Dapat masaya ako na bumalik na ang ala-ala ng asawa ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko. May bahagi sa puso ko na malungkot. Hindi ko alam kung paano magsisimulang muli na kasama siya gayong nasanay na rin ako ng mag-isa. Ang tagal kung hinintay na bumalik ang asawa ko sa akin bakit ganito ang nararamdaman ko? Maling mali ito. Hindi ako dapat nagdalawang isip pa. Mahal ko ang asawa ko. Ayon lang ang dapat kung isipin at wala ng iba pa. Nakapasok na ako sa recovery room area. Kung saan naabutan ko ang aking asawa na ang himbing ng kanyang tulog. May bandage na din ang ulo niya. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang ulo. Ilang ulit ko itong ginawa at masaya ako na bumalik na siya at naaalala niya na ako. Hindi pa rin siya nagkakamalay at natatakot ako na baka mangyari na naman
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


