NEW DAY
Nagising ako sa tawanan nila Mama at Sunny. Mukang malapit na rin kame sa Las Huelva kaya minabuti kong mag ayos ng sarili para maging presentable naman ako sa harap ni Lola Amanda.
Nakakatuwa na malaki rin ang pinagbago ng daan papunta rito. Noon kasi ay malubak ang daan, ngayon naman ay patag na. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan para malanghap ang simoy ng hangin ng probinsya. Iba talaga rito. Tama nga si Mama, mukang magiging tahimik at maayos ang buhay ko rito. Sana...
Pinagmamasdan ko si Sunny na tuwang tuwa sa kanyang mga nakikita. Ito ang unang beses niyang makarating dito kaya naman excited siya sa lahat ng mga nakikita, kahit alam niya na marami siyang maiiwan sa Manila.
Di alintana kay Mama ang pagod sa pagmamaneho. Masigla pa rin ito at tuloy ang pagkukwento niya tungkol sa kanyang nakaraan.
Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang hacienda ni Lola Amanda. Ang alam ko, ang pinsan kong si Micah ang nagaalaga sakanya ngayong mahina na. Hindi talaga namin siya totoong pinsan dahil ampon siya nila Tito Bernard at Tita Cindy. Matagal na silang yumao sapagkat sumabog yung sinasakyan nilang barko. Simula noon ay si Lola Amanda na ang nagpalaki at nag-alaga kay Micah.
"Finally, we're here!" Masiglang wika ni Mama.
Lalong lumaki ang ngiti ni Sunny dahil sa sayang nararamdaman. Pinagbuksan kame ng gate ng isa sa mga trabahador ni Lola sabay bati sa amin. Hapon na kaya mas lalong lumamig ang simoy ng hangin. Tumakbo palabas ng sasakyan si Sunny habang ako naman ay pinagmamasdan lang ang buong lupain. Lalo yatang lumawak ang hacienda? Ang alam ko ay hindi naman ganito kalaki ito noon.
"Sum, let's go inside. Your Lola and your cousin is waiting for us." Sabay hawak ni mama sa balikat ko.
Nauna na pala si Sunny sa loob at niyakap agad ang Lola. Pumasok na kami at nakita kong nakaupo na lamang si Lola sa kanyang wheelchair at sa likod naman niya ay si Micah na nakangiti sa amin.
Lumapit ako kay Lola para yakapin at kamustahin. Sana lumakas ulit siya tulad ng dati. Mahigpit ang yakap ni Lola sa akin at narinig ko ang kanyang pigil na hikbi.
"Miss na miss kita apo ko." Aniya.
Lumapit si Mama at Sunny para dumalo sa yakapan naming dalawa. Tinignan ko si Micah na tahimik lang kaming pinagmamasdan at nakangiti pa rin. Weird.
Dumiretso na kami sa kusina para makakain na. Si Sunny ay nauna nang umupo para lantakan ang mga handang pagkain. Ang malaking lamesa ay napuno ng mga pagkain. Parang fiesta sa daming handa! Dumidilim na at lumalalim na din ang usapan namen.
Bakas pa rin sa mukha ni Mama ang galak sa pagbabalik niya rito sa Las Huelva. Wala naman talaga kaming balak bumalik dito kung naging maayos lang sana ang buhay ko. Kasalanan ko naman 'to, eh. Nadamay lang ang buhay nila Mama. Anlaki nang sakripisyo nila sa akin, pati sila nag babayad sa mga kasalanan ko.
"Couz, why are you sad? Aren't you happy that you're here with us?" Tanong ni Micah na ikinagulat ko
Napansin siguro niya na bigla akong natahimik kaya naman ay kinausap niya ako. Walang alam si Micah sa mga nangyari sa akin. Mas mabuti na rin yun para hindi na ulit iyon mapagusapan.
"No... no! I'm really happy right now. I just miss my friends in Manila. Alam mo na, matagal ko silang hindi makikita." I said.
Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko sakanya. Parang may laman lahat ng mga sinasabi at mga tingin nya sa akin. O siguro ako lang talaga nagiisip no'n?.
Nginitian ko na lang siya at nakinig sa usapan nina Mama at Lola Amanda.
Tapos na kaming kumain at nakahanda na rin ang mga kwarto namin. Si Mama at Sunny ay magkasama sa iisang kwarto. Ako naman ay magisa lang sa napakalaking kwarto na ito. Inayos ko na rin ang iba kong gamit para konti na lang ang aayusin ko bukas.
Merong banyo rito sa loob ng kwarto ko. Tama si Sunny, halos kumpleto na ang mga gamit dito. May bathtub din at puro mamahaling shower gel, shampoo at sabon ang mga naandito. Pumunta ako sa isa pang silid sa aking kwarto at isa pala itong walk-in closet.
Humikab ako. I really missed my friends in Manila. Kaso ayaw ko na muna sila i-contact dahil magtatanong lang 'yon kung nasaan ako. Ang usapan namin ni Mama ay dapat walang puwedeng makaalam kung nasaan ako. Para wala ng gulo pa. Sinunod ko na lang siya dahil alam ko na 'yun ang tamang gawin.
Kahit papano ay nagugustuhan ko na agad dito. Pumunta ako sa balkonahe para silipin ang mga bituin sa kalangitan. Manghang mangha ako dahil sa daming bituin sa langit. Polluted kasi sa Manila kaya hindi mo mae-enjoy ang pagtingin sa mga bituin dahil halos hindi mo naman talaga sila makikita. Ang saya sa pakiramdam. Nakakalula ang dami nila.
Humikab ulit ako. Bago ako matulog ay pinuntahan ko muna sila Mama at Sunny para yakapin. Binisita ko rin si Lola sa kanyang silid ngunit tulog na ito kaya hindi ko na inabala pa.
Nagkasalubong pa kami ni Micah pagkalabas ko sa silid ni Lola. Ang alam ko ay magkalapit lang sila ng kwarto para kapag kailangan siya ni Lola ay agad niya itong mapupuntahan.
"Can't sleep?" Matabang na tanong niya.
"Ah, tutulog na rin ako. Goodnight!" Sabi ko
Nag ngitian lang kami at dumiretso na ako sa aking kwarto. Hindi talaga ako natutuwa sakanya.
Hinayaan ko lang bukas ang pintuan ng balkonahe. Gusto ko maramdaman ang lamig ng hangin dito sa probinsya.
Nagpalit akong damit pantulog at tumalon papuntang kama.
"Sana tama ang desisyon namin na dito na muna tumira" Bulong ko sa aking sarili at bago tuluyan na makatulog.