YES Umiyak talaga ako pagbaba ko ng stage matapos kong makuha ang diploma. After ng isang taon, naka-graduate na rin akong college. Sa isang taon na maraming problema, maraming nawala at nangyari, pero nakayanan ko lahat-lahat dahil 'di ako pinabayaan ng mga taong nagmamahal sa akin. Mas lalo akong umiyak dahil hindi man lang ako nakita ni Mama na naka-suot ng toga at magmartsa sa stage. 'Yon lang naman ang pangarap ni Mama para sa amin, e. Ang makita niya kaming makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay. Hindi kita bibiguin, Mama, naisip ko. Pakiramdam ko kasama ko pa rin naman siya, binabantayan kami ni Sunny at tumatawa kasama namin. Umiiyak akong niyakap si Lola, at ganoon din siya. "Proud na proud kami ng Mama mo sa'yo." Lalo pa akong naiyak, 'yung masaya at malung

