, at napansin ko na si Aphrodite ay naglalakad palapit sa isang hindi pamilyar na babae, at nagbanggaan ang dalawa. Tumigil ako sandali at pinanood ang bawat galaw ng dalawa. Ang babae na kaharap ni Aphrodite ay may itsura na medyo eleganteng, may suot na caramel-colored dress na may malalim na V-neckline, at off-the-shoulder sleeves. Ang kanyang buhok ay estilo ng loose waves na bumagsak sa kanyang likuran, at may napansin akong isang necklace na may pendant na may inskripsyon na "DD." Agad akong napahinto. May kasamahan siyang suot na make-up na matindi ang emphasis sa kanya

