Chapter 64

1435 Words

Nandito lang ako sa gate ng school habang nakaupo at iyak ng iyak. Hindi pa ko nauwi dahil siguradong makikita nina nanay ang namumugto kong mga mata. Buti na lang at wala ng tao sa school kaya nakakapag-emote ako dito. Mas lalo ako napahagulgol nang maalala ko ang sakit sa mga mata ni Ice. Kung alam niya lang, mas nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. Gustong gusto ko na siyang balikan do'n at yakapin ng mahigpit kaso hindi pwede. Inabot yata ako ng fifteen minutes sa kakaiyak. Naniningkit na ang mga mata ko dahil sa pagkamugto. Tumayo na ko at pinagpag ang palda ko. Kailangan ko ng umuwi, baka nag-aalala na sina nanay. Aalis na ko nang may tumigil na van sa harapan ko. Umakyat ang kaba sa dibdib ko, pamilyar ang van na 'to. Tatakbo na sana ako nang bumaba na ang mga tao sa van. S-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD