"Hmmm! Ideya mo 'to no. Desperada ka na ba talaga? Bakit ba hindi mo matanggap na walang tayo. Ni hindi nga kita kilala. Kahit anong sabihin nila wala akong matandaan mula sayo. Sino ka ba talaga? Asawa ba talaga kita? Bakit, bakit wala akong matandaan?" tanong niya sa akin. "Hindi ko alam sayo. Ikaw lang ang makakasagot ng tanong mo. Hindi ako ang may hawak ng isipan mo. Alam mo ikaw ang higit na makaka kilala ng sarili mo at hindi ako o kami. Ikaw ang kailangang maka alam ng lahat lahat. At sana kong malaman mo ang totoo. Sana hindi pa ako pagod, Dylan." wika ko. Totoo naman 'yon kasi nakakapagod na rin talaga. Ayoko na umasa ng umasa tapos palagi lang naman akong nasasaktan. "Paano nga?? You know what kanina lang pinanuod sa akin ni Mommy ang wedding videos daw natin. Pero, hindi ko

