FEELING CLOSE
"Ate. Ate. Ate! Bangon na! Pupunta raw tayong bayan! Mamamasyal daw!" Dinambahan ako ni Sunny na tuwang tuwa habang binabalita sa aking ang plano nila.
9:00 AM na pero antok na antok pa rin ako. Sanay kasi ako na 11 gumising at nagigising lang din ako kapag kinatok na ni Mama ang kwarto ko.
Agad akong pumunta sa banyo para maligo.
"Ate andaya ba't ang laki ng kwarto mo?" Sumunod pala ang kapatid ko sa banyo. Inggit na inggit siya sa bathtub. Wala raw ganon sa banyo nila.
Hindi ko na pinalayas ang kapatid ko, nagkusa na rin siyang umalis. Sinimulan ko na ang aking seremonyas at nagasikaso na.
Naka peach floral dress ako at sandals. Pinagmamasdan ko lang ang sarili ko sa malaking salamin sa tabi ng balkonahe.
"Couz, halika na. Lola is looking for you na, eh." Nagulat ako sa biglaang pagpasok ng pinsan ko sa kwarto. Hindi man lang kumatok. Tsk!
Sinundan ko na lang siya pababa at nakita ko si Sunny na naka higa na sa sahig dahil sa gutom.
Ako na lang yata talaga ang hinihintay. Agad ding tumayo si Sunny at tumabi na kay Mama.
"Good morning, Summer, Apo! How's your sleep? Nagustuhan mo ba ang kwarto mo? Pinaganda namin yun at pinamili ka namin ng mga gamit." Si lola
"Really? I love it po! Salamat lola." Sagot ko.
Totoo naman na nagustuhan ko. Sino ba naman hindi?
"Lola gusto ko rin ng sariling kwarto." Reklamo ni Sunny habang naka pout. Tinawanan ko na lang ang reaksyon niya at sinimulan kumain.
Hindi ako sumama kay Mama papuntang bayan. Aasikasuhin lang naman ni yung magiging flower shop business ni Mama dun. At tsaka magtatagal ako rito sa Las Huelva kaya maraming pagkakataon na pwede akong mamasyal dun.
Kami lang ng pinsan ko ang naiwan sa mansyon. Hindi ko na alam kung s'an siya pumunta. Sa laki ng mansyon na ito, mapapagod lang ako hanapin siya. Wala naman ding dahilan para gawin ko iyon.
Abala ang mga kasambahay sa paglilinis, kaya naisip kong mamasyal muna at maglibot libot mag-isa. Lumabas ako sa mansyon at nanghiram ng bisekleta sa hardinero.
Ang layo pa ng nilakad ko para lang makahiram ng bisekleta. Napagod na agad ako. Mabuti na lang at hindi mahapdi sa balat ang init ng araw at mahangin din.
Iba't ibang uri ng hayop ang nandito sa hacienda. Pati na rin mga puno na hindi ko naman alam kung anong klaseng puno ba sila. Binati ako ng mga nakakasalubong kong trabahador at sinuklian ko rin ng bati ang mga iyon.
"Kayo po si ma'am Summer di po ba? Bilin po kasi ni Madam Amanda na 'di po kayo pu-pwedeng lumabas." Aniya
"Huh? Bakit naman? Kuya saglit lang naman po ako. Sige na po buksan nyio na." Pagmamakaawa ko.
Nagkamot lang ng ulo yung mama at pinagbuksan na rin ako. Mukang nagtalo pa sila nung kasama niyang lalake
"Mayayare tayo nito kay madam..." Dinig ko ang bulungan nung dalawa.
Nagpatuloy ako sa pag pe-pedal ng bisekleta at umihip ang malamig na simoy ng hangin. Tumindig ang balahibo ko sa lamig. Sleeveless ang dress na suot ko. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta, wala na akong matandaan sa lugar na ito basta tuloy tuloy lang ako sa pag pe-pedal.
Sa bilis kong magpatakbo ay bigla na lang may lumikong sasakyan at kahit nahawakan ko agad ang break ay dire-diretso pa rin akong sumalpok sa sasakyan.
Ang sakit! Ramdam ko na may sugat ako sa siko at tuhod. Kasabay nang pagihip ng hangin ay ang paghapdi ng sugat ko. Buti ay walang gasgas ang sasakyan dahil kung nagkaganon, tiyak mayayari ako. Problema na naman.
May bumabang lalake sa sasakyan at agad akong dinaluhan para alalayan.
"Miss, are you okay?" Tanong niya
Hindi ako sumasagot dahil abala ako sa pag pagpag ng dress ko.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ulit niya saaken.
Tsaka ko pa lang siya tinignan nung natapos akong magpagpag.
Napatitig ako sa mga mata niya dahil sa ganda nito. Nagsusumigaw ang kulay ng mga mata niya na nasisinagan ng araw. Napakaganda!
"Miss, okay ka lang ba?" Pansin ko ang pagkairitable sa boses nya
Tsaka lang ako natauhan nung tinalikuran niya ako para itayo ang bisekleta ko. Nakakahiya! Napansin niya siguro na nakatitig ako sakanya!
Pinagmamasdan ko ang malapad niyang balikat at matipunong pangangatawan. Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa akin at halos hindi ako mapakali dahil tinitignan niya ako.
"Sorry. Nasira ko ata ang bike mo." Aniya
"A-ano... Hindi kasi sa akin 'yan. Hiniram ko lang 'yan." Sabi ko
"Oh. Sige ipapaayos ko na ngayon." Isinakay niya ito sa likod ng kanyang sasakyan. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan lang siya.
"Miss, hindi ka ba sasama? Ipapaayos ko diba." Kunot ang noo niya sabay pasok sa sasakyan.
Agad akong sumakay sa roon. Ambango bango naman!
"I asked you a while ago if you're okay.... so.. are you okay?" He licked his lips.
"Yes, I am!" Bulalas ko.
Nakatitig siya sa kalsada at seryosong nagmamaneho. Gwapo!
Napangiti na ako.
"I'm sorry. Biglaan kasi akong lumiko. Hindi ko napansin na may nag bi-bike pala." Aniya at nakatingin pa rin sa kalsada
"Ah. By the way, ano palang pangalan mo?" Tanong ko. Hindi agad siya sumagot. Nagsisi naman ako dahil baka isipin nya na feeling close ako.
"Caleb Hernandez..."
Napatango na lang ako habang tinititigan siya.