CHAPTER THIRTY-FIVE: ••• ••• HABANG patuloy akong nagmo-monitor ng system at nagre-review ng mga surveillance feeds, hindi ko maiwasang mapansin ang unti-unting pagiging malapit nina Kenster at Aphrodite. Ang simpleng kwentuhan at pagkikita ay nag-evolve na sa mas malalapit na interaksyon. Ngayon, sabay na silang kumakain tuwing recess at lunch sa cafeteria. Napaisip ako. Si Aphrodite, na masayahin, mukhang nagbukas na kay Kenster. Lagi ko na silang nakikitang magkasama. Kahit sa mga feeds ng common areas, hindi na sila halos nagkakalayo. Nakikita ko kung paano siya ngumiti kapag si Kenster ang kausap niya, at si Kenster naman, tila mas relaxed kapag kasama si Aphrodite. Kanina lang, habang nagre-review ako ng CCTV feed sa cafeteria, napansin ko na nakaupo sila sa isang mesa sa sulok

