CHAPTER THIRTY-FOUR: ••• ••• HABANG nakatitig pa rin ako sa insignia sa monitor, ramdam ko ang tensyon na bumabalot sa paligid. Hindi ito simpleng breach. Ang Lunar ay hindi pangkaraniwang grupo. Kilala sila sa kanilang precision at walang iniwang bakas, ngunit sa pagkakataong ito, may iniwang clue—at gagamitin ko ito laban sa kanila. "Kung sa akala niyo, matatakasan niyo ako, nagkakamali kayo," bulong ko habang muling binuksan ang hacking tools ko. Sinimulan kong mag-set up ng mas advanced na tracking protocols. Kung sakaling magkamali ulit sila ng galaw, siguradong mahuhuli ko sila. In-upgrade ko ang firewall systems ng HQ at nagdagdag ng layered encryption sa lahat ng access points. Hindi ko sila bibigyan ng pagkakataon. Habang nagti-type, bumalik sa isip ko ang video fragment. Ma

