FREE Pinuntahan ko si Jacob sa kanila at gaya nang inaasahan ay wala siya roon. Nagkataon na noong pumunta ako ay nandoon ang katiwalang si Ms. Agoncillo “Pasensya na Ma’am Summer, ilang araw na ring hindi umuuwi rito si Sir Jacob.” “Kailan po siya huling pumunta rito?” “Mga magda-dalawang linggo na rin Ma’am.” “May sinabi po ba siya kung saan siya pupunta?” “Pasensya na wala po talaga Ma’am." Akala ko magiging madali ‘tong paghahanap ko sa kanya. Gusto ko siyang makausap para tanungin kung may kinalaman siya. Oo, nagawan niya akong mali noon, mas maganda na rin na sa kanya ko mismo malalaman ang totoo, hindi sa tingin ko lang. Itinago ko iyon kay Caleb. Marami na siyang problemang dinala sa buhay niya, ayos nang ako na lang ang mag-isang maghanap kay Jacob. Nagaalala rin naman a

