LEAN ON ME Kasama kong bumalik si Jacob sa Las Huelva. Kabado, takot at galit ang nararamdaman ko sa puso ko. Hindi ako mapakali sa byahe namin na kung pwede lang ay liparin ko ang distansya ay gagawin ko na. Nandoon si Caleb sa mansion kaya medyo nakahinga-hinga akong maluwag. Nagpakalat na rin ng mga police at militar na kakilala n gaming pamilya sa buong lalawigan para mas mapabilis ang paghahanap kay Micah. Hindi ‘to pwedeng mangyari! Paano?! Inii-imbestigahan din ang buong kapulisan sa lalawigan, inaalam kung sino ang kasabwat. Pero sa kasamaang palad, ‘di pa rin nila alam kung sino. Dammit! “Baka nandito siya,” huminto kami ni Jacob sa isang lumang building sa pinaka dulo ng bayan. Napakamit ako sa suot kong seatbelt bago iyon alisin. Tiningala ko ang building at napasinghap.

